XANDER "Is it really possible to possess a body of a royal blood Auntie?" Nandito pa rin kami sa library, lumabas si Casper, sinamahan nya si Mel sa kwarto, napagod na ang asawa nya kaya naman hinatid na nya ito, si Senri naman, bumabalik na ulit sa kwarto ni Zam. "Yes, magkapatid naman sila, kaya hindi imposible." Sagot ng reyna. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na kaharap ko reyna, isang beses ko lang sya nakita, at sa museum pa ng Academy. Pinag uusapan pa rin namin kung ano ang dapat gawin. "Pero paano po nangyari na Fearsome ang bumuhay sa kanya? Hindi nyo po yata nasabi yan?" Kanina pa kami nagtatanong sa kanya, pero naubusan na rin siguro, kaya si Aliyah na lang ang nag tatanong. "Yes, hindi ko

