Nakatayo sila sa labas ng pinto at mukhang may pinag uusapan. Hindi nila ako puwedeng makita. Anong gagawin ko? Kailangan kong magtago pero saan? Hindi na ako puwedeng lumabas dahil tiyak na makikita nila ako. Dito kaya sa ilalaim ng mesa? Hindi rin puwede dahil makikita nila ako kapag lumapit sila sa table ko. Bakit ba hindi ko naisipang magtago kanina noong wala pa sila. Dapat ay nag isip na ako ng paraan kanina noong sinabi palang ng secretary na papunta na sila. Hindi ko naman kasi akalain na iisa isahin nila ang office at bawat sulok nitong hotel. Nakita kong itinuro ng manager ang opisina namin tsaka naunang humakbang papunta dito sa loob ng opisina. Sa taranta ko ay bigla akong tumayo. Bahala na. "Saan ka pupunta?" tanong ni Rica "Magbabanyo lang. Biglang sumakit ang tiyan

