Chapter 2

1994 Words
ALYSSA "Uh-oh trouble." Bulong sakin ni Ella habang nakatingin lang din sa papalapit na si Dennise samin. Takang tumingin naman ako sa kanya. Bakit? Anong nangyari? Bakit biglang nagbago yung aura ni Den pagpasok nya dito sa coffee shop? Pero bago pa sya makapagsalita ulit, nasa harapan na namin sila Den at LA. Ngiting-ngiti naman sakin yung loko. Halatang masaya sya na kasama nya yung bestfriend ko ngayon. Uh, ayoko sanang ishift yung paningin ko dun sa isa pero alam kong nakatingin sya sakin. Oh God, ano na naman ba kasing kasalanan ko sa kanya at ganyan syang makatingin. "Hi Besh, Hi LA." Nakangiting bati sa mga ito ni Ellapots. "Upo na kayo." Yaya pa nya. Umupo naman agad si LA dun sa tapat namin. Magkakatabi kasi kami nitong si Ella at Kiefer ngayon so wala talaga silang choice ni Dennise kundi dun sa tapat namin umupo. Or so I thought. Nagulat kaming lahat nang biglang magsalita si Den. "Kief, okay lang ba dito ka sa tabi ni LA? Dyan na lang ako sa tabi nila Besh kase miss ko na sila eh. If okay lang naman sa'yo?" narinig naming sabi nya. Whut? Miss? Eh magkakasama lang kami kanina sa dorm at sa training diba? Pinagsasabi naman nitong si Denden? Ugh! And syempre, dahil mabait naman si Kiefer, lumipat sya sa tabi ni LA, dun mismo sa tapat ko, habang yung isa, umupo sa left side ko. Ang weird talaga ng babaeng 'to. Date nila ni LA pero nandito sya sa tabi namin ni Pots. "So Besh, akala ko ba kayong DALAWA lang ni Ly yung nandito?" sabi pa nya na hindi naman halatang diniinan yung word na DALAWA. Dennise please. Wag kang magmaldita dito. Wag sa harap nila Kiefer and LA. "Kanina Besh kami lang pero nakita kasi kami ni Kief dito so---" "Nakita? So coincidence?" tanong pa ni Den. "Nope. Destiny." Nakangiting sagot ni Kiefer. "Para kasing itinuro ng puso ko na nandito si Queen Phenom ko kaya ako pumunta dito." Sabi pa nito habang nakahawak sa mga kamay ko na nasa ibabaw ng table. Hindi naman namin napigilan nila Ella and LA na matawa sa sinabi ng damuho. Ang corny nya ha. Habang yung isa, nakapokerface lang. "Cute. Sweet." Nakangiting sabi ko. Nakita naman namin na namula yung tenga ni Kiefer matapos kong sabihin yon. "Wow Kief. Ang gay. Nagblush ka talaga." Natatawang sabi ni Ella. "Me? Blushing? Nah." "Bro, namumula pa rin yung tenga mo hanggang ngayon." Sabi naman ni LA. "Mainit lang." "Sus. It's okay bro. Halata naman kasing malakas yung tama mo kay Queen Phenom eh." Tukso pa rin ni LA. Bigla namang sumimangot si Kiefer. Siguro dahil napansin nya na pinagkakaisahan namin sya. In fairness sa kanya, ang cute nya naman talaga sa itsura nya ngayon. Pipisilin ko na sana yung pisngi nya nang biglang may nagsalita sa tabi ko. "Stop!" narinig naming sabi nya kaya napatingin kaming lahat sa kanya. "Kakain ba tayo o maglalandian na lang kayo dyan?" may halong inis na sabi nito. Nagkibit-balikat na lang kaming apat. Sanay na rin naman kami sa pagmamaldita ni Dennise eh. Ganyan lang talaga sya pero may pagkamabait naman yan promise. Umorder na lang kami ng food dahil baka magpakabeastmode na naman yung katabi ko dito. Ang weird lang talaga nya. Hindi naman sya ganyan kanina. Baka meron? Nah, sabay-sabay kami nila Pots na nagkakaroon. Sabi nga nila, kung sino yung lagi mong kasama, yun yung nakakasabay mong magkaron, haha! "So Kief, are you and Alyssa together?" narinig naming tanong ni LA kay Kiefer habang kumakain kami. Ang tahimik naman kasi. Lahat ata kami pinapakiramdaman si Denden. Bigla namang napatigil sa pagkain si Dennise at seryosong tumingin kay Kiefer. Halatang naghihintay din ng sagot. "Yes." Nakangiting sagot ni Kiefer. "This is going to be a fun night, Ly." Bulong sakin ni Ella habang nginunguso si Den. Hindi ko alam kung kami lang yung nakapansin pero parang humigpit yung hawak ni Den yun sa kutsara and tinidor nya dahil sa sagot