Warning!
Not your ordinary Man x Man story.
Sizzling hot! Controversial! Tear jecker! Love-Filled!
ALL Emotions in One Gay Love Story!
Chapter 44: Slowly Going Back: High
Magkayakap sila Stefan at Andrei habang nakasakay sa eroplano. Nakikinig din sila ng music gamit ang kanyang earphones. Bagay na bagay ang musikang nag- play. They were high on the ground for a thousand feet. And they were high of their love. Pag- ibig na simula palang susubukin ng mas marami pang mga balakid. Kakayanin kaya nila?
Will it ever be
I've tried so hard to find sweet serenity
I am still afraid
Just close your eyes and dream, feel it fade away
'Cause time won't flow
Everyone knows
When the pain fades away
Dreams won't die
Tears in our eyes
You've got to hold your head up high, yeah yeah yeah
Hold your head up high
It's take some time
And I've given up the will to change your state of mind
Just try and understand
It's not so hard to see that I am just a man
Time won't flow
Everyone knows
When the pain fades away
And dreams won't die
Tears in our eyes
You've got to hold your head up high, yeah yeah yeah
Hold your head up high
Will it ever be
I've tried so hard to find sweet serenity
I am still afraid
Just close your eyes and dream, feel it fade away
Time won't flow
Everyone knows
When the pain fades away
And dreams won't die
Tears in our eyes
You've got to hold your head up high, yeah yeah yeah
Hold your head up high, yeah yeah yeah
Hold your head up high
Si Monique mismo ang sumundo sa kanila sa airport. Nagsabi ito kay Andrei. Nagpumilit. Yung excitement nito na makita sila at makatsikahan ay abot pabalik ng Boracay. Niyakap at hinalikan sila nito sa pisngi. Abot tainga rin ang ngiti nito.
"Mga walang hiya kayo! May namumuo palang paghaharutan sa inyong dalawa hindi niyo man lang sinabi! Anong klase kayong mga kaibigan! Hindi niyo man lang sinabi sa akin!" Saka ito humarap kay Andrei. "At ikaw Andrei! All these years akala ko kilala na kita! Tapos bigla kong malalaman na ganyan ka! No judgments huh! Hindi lang ako makapaniwala. Hindi mo man lang kasi sinabi sa akin! How dare you! Matatanggap naman kita ng buung- buo eh!" Kinurot pa nito sa tagiliran ang kasintahan.
"Ouch naman Monique. Sorry na. It's a long story. Pwedeng let's go na? Ihatid na muna natin si Stefan sa kanila. May pasok siya bukas kailangan niyang makapagpahinga kaagad. Magkukwento ako habang nasa sasakyan."
"Wow! Boyfriend na boyfriend goals ka na dun ah Drei! Ang haba ng hair mo Stefan! Kagigil kayong dalawa eh! Oh siya lagay niyo na yung mga maleta niyo sa likod. Ako pa? Driver na tagabuhat pa?"
Habang nasa byahe ay naikwento na nga lahat ni Andrei ang tunay nitong pagkatao at mga lihim nito sa sexuality sa kaibigang si Monique. Siya naman ang nagkwento nang tungkol sa kanila ni Andrei. Kung paano nagsimula ang lahat. Yung hindi nito pagpansin sa kanya matapos ang nangyari at ang naganap na reconciliation sa Boracay.
"Oh my f*****g God! Kinikilig ako sa inyo! Grabe kayo!" Tumitiling reaksyon ni Monique habang nagmamaneho.
"Can you please concentrate on the road? Kapag tayo naaksidente baka hindi tumagal ng one week ang relasyon namin ni Stefan dahil namatay na kami." Sarkastikong tugon ni Andrei.
"Patay agad?" Then she paused. Huminga rin ito ng malalim. "Actually may ipagtatapat ako sa inyo."
"Wag mong sabihing tomboy ka? Papatayin kita." Tugon ni Amdrei.
"Hmmmm..." napaisip si Monique.
"f**k! Seryoso ba? Monique all these years akala ko kilala kita! Ikaw naman ang magkwento! Ano 'to?!" Binalik ni Andrei ang ganoong reaksyon sa kaibigan. Napangiti naman si Stefan. Hindi niya alam kung nagbibiro lang si Monique.
"I'm bisexual I guess? Nito ko lang naramdaman eh. Parang nagkakagusto ako sa babae. Hindi ko alam kung bakit ganito. Wala naman akong madilim na past tulad ng sa iyo. Baka hormones lang ito. Phase? Pero kasi ilang buwan na. Gusto ko na ngang magtapat sa kanya eh." Tila seryoso nga si Monique sa pinagtapat nito.
