Hindi na ako nagsalita pa. Hinintay ko na lang na ipagpatuloy niya ang kung anuman ang sasabihin niya. "Buweno, pinatawag lang naman kita dahil gusto kong ipaalam sa iyo na pababayaran ko sa iyo ang mga nabasag mo kanina." Tumango lamang ako bilang sagot. Ayoko nang makipagtalo pa sa kanya. "Ang halaga ng alak ay five thousand five hundred pesos. Ang mga wine glass naman ay two thousand. A total of seven thousand five hundred pesos." "seven thousand five hundred!" nanlaki ang mga mata kong sambit. "Yes Ms. De Llama. Alam mo naman siguro na ang mga bisita sa pagtitipon na iyon ay mga kilalang tao sa lipunan. Hindi basta basta. Alangan namang paiinumin mo sila ng pipitsuging wine or Tanduay na nabibili sa tindahan." "Eh kalahating bote lang naman lahat ang laman nong limang baso. Bak

