CADDY'S POV Nagtatampo ako sa asawa ko dahil ilang araw ng iba ang pakikitungo niya sa akin. Wala naman akong naalala na ginawa ko na ikakagalit niya. Bigla na lang siyang naging malamig sa akin. "Hon... puwede ba tayong mag usap?" sabi ko sa kanya ng minsang matiyempuhan ko siya sa kwarto namin na walang ginagawa. Lagi kasi siyang busy nitong nakaraang araw kaya ang hirap niyang kausapin. Nahihiya akong mag open up. Ngayon lang kasi nangyari ito kaya hindi ako sanay na binabalewala niya ako. Mas sanay akong naglalambing siya kaya malaki ang epekto sa akin kapag hindi niya ako pinapansin. Pakiramdam ko ay may nagawa akong hindi niya nagustuhan. "Why?" casual niyang tanong sa akin. "Ahhh.. galit ka ba sa akin?" nahihiya kong tanong. "No. May dapat ba akong ikagalit?" "Eh kasi.. Hi

