Chapter 55: Father's Approval
"Chill lang Andrei at Aleya. Chill lang guys. Muntik lang naman di ba? Hindi naman kami natuloy magsuntukan eh." Paliwanag ni Stefan sa magkapatid.
"Alam mo yang si dad sumosobra na eh. That's wrong! Maling hamunin niya ng suntukan ang bisita ko lalo na ang lalaking pinakamamahal ko. Hindi ko mapapalampas 'to!" Mabilis na uminit ang ulo ni Andrei at akmang bababa na ito upang komprontahin ang ama.
Dagli naman niya itong pinigilan. "Chill lang sabi Andrei di ba?"
"Chill? You think I can chill? Stefan no! Hindi ako makakapayag na gawin niya 'yon sayo."
"Kuya Stefan sa tingin ko tama si kuya Andrei. Mali si dad. Sasamahan ko nalang si kuya to talk to him. I'll make sure na walang gulong magaganap." Saad naman ni Aleya.
"Wait. I'm serious Andrei. Aleya. There's no need to confront your dad." Then he smiled. "I was actually amazed of what happened. Hindi ako makapaniwala."
"Hindi ka makapaniwalang muntik na kayong magsuntukan?" Tanong ni Andrei na tila hindi pa rin humuhupa ang init ng ulo.
"Hindi ako makapaniwalang yayakapin niya ako at papayag na siya sa relasyo natin." Pagtatapat niya.
"W- wait. Did I heard it right?" Nauutal na tanong ng lalaki.
"Tingin ko pareho tayo nang narinig kuya." Pagkumpirma ni Aleya.
Saka ikinwento ni Stefan ang buong pangyayari.
..........
"Sir Antonio." Sambit ni Stefan matapos niyang maghintay na harapin siya ng daddy ni Andrei. Tinawag ito ng isa sa mg katulong sa mansion.
"What are you doing here? Anong ginagawa ng tampalasang katulad mo rito?" Tanong nito. May pinagmanahan talaga si Andrei. Tila mainit na kaagad ang ulo nito nakita palang siya.
"Narito po ako dahil ipapakilala na po ako personally ni Andrei sa mommy niya, sa asawa ninyo. Ninais ko po kayong makausap na muna dahil bahay niyo pa rin ito. Ayoko pong magtago sa inyo." Sinabi niya rito ang tunay niyang pakay.
Lumakad ito papunta sa malaking mesa sa gilid kung saan may mga yelo at alak. Nakita niyang ngumiti ito habang nagsasalin ng yelo at alak sa dalawang baso. "Alam mo ibang klase ka talaga. After mo akong bastusin noon ay narito ka naman upang magbigay galang at respeto sa akin. Kunin mo 'to." Saka nito inabot sa kanya ang isang baso na may lamang alak, whiskey.
"Kayo pa rin po ang ama ni Andrei. Kahit na may hindi kayo pagkakaintindihan at tayo rin po may hindi magandang sitwasyon sa nakaraan ay marapat lang pong galangin ko pa rin kayo at respetuhin." Saka niya kinuha ang baso.
Ininom kaagad nito ang alak sa baso nito. "Alam mo ba napakasaya ko noong malaman kong lalaki ang magiging panganay na anak ko? Hindi ko maipaliwanag noon ang saya. Magkakaroon na ako ng junior. Kaso lang hindi punayag si Amanda na gawing junior si Andrei. Hindi raw bagay. Yung mother ko kasi hindi rin pumayag na gawin akong junior ng father ko. Kailangan daw magkaroon kami ng sarili naming pangalan. That's the exact reason of Amanda kung kaya'y hindi niya hinayaang maging Antonio Jr si Andrei." Saka ito muling nagsalin ng whiskey.
"Pumayag na rin ako. Ang mahalaga ay lalaki ang panganay ko. I want to hone him as the heir of our supermarket business. Siya na yung nasa isip kong magmamana ng negosyo ko. Kahit ilang anak na lalaki pa ang sumunod kay Andrei buo na ang loob ko na sa kanya bilang panganay at unang anak kong minahal ipapamana ang negosyo. Ganon na ang takbo ng isip ko. Pero lumaki siyang kinokontra ako. Lumaki siyang gusto niyang sundin ang puso niya, ang gusto niyang gawin at mangyari sa buhay niya." Muli itong uminom. "Alam mo ba ang nakakatawa dun?"
