Chapter 61: Bonding of Angels "Mom! Mom!" Agad na lumapit si Andrei sa ambulansya. Doon niya nakita ang nanghihinang ina. "Mommy lumaban ka please. Nandito na si Richard ang apo mo!" "Moooooom!" Sigaw ng kanyang kapatid na si Aleya saka ito hinimatay. "Aleya!" Sigaw naman Stefan. Umiyak na si Richard na karga niya. Napakagulo na ng mga pangyayari. Isinakay na rin sa ambulansya si Aleya. Iniabot ni Andrei kay Stefan ang sanggol. "Please take care of Richard, Stefan. Sasama ako sa ospital. I- set up niyo na ang lahat sa kwarto ng anak ko. Hindi siya pwedeng ma- expose ng matagal sa labas at bawal sa kanya ang stressful environment." Bilin niya sa kasintahan. "Okay sige ako na ang bahala kay Richard." Tugon naman nito. "Sumama ka na sa mommy at kapatid mo. Balitaan mo nalang kami."

