LA-TWENTY [Where it starts.] --- AUDRIE "Paano mo nalaman kung saan ang bahay namin at ngayon ako uuwi? wala akong pinagsabihan non kahit sino no." Hindi pa rin ako talaga makapaniwala sa nangyari kanina. Kasalukuyan kaming nakasakay sa kotse nya, akala ko talaga taong kweba ang isa na to, kasi pag makikita ko sya, laging naka hoddie, plain shirt, ragged jeans at sneakers, pero syempre joke lang yon. "I just know." Nagtataka pa rin ako, simula kasi kanina sa bahay hanggang ngayo dito, nakangiti sya, very unusual pero hindi ko maexplain ang nararamdaman ko.

