Notes: Para di kayo malito, papalitan ko ng "Tala" yung name ni Seren from chapter 1 hanggang sa dulo. Since simula rito ay napunta na sa iba'ng mundo si Seren. Ayon lang, hope you like it!
// TALA'S POV //
Hawak ko ang ulo ko ng magising ako. Sobrang sakit nito na para bang binibiyak ang loob. Halos maiyak ako dahil sa sakit, ano ba'ng nangyari sa akin? Bakit sobrang sakit naman ng ulo ko ngayon? Wala naman akong migraine. Hindi naman ako nagpuyat or what. Hindi rin ako uminom. dahil pa naman ako pwedeng uminom. I'm still a minor.
Tuluyan akong umalis sa kama ko. Halos mapatili ako ng mapagtanto kong hindi ganito ang kwarto ko! May kama sa gitnang parte ng kwarto, maliit lang pero kasya sa pang-isahang tao. Minimalist ang disenyo ng kwarto which is ibang-iba sa kwarto ko! Puro pictures ng bangtan at txt yon e! Sayang mga merch ko!
Napatingin ako sa pinto ng makarinig ng pagkatok. Bumilis ang t***k ng puso ko sa kaba. Eto na ba kidnapper ko? Pero bakit ang ganda naman ng kwartong to kung kidnapper pala may-ari nito, rich kid? Muli akong bumalik sa reyalidad ng bumukas ng tuluyan ang pinto.
"Anak?" gulat ako'ng tumingin sa babaeng nasa harap ko.
Hindi siya gaanong katandaan, mukhang nasa 40's. Maganda ito, maputi at medyo maikli ang buhok. Hindi siya si mama, kaya bakit niya ako tinatawag na anak? Ano ba talagang nangyayari. Teka... yung panaginip ko. Hindi yon panaginip, nasa loob talaga ako ng libro? Impossible! Hindi naman pwedeng mangyari yon! Walang gano'n sa totoong buhay!
"Anak? Tala?" napapitlag ako ng hawakan ako sa braso ng babae. Gulat at kinakabahan akong tumingin sa kanya. "Baby, are you okay? What happened?"
"Si-sino ka? Nasaan ako? Bakit ako nandito? Hindi ko naman to kwarto!" sigaw kong tanong dito dahilan para magulat siya.
"Baby, what are you saying? Kung tungkol ito sa nangyari kagabi, I'm really sorry. Hindi namin sinasadya ng Papa mo ang nangyari," mula sa pag-aalala ay napalitan ng lungkot ang ekspresyon ng mukha nito.
"Hindi ko kayo kilala! Hindi ikaw ang nanay ko!" naiiyak kong sambit dito.
"Baby... please. Let's talk okay?" naiiyak din nitong sambit sa akin. Hindi ko alam pero bigla na lamang ako'ng nakaramdam ng lungkot. Para ba'ng nasasaktan ako nang makita ko siyang nasasaktan.
"I... leave me alone. I... I want to be alone."
"A-alright. Just talk to me if you want, okay?"
Hindi ko ito pinansin at dumeretso sa kama at muling humiga. Ano ba talagang nangyayari? Bakit iba ang magulang ko rito? Nasaan ba sila Mama? Bakit iba rin ang kwarto ko? Pati tong suot ko hindi naman akin.
"You're really rude, are you?"
Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ang pamilyar na boses. It's Celeste! Oh my god, so hindi panaginip yon? Totoong nasa libro nga ako? Pero bakit? Bakit kailangan kong mapunta rito?!
"Ano'ng ginawa mo sa akin? Bakit ako nandito? Nasaan sila Mama?" naiinis kong tanong dito.
"Hindi ka ba nakikinig sa sinabi ko kanina? I told you, you are here to help Elio," para ba'ng wala lang sa kanya ang ibinigay kong sama ng tingin. Prente pa rin itong nakaupo sa upuan na nakaharap sa kama ko.
Elio? Is that...
"Yes!" masayang sambit ni Celeste. Kulang na lamang ay pumalakpak ito.
"Pero bakit ko naman siya tutulungan, aber? Nagkatuluyan na nga sila sa story ni Mama e. Bakit kailangan pa ako rito?"
"As you can see, Zia didn't fall in love with Elio. Kailangan pa'ng gumawa ng kwento ni Elio magkatuluyan lang sila," mataray na sambit ni Celeste.
"And? Hindi ko kasalanan kung bakit di sila nagkatuluyan. At isa pa, iyon ang gusto ni Mama! Bakit ako ang kailangan nandito bakit hindi na lang si Mama?"
"That's for you to find out, sweetie," nakangiting sagot sa akin ni Celeste. Bahagya itong tumingin sa pinto na para ba'ng may nakikita. "Elio will be here any minute. I should go, ciao!"
"Teka, Celeste!" hahabulin ko pa sana siya ngunit bigla na lamang itong nawala.
Wala ako'ng nagawa kundi ang bumalik sa kama at muling humiga. What should I do now? Nasa loob ako ng libro at for sure may kailangan ako'ng gawin para makabalik sa mundo ko. Sabi ni Celeste, kailangan kong tulungan si Elio. Pero saan naman?
Ano ba'ng kailangan kong gawin para makabalik sa mundo ko. Gusto ko ng makita si Mama, gusto ko na siyang mayakap. Hindi ko manlang siya nakita sa huling pagkakataon. Hindi manlang ako nabigyan ng pagkakataon na mayakap siya. Bakit kasi biglaan? Bakit bigla na lamang ako napunta sa mundong to?
Napabalikwas ako ng bangon ng makarinig muli ng katok. Bumungad sa akin ang napakagwapong lalaki, sa tingin ko ay kaedaran ko lang siya, mas matangkad kung ikukumpara sa akin. Ang gwapo! Sino naman kaya ito?
"Hindi ka pa babangon diyan, Tala? Male-late na tayo!" sigaw nito sa akin kaya muli akong napapitlag.
Hindi ko alam bakit pero para ba'ng kusang gumalaw ang katawan ko at bumangon ng tuluyan paalis ng kama at dumeretso sa banyo. Nakakatakot naman kung sumigaw ang lalaki yon! Pwede naman niya ako'ng sabihan na kumilos, bakit kailangan pa ako'ng sigawan? 'Tsaka sino ba siya para sigawan ako? Ni-hindi ko nga siya kilala e.
Napahinto ako ng marealize kung sino siya. Is he Elio?! Napatingin ako sa pinto ng banyo na akala mo nando'n siya. Bakit hindi naman ako in-aware ni Celeste na gano'n kagwapo si Elio? Baka mahirapan ako'ng tulungan siya kung gano'n siya kagwapo!
'Gaga, Seren, huwag kang maharot. Hindi ka pwedeng magkagusto kay Elio. Baka di ka na makabalik!'
Pinagpatuloy ko na lamang ang paliligo. Pagkatapos no'n ay lumabas na ako ng banyo. Good thing wala na si Elio sa kwarto. Hindi ko naman akalaing gano'n ka-close si Elio at Tala para bigla na lang pumasok sa kwarto! Nagmadali ako'ng magbihis dahil baka bigla na naman ako'ng sigawan ni Elio.
Nang makababa unang bumungad sa akin ang nanay ko sa mundong ito. Bakas pa rin ang lungkot sa mukha niya ng makita ako dahil siguro sa nasabi ko kanina. Naguguilty tuloy ako ngayon. Katabi nito ang tatay ko sa mundong ito, katulad niya bakas din ang lungkot dito. Ano ba'ng nangyari kagabi at bakit ang lungkot ng mga to?
Nalipat ang tingin ko sa gwapong best friend ni Tala. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Hindi ko tuloy alam kung galit ba siya o gano'n lang talaga siya kung tumingin. Hindi ko rin alam paano magrereact, ano ba'ng dapat kong sabihin? Ang awkward kasi e. Para ba'ng may pinag-usapan sila, about kaya to sa nangyari kanina?
"Let's go?" napatingin ako kay Elio ng basagin niya ang katahimikan sa paligid namin.
Tumango na lang ako bilang sagot dahil hindi ko talaga alam kung ano'ng sasabihin ko. Nahihiya ako ng ewan. Hindi ko alam kung dapat ba ako'ng magsalita o hindi. Natatakot ako'ng baka malaman nilang hindi ako ang anak nila at kaibigan ni Elio. Natatakot ako'ng baka masira ang misyon ko at hindi makabalik sa amin. At ayokong mangyari yon.
"Teka," napatingin ako kay Mama ng hawakan niya ang braso ko. "You haven't eaten yet, anak. Kumain ka muna kahit sandali lang, please?"
