TMT - 9 : Welcome To Cebu

1399 Words
MAGKAKASABAY kaming bumaba ng private plane. Ito ang private plane na pagmamay-ari ng pamilya nila Dwight, sa aming magkakaibigan si Dwight lamang ang may kakayahang magpagamit sa amin nito, dahil kung gagamitin namin ni Sere ang sarili plane ng aming pamilya, kaagad itong makararating sa mga magulang namin. Alas otso kami ng umaga nagsimulang byumahe at nasa ala una na ng hapon. Sinalubong kami nila Zeus, Dwight at Coco sa malawak na paliparan. Kasama sina Stravens, Stout, Sere at Daphnise ay bumaba kami bitbit ang mga suitcase na naglalaman ng kaniya-kaniya naming gamit. “Glad you guys here now!” masayang sambit ni Coco at isa-isang humalik sa pisngi namin. Kinuha ni Sere ang mga bagahe ni Stout, hindi naman na nakipagtalo pa si Stout dahil nasanay na siya sa ganitong pagtrato sa kaniya ng kapatid ko. Lumapit si Zeus kay Daphnise at inalok itong si Zeus na ang magdadala ng gamit nito sa hotel kung saan pansamantalang nag-i-stay sila Zeus dito sa Cebu. “Akin na ang bagahe mo,” natatawang sambit ni Dwight nang lumapit sa ‘kin. Natawa ako sa sinabi niya at masayang umakbay sa kaniyang balikat habang magkakasabay kaming naglalakad. “We need to get ready today, we only have few hours left,” he added. “Yeah, don’t worry Dwight. I got the plan. Buong gabi ko itong pinag-isipan, kasama namin si Cross dahil siya ang may dala ng mga gadgets na gagamitin natin. Pinakuha ko pa iyon sa laboratory ng Black Phoenix.” Si Cross ang nag-iisang anak ni Tita Scarlet, ang dean ng school namin, our auntie at to remind you again, Black Phoenix is the organization that leads by my dad. Ang organisasyon ito ay nakatago sa loob ng isang malaking building na tinatawag nilang ‘Seven Dwarf’, the building that produces everything of what the organization needs, including gun, bullets, experiments, gadgets and etc. Halos lahat kami ay may access sa loob ng Seven Dwarf ngunit limitado lamang ito, kung wala ang parents namin ay hindi kami papapasukin sa loob. Tuwing weekends ay dinadala kami ni Dad doon upang magsanay ng martial arts at humawak ng baril. “Cross? Nasaan?” Luminga-linga si Dwight sa kung paligid namin habang naglalakad. Paniguradong hinahanap niya si Cross, ngunit malabong makita niya ito. “Nasa loob pa rin siya ng plane, gusto mo bang balikan? May ginagawa pa siya. Susunod daw siya.” Nang tuluyang lumapag ang plane ay nagpaalam si Cross na maiwan sandali sa hindi ko malamang dahilan, I think she's avoiding to see someone. Hindi ko na rin naman itinanong pa kung bakit. “Oh, I see.” “Saan niyo nakuha ang information? Are you sure about it?” Tumango siya at ngumiti. “I used my charm? Well, labag ito sa loob ko. I'm not Claide or even Sere who love to fool woman.” Bahagya pa nitong inayos ang suot na salamin sa mata. “Loko-loko!” Noon pa man talaga itong si Dwight ay mas mahal ang libro kaysa sa anong bagay. Well, this is what makes him unique and our walking encyclopedia. “Well, I trust you. You hate false information, even Zeus.” *** NANG dumating kami sa hotel, doon namin nalaman na mayroon nang kinuhang dalawang VIP room sila Zeus para sa amin. Isang kwarto para sa mga babaeng kasama namin at ang isa naman ay sa aming mga lalaki. Nang tuluyang makarating at makapagpahinga ay nagsama-sama kaming lahat sa kwarto ng mga babae, doon ay sinimulan kong sabihin ang plano ko sa kanila. Habang patuloy na nag-uusap-usap ay tumunog ang door bell ng silid kung nasaan kami. Si Stout na ang tumayo upang pagbuksan ng pinto si Cross, ang pinsan namin. Cross Shyvanna Harisson, mas matanda ako sa kaniya ng isang taon, matalino at kakaibang babae ito. She's not the typical type of a woman who wore girly clothes, even a sexy one. Kakaiba ang fashion niya na talaga namang hinahangaan ko. Madalas ay malaking T-shirt ang suot nito, at paboritong kulay niya ang itim. “Hi Cross, it's been a years,” bati ni Daph at lumapit kay Cross upang yakapin ito. Tumayo si Sere upang kunin ang mga dalang gamit ni Cross at inaya itong maupo sa couch katabi ng mga babae naming kaibigan. Nakaupo ako sa carpet