nung isa. At bago magtransform yung isa dito, agad kong binatukan si Kiefer. "Ulul mo! Yes ka dyan. Di ah! Friends lang kami nyan!" natatawang sabi ko. Bigla namang nagbago ulit yung expression ni Den. Parang nakita ko syang nagsmile pero binalik nya agad sa pagpokerface. Hindi na din ganon kadiin yung hawak nya sa kubyertos. "Pero nililigawan ko sya." Bigla namang sumeryoso si Kief habang sinasabi yon. "Agad?" tanong ni Den. "Hindi ba pwede?" "Hindi mo alam yung 3-month rule? Kakabreak nyo lang ni Mika and now, you're courting Ly? Insensitive ka ba talaga? Hindi mo man lang naiisip yung pwedeng maramdaman ni Mika dahil sa ginagawa mo? Baka naman rebound mo lang yung bestfriend ko?" sunud-sunod na tanong pa ni Dennise. "I know na hindi ka pa maniniwala Den kapag sinabi kong mahal ko talaga si Ly pero papatunayan ko yan sa inyo. Gagawin ko ang lahat para lang pumayag ka na ligawan ko yung bestfriend mo. I'll gain your trust Den." Nakangiting sagot naman dito ni Kief. "Nev---" hindi na natapos ni Den yung sasabihin nya dahil hinawakan ko yung kamay nya. Tumingin naman sya sakin at tumango lang ako sa kanya. Alam ko kasing babarahin na naman nya si Kiefer and ayoko namang mangyari yon. Well, okay naman na mambara sya pero wag dito sa public place diba? Papa'no kung may makarinig samin? Magiging kontrabida pa sya diba? Ayoko namang may mabasang hindi maganda tungkol kay Den. "Fine. Pero malaman-laman ko lang na sinaktan mo yung bestfriend ko, wag na wag ka ng magpapakita sakin dahil baka kung ano pa yung magawa ko sa'yo." Mahinang sabi pa nya. "Hinding-hindi ko gagawin yon Dennise. Promise." Sabay taas pa ng kanang kamay ni Kiefer. Nginitian ko naman si Den dahil nagpapigil sya sakin, malungkot na tumango lang sya. Tatanggalin ko na sana yung pagkakahawak ng kamay ko sa kanya pero nagulat ako nang humigpit yung pagkakahawak nya. Napangiti naman ako. Ayan, okay na sya, same old clingy Denden. At least hindi na sya magttransform mamaya. Kaya hinayaan ko na lang na magkahawak kami ng kamay, wala din namang malisya yon eh. ( sa part nya). So yon, buong gabi, nakahawak lang sya sa kamay ko. At ang adik lang nya dahil imbes na si LA yung ientertain dahil first date nila 'to, ako yung mas iniintindi. At si Ella, imbes na tulungan ako, tatawa-tawa lang sa tabi ko. Parang ang saya-saya pa nya habang ang awkward awkward na ng pakiramdam ko dito. Kamusta naman kasi na kahit habang papalabas na kami ng shop, nakahawak pa rin si Den sa kamay ko. Not that I don't like na hawak nya yung kamay ko ha, don't get me wrong ha. Gusto ko naman na nakahawak lang ako sa kamay nya kaso lang, nakakahiya naman sa ka-date nya diba? And imbes na kay LA sya sumabay pauwi, sinabi na lang na samin na lang ni Pots para daw sabay-sabay na kami. "Sa uulitin Den ha." Narinig ko pang sabi ni LA. Wow at gusto pa nya talagang umilit kahit hindi naman sya masyadong pinansin ng bruha kong bestfriend. Pero at least, imbes na barahin sya, nagsmile lang sa kanya si Den. Nagpaalam na rin samin si Kief after umalis ni LA. At etong katabi ko, ang higpit ng hawak habang nagpapaalam sakin yung isa, nakakaloka. Ang over protective na bestfriend. Kaya love na love ko 'to eh. "Ly, pwede bang maging honest ka sakin?" napalingon naman ako sa kanya nang magsalita sya. Pauwi na kami nito, ako yung nagddrive tapos sya yung nasa passenger seat. Parang ang sarap ngang kumanta eh, joke! Si Ella naman kase, dun talaga sa likod umupo. At nagtulug-tulugan pa ha. Yeah, alam kong gising sya dahil nakikita kong nagmumulat-mulat sya ng mata at alam kong nakikinig sya sa usapan namin ni Dennise. "Honest about what?" "Do you like Kiefer?" mahinang tanong nya. "Ha?" narinig ko naman pero gusto ko lang na ulitin nya kase ang cute ng way nya ng pagtatanong. Tapos hindi pa sya makatingin sakin ng derecho. Nilalaro-laro nya yung mga kamay