"Sa school na lang po ako kakain," naiilang akong ngumiti sa kanya. Bahagya kong tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa akin at inaya si Elio.
Sabay kaming lumabas ng bahay. Parang doon pa lang ako nakahinga ng maluwag. Napalinga ako sa paligid, maraming dumadaang estudyante. Pare-parehas kami ng uniform, yung iba nakatingin sa direksyon namin pero syempre si Elio ang tinitingnan nila. Gwapo naman kasi talaga, sobra!
"I know you're not okay," sambit ni Elio. Nakatingin siya sa akin ng may pag-aalala.
"W-what do you mean?" kabadong tanong ko rito.
"Tita and tito told me what happened last night," pag-uumpisa nito.
Hindi ko alam kung ano'ng sinasabi nito. Kanina lang ako napunta rito! Ano ba'ng napag-usapan nila? Gustong-gusto kong malaman, masyado ako'ng nacu-curious. Ang hirap naman ng sitwasyon ko! Ni-hindi ko kilala si Elio, wala ako'ng ideya kung sino siya. Kung ilang taon na siya, kung ano'ng apelyido niya, kung paano sila naging magkaibigan ni Tala. All I know is that, Elio is Tala's best friend. Nothing more, nothing less. And that's the hardest part here.
"They told me that you are..." hindi ko alam pero hindi niya matuloy ang sinasabi niya. Ano'ng ako? Ano'ng meron kay Tala?
"Ano'ng meron sa akin?" nagtataka kong tanong.
"You're not the legitimate daughter, Tala," mahinang sambit nito.
I don't why pero para akong nalungkot. Dahil ba sa istoryang to ako si Tala? O sadyang masakit lang talaga? Hindi ko na alam. Umiwas na lamang ako ng tingin sa kanya. Nakakairita ang tingin nito. Para ba'ng awang-awa siya sa akin. Nagsimula na lamang ako'ng maglakad at hindi na siya pinansin. Ayokong pag-usapan yon, hindi naman dapat. I am not Tala after all. Wala dapat ako'ng say do'n.
"Hey," napahinto ako ng hawakan niya ang braso ko. "It's fine. You know I am always here for you, right? You can talk to me."
"Wala ako'ng sasabihin, Elio," seryoso kong sambit.
"Hindi ka nga maayos," nalulungkot na sambit nito sa akin.
"I'm fine, let's go. Ayokong malate," muli akong tumalikod at naglakad.
"You're not fine," panggigiit nito. Tiningnan ko siya ng nagtataka. Paano niya naman nasabing hindi ako ayos? Huwag niyang sabihin na katulad ni Celeste alam niya kung ano'ng tumatakbo sa isip ko? "You just called me Elio!"
"What the...?" mas lalo ako'ng naguluhan sa kanya. Ano'ng connect naman no'n?! "Ano namang connect ng tinawag ko sa'yo sa nararamdaman ko?"
"You never called me by my name unless you're not feeling well or sad or whatever," malungkot nitong sambit.
Ano ba naman to, kung makareact akala mo ang laki ng kasalanan ko. Tsaka bakit ba siya ganito? Best friend lang diba? Best friend lang? Kung maka-react akala mo naman.
Iniwas ko na lamang ang tingin ko kay Elio. "Huwag ka ng umarte diyan, bilisan mo na lang. Baka ma-late pa tayo."
"Fine! Let's go, Ali," nakangiting sambit nito na siyang kinagulat ko.
Wow. Best friend lang pero may call sign? Ano'ng klaseng best friend to. E kami nga ni Charmaine walang tawagan e. Speaking of Charmaine, I miss her already. Hindi ko rin siya nakita before ako napunta rito. Baka namimiss na rin ako no'n. Hindi pa naman ako sanay na magkahiwalay kami.
Sabay kaming dumeretso sa classroom namin. Pareho kaming STEM student, magkaklase rin kaming dalawa. Napahinto ako ng mapansin ang magandang babae na nakaupo sa unahan. Kitang-kita ang ganda nito dahil sa nakapusod nitong buhok, idagdag pang sa harapan siya umupo. Napatingin ito sa direksyon namin at biglang ngumiti, mukhang kilala ako nito.
"Ang ganda ng crush ko no," bulong sa akin ni Elio dahilan para mapatingin ako sa kanya.