"Ano po 'yun?" Napainom na rin tuloy siya. Saka nito muling sinalinan ang kanyang baso.
"Ganoon din ako sa father ko." Natatawang tugon nito.
"Ano pong ibig ninyong sabihin? Hindi niyo rin po sinunuod ang ama ninyo? Sinunod niyo rin po kung ano ang gusto ninyo?" Tanong niya.
"You got it! Hindi naman di kami ganon kayaman noon. Ang gusto ng daddy ko mag- engineer ako tapos mag- abroad ako para mas mabilis daw kaming makaahon sa kahirapan. Panganay din kasi ako sa limang magkakapatid. Ako ang inaasahan ng mga magulang ko noon. Igagapang daw nila ang pag- aaral ko makatapos lang ako. Pero ayokong maging engineer. Ayokong mag- abroad. Ang gusto ko ay maging negosyante. Kaya lumayas ako. Nag- working student ako noong college. Pinag- aral ko ang sarili ko ng Business Management. Yung konting naipon ko sa kung anu- anong part- time job ko noon ang pinangtayo ko ng maliit na grocery store. Eventually lumaki ang negosyo. Naging supermarket. Ngayon ang pinakamalaking supermarket chain na sa bansa. Hindi naging madali ang lahat pero noong kumikita na ako saka ako bumalik sa pamilya ko. Sabi ko sa father ko, ako na ang magpapatapos sa mga kapatid ko. Lahat sila papatayuan ko ng bahay. Then I saw from eyes habang umiiyak siya na sobrang proud siya sa akin."
"Pero tulad po ninyo sinunod ni Andrei ang puso niya. Umalis siya sa poder ninyo para itayo ang sarili niyang bar business." Lumapit si Stefan sa mesa. Siya na mismo ang nagsalin ng whiskey sa kanyang baso. "Sinunod niya rin po ang puso niya sa taong mamahalin niya. Sa kung sino siya talaga."
Hindi ito kaagad umimik. Nabalot ng katahimikan ang lahat.
..
Take time to realize
That your warmth is
Crashing down on me
Take time to realize
That I am on your side
Didn't I, didn't I tell you?
But I can't spell it out for you
No, it's never gonna be that simple
No, I can't spell it out for you
If you just realize what I just realized
Then we'd be perfect for each other and we'd never find another
Just realize what I just realized
We'd never have to wonder if we missed out on each other, now
Take time to realize
Oh, oh, I'm on your side
Didn't I, didn't I tell you?
Take time to realize
This all could pass you by
Didn't I tell you?
But I can't spell it out for you
No, it's never gonna be that simple
No, I can't spell it out for you
If you just realize what I just realized
Then we'd be perfect for each other and we'll never find another
Just realize what I just realized
We'd never have to wonder if we missed out on each other, but
It's not the same
No, it's never the same
If you don't feel it, too
If you meet me half way
If you would meet me half way
It could be the same for you
If you just realize what I just realized
Then we'd be perfect for each other and we'll never find another
Just realize what I just realized
We'd never have to wonder
Just realize what I just realized
If you just realize what I just realized
Missed out on each other now
Missed out on each other now
..
"Nagmana lang sa akin si Andrei. Hindi ko kayang sabihin sa kanya pero I'm so proud of him. I'm so proud of my son." Then he realized na umiiyak na pala ito. "Mahal ko ang anak ko at proud ako sa kanya."
"Hindi pa po huli ang lahat sir. Pwede niyo pa pong sabihin kay Andrei na mahal niyo siya at proud kayo sa kanya. Hindi po tulad ng asawa ninyo, malakas pa po kayo. Pwede pa po kayong bumawi kay Andrei at ganoon din po siya sa inyo."
"Hindi ganoon kadali 'yun Stefan." Binanggit nito ang kanyang pangalan. "Nahirapan siya nang dahil sa akin. Hindi ba't handa kong sirain ang buhay niya para lang sundin niya ang mga kagustuhan ko? Wala akong mukhang maihaharap sa anak ko."
Tinapik niya ang balikat nito. "Hindi ko po kayo pipilitin sa ngayon. Pero sana po dumating ang araw na maging handa kayong kausapin si Andrei at sabihin ang mga 'yon sa kanya. I'm sure po sobrang nananabik siya na marinig 'yun mula sa inyo."
"Thank you Stefan." Saka ito nagpunas ng luha. "Thank you for being such a good influence to my son. Thank you for loving him. Mabuti kang tao. Alam mo hindi naman ako homophobic eh. Normal reaction lang naman siguro ng lahat ng ama na magalit kapag nalaman nilang bakla ang anak nila. Lumaki si Andrei na lalaking- lalaki kung kumilos. Nagulat lang ako nang malaman ko. But I'm not against same s*x relationship. I'm not against with your relationship with my son. Masaya akong malaman na isang katulad mo ang iniibig niya." Saka nito hinawakan ang hawak na baso saka idinantay ang mga kamay sa kanyang balikat. "Stefan..."
"Yes po sir Antonio?" Kinabahan siya. Pero mas nangibabaw ang saya sa kanyang puso sa mga narinig. Hindi nga niya namalayang pumatak na pala ang luha sa kanyang mga mata.
"Please take care of my son. Please be patient with him. Namana niya kasi sa akin ang pagiging mainitin ang ulo at pabigla- bigla ng desisyon sa buhay. Please love him for the rest of your lives. Kapag may problema kayo, pag- usapan niyo. Intindihin mo siya kapag tinotopak na siya." Pakiusap nito.
Mas lalo pa siyang naiyak. "Opo sir. Opo. Pangako po yan. Aalagaan at paka- mamahalin ko po si Andrei habang ako'y nabubuhay. Thank you po. Hindi ko in- expect na mangyayari ito."
"Actually alam kong pupunta kayo rito. Sinabihan ako ni Amanda na ipapakilala ka nga raw ni Andrei sa kanya. Wala kahit na sinong babae ang pinakilala niya noon sa mommy niya. Isa lang ang ibig sabihin nito mahal ka niya. Seryoso siya sayo. Nag- usap din kami ng asawa ko. You know what, mahal na mahal ko si Amanda. Siya lang babaeng minahal ko. Nakilala ko siya noong nagsisimula palang akong umangat sa buhay. She never gave up on me. It's her dying wish na tanggapin ang anak ko at ang mga desisyon niya sa buhay. Isa ka sa desisyon sa buhay ng anak ko kaya tatanggapin na kita Stefan. Wag mo lang sasaktan ang anak ko dahil sisiguraduhin kong gulpi ang aabutin mo sa akin. Suntukan nalang tayo."
Natapos sa isang kampay ang kanilang usapan tanda ng pag- sangayon niya sa request nito. Naalala niya rin ang kanyang ama. He realized na mapalad pa rin ang kanyang nobyo. Hindi man nito kasundo ang ama, ang mahalaga'y isang malaking tsansang magkaayos pa ang mga ito dahil nandito pa naman ito. Buhay.
...
Back when I was a child
Before life removed all the innocence
My father would lift me high
And dance with my mother and me and then
Spin me around till I fell asleep
Then up the stairs he would carry me
And I knew for sure I was loved
If I could get another chance
Another walk, another dance with him
I'd play a song that would never ever end
How I'd love, love, love to dance with my father again, ooh
When I and my mother would disagree
To get my way I would run from her to him
He'd make me laugh just to comfort me, yeah, yeah
Then finally make me do just what my momma said
Later that night when I was asleep
He left a dollar under my sheet
Never dreamed that he would be gone from me
If I could steal one final glance, one final step
One final dance with him
I'd play a song that would never ever end
'Cause I'd love, love, love to dance with my father again
Sometimes I'd listen outside her door
And I'd hear how my mother cried for him
I pray for her even more than me
I pray for her even more than me
I know I'm praying for much too much
But could you send back the only man she loved?
I know you don't do it usually
But dear Lord she's dying to dance with my father again
Every night I fall asleep and this is all I ever dream
...........
Saka niya napagtantong umiiyak na pala ang magkapatid na Andrei at Aleya sa ikinwento niya.
"Huy. Ano na? Mag- iyakan ba?"
"Hindi ako makapaniwalang okay na tayo may dad. I'm hoping na someday maging ready na siya na sabihin sa akin 'yun ng personal. For now, masaya akong malamang mahal naman pala niya ako at proud siya sa akin."
Ilang saglit pa'y bumukas ang pinto ng kwarto ng ina ni Andrei at Aleya. Humahangos na lumabas ang nurse.
"Si ma'am Amanda po!!! Kailangan natin si doc!"