XANDER "Anak ng pitong tupa! Ano ba?!" Nagulat pa ko ng biglang sumigaw si Aliyah habang nakaupo sa tabi ko. "Ano ba? Ingay mo naman! Ikaw lang tao dito ganon?" Sigaw ko, kaya napatingin sya. Halos mapaatras naman ako, kasi naman, kung nakakapatay lang ang titig, bumagsak na ko dito. "Fvck off. Manahimik ka." Sabi nya at inirapan ako, tsaka bumalik sa ginagawa nya, at dahil curious ako, tinignan ko kung ano yung ginagawa nya. "Ano ba kasi yan?" May hawak sya na rectangular shape na gamit, tapos pinipindot nya, tapos may ilaw, may bilog sa gitna, na iba iba ang kulay. "Hindi mo ba nakikita? Naglalaro ako." Sagot nya habang nakatingin pa din sa gamiy na hawak nya. Napakunot ang noo ko sa sinabi nya, an