"f**k you ka Monique! Sino 'yung babae? Straight ba? Butch? O bisexual din?" Sunud- sunod na tanong ni Andrei.
"Oo nga sino yung lucky girl?" Napatanong na rin tuloy si Stefan.
"Lucky? Ang malas nung girl! Hahaha!" Komento ni Andrei.
"Bwisit ka no?" Then she sighed again. She took a long and deep breath. "Stefan kilala mo siya. Si... si Hazel."
Hindi makapaniwala si Stefan sa narinig. Sa kaibigan niyang si Hazel nagkakagusto si Monique.
"Totoo ba?" Pagkukumpirma niya.
"Yes. Sana ay okay lang sayo bilang magkaibigan kayo? Sana rin ay matulungan mo ako? I want to know her more." Tugon ni Monique.
"Naku Stefan wag mong tutulungan yang si Monique. Masisira ang buhay ni Hazel. Hindi naman siya mabibigyan ng time ni Monique dahil sobrang busy niyan. Sa dami ng businesses niyan kulang nalang yung mga negosyo niya ang jowain niya eh!" - Andrei.
"Shut up Andrei! Ako grabe yung support ko sa inyo tapos ikaw kung makakontra ka dyan!" - Monique.
"Wag kang mag- alala I'll help you Monique. Kaso lang alam ko straight si Hazel eh. Pero love knows no gender naman eh. Malay mo magkagusto rin siya sayo. Tingnan mo ikaw all these years ang alam mo babae ka. Tapos all of a sudden aakalain mo bang magkakagusto ka sa kapwa mo babae. Hindi naman di ba?" Tugon niya. Suportado niya rin ang mga kaibigan anuman ang kahantungan ng relasyon ng mga ito. Kung hindi susubok ay hindi malalaman.
"Thank you Stefan! I love you talaga! Hindi na kita aakitin promise! Kasi si Hazel na talaga ang bet ko eh!" Nag- flying kiss pa sa kanya si Monique.
"Teka nga Monique. Paano mo nalaman 'yung sa amin ni Stefan? Kinwento ba sayo ni Hanz?" Tanong ni Andrei.
"Huh? Hindi. So hindi niyo alam? Hindi kayo aware?" Nagtatakang tanong ng kanilang babaeng kaibigan.
"Alam ang ano? Aware saan?" Tanong ni Andrei.
"Nakakaloka kayo! May pakanta ka pa sa isla di ba? Tapos may pa flashmob ay kiss ka pa in front of many people. May nagpost ng video sa f*******: at youtube. Trending at viral lang naman kayong dalawa. Internet sensation na kaya kayo!" Pagtatapat nito.
"What?"
"Ano? Ibig sabihin alam na ni dad?" Biglang nag- iba ang timpla ng mukha ni Andrei.
"Malamang. Alam na ni tito, ni tita, ng kapatid mo at ng buong angkan ninyo. Isama pa ang asawa mo, ang pamilya niya at ng buong Pilipinas."
Saka nawalan na ng imik si Andrei hanggang sa makarating sila sa kanyang bahay. Nakaabang na ang kanyang mama pati na rin ang mga kaibigang sina Hazel at Chester.
"OMG! Magkasama na talaga kayo!" Hiyaw ni Hazel bago yumakap sa kanila.
Dumiretso naman si Andrei sa kanyang ina. "Tita. I'm really sorry po kung sinaktan ko si Stefan at kayo na rin po nitong mga nakaraang buwan. I'm really sorry po. Pangako po hindi ko na siya sasaktan. I will love him every single day." Hinawakan pa nito ang kamay ng kanyang ina.
"Yun oh!"
"Kilig much!"
"Love wins!"
Kung maka- react at kiligin naman sina Monique, Hazel at Chester ay wagas. Pero kahit siya ay kinikilig sa ginawa at sinabing iyon ni Andrei. Hinintay niyang gawin talaga iyon ng lalaki. Ang ganda kasi ng tingin ng kanyang ina sa lalaki pero nasira iyon dahil sa nangyaring iwasan.
"Alam mo anak Andrei. Wala na 'yun. Pinapatawad na kita. Masaya na akong pinagsigawan mo sa buong mundo na mahal mo ang anak ko. Sana lang ay mapanindigan mo yan huh? Sana wag mo na siyang iwan sa ere. Wag ka na sanang matakot." Tugon naman ng kanyang ina. Napansin niya ang muling pagbabago ng timpla ng mukha ni Andrei.
"Andrei, can we talk? Ma excuse muna po?" Saka sila lumayo ng kaunti. "Anong problema? Ang daddy mo ba?"