Bumalik ang tingin ko sa magandang babae na nakaupo sa harap, do'n din kasi nakatingin si Luan. Ibig sabihin ba nito siya si Zia? Grabe ha, ganda pumili nito ni Luan. Mukhang mabait pa ito dahil maraming kaibigan, idagdag pang ngumingiti ito sa akin. Gandang couple naman nito pag naging sila.
Agad kaming dumeretso ni Elio sa pwesto namin. Nasa bandang gitna kami nakaupo, kahilera namin ang pwesto ni Zia at mula rito kitang-kita ang babae. Muli ako'ng napatingin kay Elio, mukhang patay na patay ito kay Zia dahil mukha siyang tanga'ng nakangiti habang nakatingin dito. Tinamaan si Tanga.
Hindi ko na lamang pinansin ito at tumingin sa harapan dahil dumating na ang lecturer namin. Lutang na lutang ako habang nakikinig sa klase namin. Napag-aralan ko na rin ito noon kaya okay lang kahit hindi makinig. Madali na lang ito para sa akin, hindi man halata pero honor student ako noon ano. Dito kaya, honor student din kaya si Tala?
Hindi ko na alam kung ano'ng tinuturo nito sa harap pero ayos lang. Pwede ko namang basahin na lang ito sa bahay. Napatingin ako'ng muli kay Elio. Doon ko lang napansin na matangos pala ang ilong nito. Maganda at mahahaba ang pilik-mata nito. Maganda rin ang side profile nito, kitang-kita ang panga. Ang sarap ipinta.
"Baka mahulog ka sa akin," napapitlag ako ng magsalit si Elio. Nakangiti ito sa akin, teka bakit mas gwapo siya pag nakangiti?
"Ang kapal ng mukha mo! May dumi kasi sa mukha mo kaya ako nakatingin," umirap ako sa kanya ng tumawa siya. Ibinalik ko ang tingin sa harap at matamang nakinig na lamang.
Ilang oras bago matapos ang klase namin. Agad na nagsilabasan ang mga kaklase namin ng matapos ang klase. Dalawang subject bago ang break time. Sabay kaming dumeretso ni Luan sa canteen ng school. Masyadong crowded sa canteen kaya si Elio na lang ang pinabili ko.
Dumeretso ako sa bleachers sa labas ng canteen. Doon lang kasi ang kaunti ang tao. Inilibot ko ang paningin sa paligid, huminto ang paningin ko kay Zia. Nakikipagtawanan siya sa mga kaibigan niya. Ang ganda niya sobra. Tama nga ang description ni Mama sa kanya.
Umiwas ako ng ting dahil baka mapansin niyang tinititigan ko siya. Sakto namang dumating si Elio. Iniabot niya sa akin ang pinabili kong pagkain at naupo sa tabi ko. Mula rito ay natatanaw namin si Zia kaya naman naalala ko ang itatanong ko dapat.
"You told me you like her," nakangiti kong tanong sa kanya. Mas lalo pa akong natawa ng makitang pamulahan siya ng pisngi. Mukhang kinikilig ang loko.
"Yes. I like her, you don't have to ask me that. Alam mo naman kung ano'ng nararamdaman ko sa kanya, hindi ba?" namumulang sambit nito.
"Why don't you court her?" tanong ko bago kumagat sa burger na hawak ko.
"You know, I can't. Gustuhin ko man wala naman ako'ng pag-asa," umiwas siya ng tingin at muling kumain.
"Sa gwapo mo'ng yan wala ka pa'ng pag-asa?" gulat kong tanong dito.
"Sabi na crush mo ko e!" nang-aasar nitong sambit.
"Neknek mo. Hindi kita crush ano," natatawa kong sagot dito. "But seriously, you should court her. I think she likes you rin naman. Don't be so torpe, Elio. Hindi bagay sa'yo."
"And you should stop being conyo, Tala. Hindi rin bagay sa'yo," inirapan pa ako nito kaya pareho kaming natawa.
"Court her! I'll help you, I promise. I'll make sure she'll fall in love with you," nakangiti kong sambit dito at kinindatan pa ito.
Hindi na kami nag-imikan pa. Nakatingin lang ako sa harap habang kumakain. Ito siguro yung sinasabi ni Celeste, maybe I should help Elio with Zia. I should help him to make Zia fall for him. Napangiti ako ng marealize ko, napakadali naman nito.
I'll make sure Zia will fall in love with him.