katabi si Dwight na may ginagawa sa sariling computer. “Bakit ngayon ka lang? Saan ka galing?” Tumingin ako sa kaniya na may pagtatanong sa mga mata. Kung alam ko lang na matatagalan siyang sumunod sa amin, hindi ko na sana siya pinayagang maiwan sa plane kanina. “I met a friend here in Cebu.” Kinuha niya ang suitcase at binuksan ito. Tumango na lamang ako. Nag-alala lang naman ako kung saan siya nagpunta, nakailang tawag na ako sa cellphone niya pero hindi niya sinasagot. “Are you done? I want to show you something,” wika niya matapos ilabas ang isang briefcase na nasa loob ng suitcase niyang napakalaki. Paniguradong ito na ang mga gadgets namin. “Yeah, you took so long Cross. Hayaan mo ako na lamang ang magkukwento sa‘yo.” Tumabi si Coco kay Cross at yumakap sa braso nito na parang bata. That's Coco. Mahina akong tumawa. “Alam na ni Cross ang buong plano, ang totoo pa nga ay siya ang nag-suggest sa akin ng mga gadgets na siyang magagamit natin ngayong gabi,” I said. “Ganoon.” Ngumuso si Coco at tumawa. “Ano ba ‘yang mga dala mo?” “Our gadgets for tonight. Me and Daphnise will stay inside the van later, we will be your eyes inside.” Binuksan ni Cross ang briefcase at tumambad sa aming paningin ang maliliit na gadgets na laman nito. Marahan niya itong inilapag sa center table. “Here's your things, I rented a vans anyway.” “Nice, thank you so much guys.” Malalim na bumuntong hininga si Zeus at naupo rin sa sahig katabi namin ni Dwight. “I didn't expect this big help from each of you.” “What are you doing Kent Zeus Monticillo?” tanong ni Stravens na binuo ang pangalan ni Zeus kaya naman hindi namin napigilang matawa. “It's your siblings’ responsibility, to help you and our duty to guide you.” “I might cry if you wouldn't stop Stravens Gustante,” tugon ni Zeus na gumanti kay Stravens, binaggit din nito nang buo ang pangalan ni Stravs. “Anong meron sa mga pangalan niyo? Ew!” Magkaekis ang braso ni Stout, taas pa ang kanang kilay habang nakatingin sa dalawang lalaking naglolokohan. Alingawngaw ng tawanan namin ang pumalibot sa buong silid. “Ilang oras nalang ang meron tayo, magpapahinga nalang muna ako para handa ang katawan mamaya.” Ngumiti si Daphnise at tumayo. Dumiretso siya sa isang kama at humiga. Mukhang napagod sa aming byahe. “Siguro ay babalik na kami sa kwarto namin, magpahinga kayo nang maigi and prepare your things.” Tumayo ako at kinuha ang briefcase na inilapag ni Cross kanina sa center table. Magkakasunod naman na tumayo rin sina Zeus, Dwight, Sere at Stravens. Nang tumango ang mga babae naming kasama ay nagsimula na kaming bumalik sa silid namin. “Thanks guys,” wika ni Zeus habang naglalakad kami papunta sa silid namin. Bahagya kasi itong may kalayuan sa kwarto nila Daphnise. “Wala pa kaming nasisimulan Zeus, pasalamatan mo nalang kami kapag nakuha na natin ang painting,” seryoso si Dwight nang sabihin ang mga ito. I agreed of what he said. Umakbay ako sa kanilang dalawa bitbit ang briefcase. “Well I agree, nagsisimula palang tayo Zeus.” “Fine, how do you want me to thank you guys? Let's eat on an unli chicken wings restaurant after this mission.” Umakbay rin sa akin si Zeus, habang si Sere na ang nagbukas ng pinto ang naunang pumasok sa aming silid. “That's nice, basta treat mo,” tugon ni Stravens at natatawang pumasok sa kwarto namin. Humiwalay ako kina Zeus at Dwight upang isara ang pinto ng silid namin. “Anong ginagawa niyo? Saan ako hihiga?” tanong ko nang pagdating ko sa loob ng kwarto ay nasa kaniya-kaniya na silang kama at nakahiga. Dalawang double deck na kama lamang ang nasa loob ng silid. “There.” Itinuro ni Sere ang isang sofa bed na nasa gilid. “You didn't shoulder any of the bills, so sleep on the sofa.” “Sere you're kidding—” “We are not kidding Seki, tama si Sere,” tugon ni Dwight na may seryosong mukha. Damn! VIP room ba talaga ‘to? “I'm not going to sleep there.” Lumapit ako sa kama ni Zeus at pabagsak na humiga sa tabi niya. “Dito ako.” Malakas akong tumawa na ikinatawa rin nila. “Freak!” Stravens laughed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD