"Hoy Caddy kanina ka pa tulala dyan. Ano bang iniisip mo?" untag sa akin ni Rica. Katatapos lang ng meeting at nandito na kami sa loob ng opisina. Habang ang iba kong kasama ay nag uusap tungkol sa pinag usapan sa meeting ako naman ay abala ang isip sa kung anong gagawin ko. "Magreresign na lang siguro ako." "What!!?? isang buwan ka pa nga lang magreresign ka na agad. Ang ganda ganda dito. Tataasan pa ang mga sweldo natin at may mga incentives pa. Narinig mo ba ang sinabi ni sir Lander kanina. Lahat ng sinabi niya ay hindi lang siya ang makikinabang kundi tayong lahat pati mga empleyado niya." Hindi ako umimik. Nagtatalo ang isip ko sa gagawin ko. Sa nakikita ko kanina ay mukhang okay naman si Lander na wala ako. Mukhang naka move on na sa pag alis ko. Pero gusto ko pa ring umalis par

