Chapter 65: Love Wins Always Dahil sa muling pagkabigo na makitang muli si Stefan ay nagtungo nalang ulit si Andrei sa opisina nito. Doon na siya kumain at nag- abang. Habang nasa cafe ay natanaw niyang pasakay na ng elevator ang kasintahan. "Stefan!" Sigaw niya dahilan upang siyang pagtinginan sa loob ng cafe. Nagtatakbo pa siya ngunit hindi na niya ito naabutan pa kaya naman umakyat nalang siya sa floor nito. "Oh Stefan?" Nakasalubong niya si Hazel. "Hazel nasan si Stefan? Kailangan ko na siyang makausap." "Hindi pwede ngayon Andrei. Di ba nga sabi ko sayo kanina may important client meeting si Stefan. Hindi siya pwedeng maistorbo. Kailangan niyang mag- focus dun." Tugon nito. "Pero kailangan ko na nga siyang makausap eh. Galit siya sa akin. Hindi pwedeng tumatagal ang oras na h

