CADDY'S POV Biglang nagising ang diwa ko dahil sa malakas na sigaw na narinig ko. Ngunit nanatili lang akong nakapikit dahil medyo inaantok pa ako. Naramdaman kong gumagalaw ang kama ko. "Bro andito ka na pala sorry nakatulog ako." "F*ck you Rico. Anong ibig sabihin nito." Bigla kong naidilat ang mga mata ko ng marinig muli ang malakas na boses na iyon. At sa pagdilat ko ay nabungaran ko si Lander. Nakatayo at nanlilisik ang mga mata sa galit habang nakatingin sa katabi ko. Binaling ko ang tingin sa tabi ko at laking gulat ko ng makita ko si Rico na nakahiga rin. Mukhang bagong gising rin dahil nagkukusot pa ito ng mga mata. Napabalikwas ako ng bangon sa gulat. At lalong lumuwa ang mga mata ko ng mapagtantong wala akong suot na saplot. Bigla kong hinila ang kumot para takpan ang