nya habang nakatingin sa labas. "Eh Ly naman eh. Narinig mo naman kase." Sabi nya na halatang hiyang-hiya pa rin. "Hindi talaga. Ano nga ulit?" nakangiting tanong ko. "G-gusto mo ba si Kiefer?" Uy, tinagalog. Hahaha! Cute. Paglingon ko kay Pots, nakangiti sya sakin and kumindat. Haist, tinanong na nya 'to kanina eh. Ibang tao nga lang involved. "Hindi ko naman sya magiging kaibigan kung hindi ko sya gusto eh." Sagot ko naman. "Ly, hindi yon. As in, gusto mo ba syang sagutin?" "May tanong ba sya?" Bigla naman syang sumimangot dahil sa sagot ko. Kung cute yung itsura ni Kiefer kanina, mas cute ngayon si Denden. Ewan ko ba, kahit naman anong itsura nya, ang cute-cute nya pa ring tingnan. Kahit nga nagmamaldita na sya eh. "You're cute." Sabi ko pero inirapan nya lang ako. "Sinabi mo na yan sa kanya. May sweet pa nga!" parang nagtatampo pa nyang sabi. "Pero mas cute ka Besh. Sobrang lamang ka." Ngumiti naman sya. "And mas sweet?" Umiling naman ako. "Sa cuteness lang." "Fine. Eh di dun ka sa Kiefer mo!" sabay irap pa nya sakin. "Asus, nagseselos ang bestfriend ko. Yieee" tukso ko sa kanya. "Di ah!" tanggi naman nya. "Besh, okay lang umamin. Wag kang denial Queen dyan." "Ewan ko sa'yo Alyssa! Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko." "Ano nga ulit yon?" "Ly naman kase!" "Gusto mo ba na sagutin ko sya?" tanong ko sa kanya. Nagkibit-balikat naman sya. "Ikaw lang naman makakapagdecide dyan eh. Kung gusto mo sya, eh di go. Basta siguraduhin nya lang talaga na hindi ka nya sasaktan ha." Seryosong sabi nya. "So, pinapamigay mo ako?" "Of course not! Ikaw yung gumagawa non no!" "Ako?" "Yeah. LA, duh!" ayun, bumalik na naman kamalditahan nya. "Gusto lang naman nyang maging friends kayo. Pinagbigyan ko lang yung tao. Pero hindi ibig sabihin non, na ipinamimigay kita. Sakin ka lang no! Sakin lang yung bestfriend ko." Nakangiting sabi ko. Nakita kong pinipilit nyang pigilin yung smile nya. "Hindi masamang magsmile Besh." Sabay kindat ko sa kanya. "Wag mo nga akong kindatan! Tusukin ko yang mata mo. Dun ka sa Kiefer mo kumindat!" pagtataray pa nya. "Sige wait---" "So gusto mo nga syang kindatan? May plano ka ngang sagutin sya?" "Eto naman hindi na mabiro. Yung tungkol dun sa unang tanong mo, wala pa sa plano ko ngayon na magkaboyfriend, andami ko pang kailangang gawin. Kailangan pa nating magchampion ulit, kailangan ko pang tapusin yung thesis ko, kailangan ko pang makagraduate no! Saka wala akong time sa mga love-love na yan muna. Hindi ko pa kailangan yon. At isa pa, nandyan naman si Pots, at syempre, nandyan ka para sakin. Eh mas malala ka pa nga sa boyfriend kung magpakasweet sakin no? So, bakit pa ako maghahanap ng iba?" nakangiti pa ring sagot ko sa kanya. "Promise Ly?" "Promise po. And kung may plano man akong magkaboyfriend, ikaw yung unang-unang makakaalam." "Siguraduhin mo lang yan ha!" "Opo boss. O sya, baba na at nandito na tayo. Malamang hinihintay na tayo nila Amy dyan sa loob. Go na, susunod na kami. Gisingin ko lang 'tong si Pots." Bigla naman akong nanigas sa sumunod na ginawa nya. Bigla nya akong hinalikan sa pisngi. "Goodnight Ly, I love you." Yun lang at bumaba na sya ng sasakyan at dere-derechong pumasok sa loob ng dorm. Naiwan naman akong nakatulala pa rin dito. Oh Gods! Hindi ko po alam kung anong magandang ginawa ko ngayong araw para makatanggap ng napakagandang regalo ngayong gabi. Bigla naman akong napahawak sa pisngi na hinalikan nya. "Masarap?" Paglingon ko, si Ella, nakangiti ng nakakaloko sakin. "Shut up Pots! Labas na!" sabi ko sabay tulak ko sa kanya palabas ng sasakyan. "Sus, kamatis ka Besh! Umamin ka na kase!" sabi pa nito. "Ewan ko sa'yo Ella!" pagkatapos ay ako naman yung dere-derechong pumasok sa dorm. Bahala sya dyan maiwan sa labas. Ugh Dennise! Ano bang gagawin ko sa'yo?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD