Chapter 41

2141 Words
Warning!  Not your ordinary Man x Man story. Sizzling hot! Controversial! Tear jecker! Love-Filled! ALL Emotions in One Gay Love Story Chapter 41: Unli Date: Unli Love "Pa- kiss pa Stefan oh." Ngumuso sa kanya si Andrei at pinipigilan siyang tumayo. "Tumigil ka nga dyan Andrei. Tara na. Hinihintay na tayo ni kap. Kahapon pa pagod sa atin 'yun. Tapos mukhang maghapon na naman yung serbisyo niya sa atin ngayon. Kaya tara na wag na natin siyang paghintayin at wag kang ano dyan." Tugon niya. Hindi siya nagpapigil dito. Kahit na ang totoo ay gusto niyang halikan lang ang mga labi nito. He can do that all day. "Malaki naman ang bayad kay kap kaya walang problema sa kanya yun." Saka niya ito pinandilatan bilang tugon. "Okay po. Sabi ko nga eh. Tara na." Pagsakay sa yate ay kaagad niya itong tinanong. "Anong activities natin today?" "Marami. Handa ka na ba? Mapapagod ka today. Tapos mamayang gabi papagurin pa kita. Hahaha!" "Gago." Natatawang tugon niya. But he was excited. Sabik na siya sa unang adventure s***h date nila ni Andrei. "Mga sir ibang spot po ito ng dagat. Pwede niyo na pong ituloy ang snorkeling ninyo rito. Maganda po ang panahon. Hindi po malakas ang alon. Makikita niyong mabuti ang under water creatures at coral reefs na pinagmamalaki ng Boracay." Saad ni kap nang tumigil ang yate sa gitna ng karagatan. "Thank you kap." Gayunpaman ay walang kumilos sa kanilang dalawa upang magpalit ng suot at magsuot ng life jacket. "Kinakabahan ako Andrei." Siya ang bumasag ng katahimikan. "Ako rin eh." Tugon nito. Sariwa pa sa kanila ang nangyari kahapon. "Gusto kong ituloy pero kung ayaw mo I'll respect your decision. Baka hindi nga lang natin napapansin pero na- trauma tayo sa nangyari kahapon." Dugtong pa nito. "I actually want to do it too. Isa pa kung hindi nangyari ang nangyari kahapon hindi pa tayo. Siguro part talaga yun ng journey natin. Ayoko namang yun nalang ang maalala natin. Let's make a new memory on our snorkeling adventure here in Bora. Let's do it Andrei." Tumango ito na may kasamang determinadong ngiti. Nagpalit sila ng suot. Naghubad. Boxers lang ang natira nilang saplot. Saka nito kinuha ang kanyang kaliwang kamay. Kusang loob naman niya itong binigay. "Magmula ngayon sabay na tayong tatalon." Saad nito. "Team!" Sabay nilang nausal. "Hooooh!" Napasigaw pa sila habang tumatalon. Napakakalmado ng tubig. Sinuot nila ang kanilang goggles. There was nothing to regret this time. Napakaganda ng view sa ilalim ng dagat. Hindi lang talaga ang white beach ng Boracay ang maipagmamalaki nito. Maging ang ilalim ng karagatan nito ay napakaganda. "This is the best!" He uttered as he removed his goggles. Saka hinalikan ni Andrei ang kanyang mga labi. "It's perfect lalo pa't kasama kita." "Ang cheesy mo!" "Kinikilig ka naman!" Matapos nilang mag snorkeling ay nag water activities naman sila. Sumama sila sa ibang grupo upang makapag- banana boat. "Kapit kang mabuti sa banana ko ah. Yakap ka lang!" Saad nito. "Sa banana boat ako kakapit hindi sa banana mo! Bastos!" Saka nagpaharurot ng motor boat driver. Umikot ikot ito hanggang isa- isang nalaglag ang kanilang mga kasama. Sila nalang dalawa ang naiiwan. "Hindi mo kami basta- basta mahuhulog manong! Kasi nahulog na kami sa isa't- isa!" Sigaw ni Andrei saka sila sabay na nalaglag. "Hahahaha!" Sunod naman nilang sinubukan ay jet ski. Si Andrei ang nag- drive. "Oh wala ka nang choice kundi yumakap sa akin. Pwede ka ring kumapit sa banana ko kung gusto mo tutal dalawa nalang tayo rito." Hinampas niya ito sa likod. "Alam mo ikaw puro ka kabastusan." "Sorry naman po. Pero seryoso yumakap kang mabuti. Kasi I'll give you one roller coaster ride." Saka nito sinimulang paandarin ang makina ng jet ski. "Wooooooh! Aaaaah!" Walang tigil siya sa paghiyaw. Roller coaster nga sa bilis at pagliko si Andrei. Gayunpaman he felt very safe. Tila sanay na sanay na ito. "Saan ka natutong mag- jet ski? Ang galing mo ah!" Komento niya matapos ang kanilang ride. "Dito rin. Kapag nagbabakasyon ako rito ay laging kasama ang jet ski sa gagawin ko." Sumakay na ulit sila sa yate para magpunta sa kanilang lunch location. Nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita. Isang hideaway island na napapalibutan ng tubig ang kanilang tinungo. "Yan ang Balinghai beach. Kapag high tide it was submerged in sea water. Pero kapag ganitong low tide ay perfect romantic place ito. Nagpatayo ako ng payong para makakain tayo ng lunch. Mas maganda sana rito kapag may dinner pero may ibang plano ako for our dinner eh." "The island really looked romantic. Pero bakit parang yung mga staff lang ang tao? Iilan lang sila. Walang ibang lovers." Nagtatakang tanong niya. "Inarkila ko kasi ang buong isla para masolo natin ngayong lunch." Tugon nito. "Ano ka ba Andrei? You don't need to do that. Ang dami mo nang gastos sa date natin na ito." He sincerely said. Saka tumigil ang yate sa gilid ng isla. "Pera lang yan. Ang mahalaga yung memories na nabubuo natin. Isa pa sabi mo nga di ba kahit simple lang basta magkasama tayo. Nagkataon lang na habang buhay na magkasama tayo eh liligawan kita. All the best for you Stefan. From the simplest to the most extravagant." Saka siya nito inalalayan pababa. Magkahawak ang kamay silang lumapit sa payong kung saan may mesa at naroon ang kanilang mga pagkain. Italian cousines ang nakahain. "Grabe naman sa pa- Italian cousine sa isla." He said. Saka siya nito inalalayan sa pag- upo. "Iiih!" Dinig niya ang komento ng mga staff na nakaabang sa kanila. "Hello. Kain po." Anyaya niya sa mga ito. "Naku sir sinagot na po ni sir ang pagkain namin. Enjoy lang po kayo dyan." Tugon ng babaeng staff na halatang kinikilig sa kanila. "Told ya." Kibit balikat na komento ni Andrei. Nagsimula na silang kumain. "Thank you for this Andrei. I really appreciate it. Pero sana wag kang magastos sa pera mo. Alam kong mayaman ka pero dapat practical ka pa rin. Malaki rin ang sweldo ko pero bawat gastos ko pinag- iisipan ko pa rin. I'm not demanding you to change your lifestyle. I'm just giving you an advice. We're both self- made individuals. It's for our future." Ito naman ang napangiti lang. "Oh bakit wala kang nasabi?" "Kinilig ako dun sa 'it's for our future' eh." Tugon nito. "Wag kang mag- alala malaki man ang nagastos ko sa date nating ito lahat yun naka- budget. Lahat yun worth it." Matapos nilang kumain ay napanganga nalang siya nang may dumating na helicopter at lumapag sa isla. "A- ano 'to?" He was speechless. "Our next adventure. Doon naman tayo sa ere. Wag kang mag- alala hindi na kita iiwan sa ere." Tugon nito. Inalalayan siya nito paakyat sa heli. First time niyang sasakay sa helicopter. Sobra siyang na- excite. Halos tumalon ang kanyang puso sa kanyang dibdib sa kaba at excitement. "Wow!" Halos yun lang ang nasasabi niya habang nagpapaikot- ikot ang helicopter sa Boracay. The bird's eye view was majestic. "I love you Stefan!" Sigaw ni Andrei. "I love you too Andrei!" Lumapag sila malapit sa Puka Beach. "Dahil hapon naman na. It's pampering time. Magpa massage naman tayo." Saad nito. "Pero bakit parang wala na namang tao? Di ba isa sa popular island dito sa Boracay itong Puka? Wag mong sabihing inarkila mo rin 'to?" "Y- yes. One and half hour lang naman. Enough na para matapos yung massage natin." "Grabe ka po. Pinagkaitan mo na naman ang ibang mga turista." Nag- peace sign lang ito. Pumunta sila sa isang kubo sa isla kung saan may naka- set up na dalawang massage bed. Sariwang hangin mula sa dagat ang maamoy. Siesta time. Pagod na rin ang kanilang katawang lupa sa dami nang ginawa nila. "Welcome love birds!" Bungad na pagbati ng dalawang babaeng massage therapist. Pinaghubad na sila ng shorts at saka pinagbalot ng tuwalya. Nahiga na sila. Ilang stroke palang sa katawan ni Stefan ay nakatulog na siya. Sobrang sarap ng tulog niya. Hindi na niya namalayan ang oras. Magmulat ng kanyang mga mata ay nakamasid na naman sa kanya si Andrei. "Good morning." "Huh? Umaga na?!" Bulalas niya. Saka siya dagling napatayo. "Hahaha! Hindi pa naman. Alas singko na ng hapon. Apat na oras ka ring tulog." "Seryoso ba? Edi ilang oras na walang ibang turista rito? Naku baka hindi na tayo pabalikin dito!" Napakamot siya ng ulo. "After one hour binuksan na ulit sa lahat ang Puka. Kaya wag ka nang mag- alala. Nandito lang naman tayo sa loob ng kubo eh. Ang mas isipin mo ay ito." Saka nito nilabas ang cellphone saka may p- in-lay. Tila tunog iyon ng naghihilik na tao. Then he realized na siya 'yon. "What the! Gago ka talaga Andrei! Bakit mo ni- record ang hilik ko?!" Saka niya akmang aagawin ang phone nito  ngunit dagli naman nito iyong tinago. "Hahaha! Gagawin kong ringtone 'yun. Ganon kita kamahal Stefan. Kahit sa ringtone ko gusto kitang naririnig." "Urgh! Kagigil ka!" Saka siya nito inakbayan. "Nag- enjoy ka ba?" "Halata naman sa hilik ko di ba? Hahaha!" Tugon niya saka sila sabay na natawa. "Let's go. Dinner time na. Special ang dinner natin." "Naku po kinakabahan na ako sa mga nakahanay nating gagawin." "Don't worry sa yate lang tayo ulit." Sunset dinner naman sila sa gitna ng dagat. Natupad din ang nauna nilang napag- usapan. The set up was very romantic and perfect. May pa- wine ulit, steak, pang five star hotel na desserts at rose petals na nagkalat sa lapag ng yate. "Ang ganda ng sunset no?" Saad nito in a low tone. Iginala niya muna ang mga mata sa pagitan ng langit at dagat kung saan naroon ang papalubog na araw. "Oo. Alam mo bang noong unang araw ko rito sa Boracay pinakita agad sa akin yan ni Hanz sa viewdeck ng restaurant ng hotel? By that time, I was thinking about moving on from my feelings for you. After few days heto ako kasama kang pinagmamasdan ang sunset. Tapos boyfriend na kita. Akalain mo nga naman 'yun. I am so happy right now Andrei." "Ako rin sobrang saya ko." Pagtingin niya rito ay nakaluhod na ito. May hawak itong singsing. "Oh my God ano yan Andrei?" Napatakip siya ng bibig. Nagsiliparan ang mga paru- paro sa kanyang tiyan. "Proposal agad? Mag bebente kwatro oras palang tayong mag- boyfriend." "It's our boyfriend's promise ring. Kalmahan mo lang. Ito ang tanda ng pagiging team natin. Yung pangako nating no more secrets at open communication. Ito ang symbol ng love at trust natin sa isa't- isa. I love you Stefan. Please accept this ring as my boyfriend." Napaluha nalang siya. "Of course I will accept that. I love you too." Saka nito isinuot ang singsing sa kanyang palasinsingan. Inabot naman nito ang kaparehong singsing para naman isuot niya iyon dito. Mas lalong pang gumanda ang sunset. Hindi na nga niya napansin na naging photographer na rin pala ang kapitan ng yate. Then they shared another passionate kiss. Passionate and full of love. Marahan. Madiin. Ilang minuto rin 'yun. Hanggang sa tuluyang lumubog ang haring araw. Magmulat ng kanyang mga mata ay maliwanag pa rin ang paligid. Maliban kasi sa mga rosas sa lapag ay may mga scented candle din pala na nakasindi na. It was like a scene in a romantic boys love series. Hinigitan pa nga eh. "This day was perfect Andrei. Hindi dahil sa maluluhong bagay na binigay mo pero dahil kasama kita. I will never forget this day." He whispered. "I'll make sure na you will never forget each day na magkasama tayo. Hindi lang ang araw na ito." Tugon naman nito. Saka na nila pinagsaluhan ang pagkaing nakahain na halos lumamig na. Nagsubuan pa sila. Walang patugtog noon pero sa sobrang surreal ng tagpo ay parang may background music sila. Halu- halo na ang mga musika ng kanilang pagmamahalan. Said all I want from you Is to see you tomorrow And every tomorrow Maybe you'll let me borrow, your heart And is it too much to ask for every Sunday? An while we're at it throw in every other day to start I know people make promises all the time Then they turn right around and break them When someone cuts your heart open with a knife and you're bleeding But I could be that guy to heal it over time And I won't stop until you believe it 'Cause baby you're worth it So don't act like it's a bad thing to fall in love with me Matapos nilang kumain kahit amoy steak pa ang kanilang hininga ay kagyat siyang hinalikan nito. Mas mapusok na ang halik nito. Ang mga kamay nito ay gumagapang sa kanyang pisngi, pababa sa kanyang leeg at sa ibang bahagi pa ng kanyang katawan. Hindi na rin napigilan ng kanyang mga kamay na maging mapusok. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD