TIR 7

918 Words
(Margaux) Halos buong gabi akong umiiyak dahil sa ginawa ni Andrei sa akin. Ang pinakaiingatan kong bagay na ipinangako ko kay Jasper sa tamang panahon ay walang kahirap- hirap na nakuha ni Andrei. Walang kahirap- hirap dahil alam kong tuluyan akong nagpaubaya sa kanya. Suklam na suklam ako kay Andrei. Pero, mas lalo akong nasusuklam sa aking sarili. Dahil, kahit itanggi ko man, nasarapan at nagustuhan ko rin kalaunan ang ginagawa naming dalawa. At hindi ko matanggap ang nangyari sa akin. Parang isang puta ang tingin ko sa aking sarili. Pagod at walang gana akong gumising kinaumagahan. Nanatili akong nakahilata sa kama habang tulalang nakatingin sa kisame. Hindi ko na naman napigilan ang panggigilid ng luha sa aking mga mata. Hanggang kailan ba ang pasakit na tinatamasa ko ngayon? Agad ko naman pinunasan ang aking luha. Hindi ako lumabas mula sa aking kwarto. Ayaw ko munang makita kahit sinuman nina Lolo, Lola at Andrei. Mas lalo ko lang maramdaman ang pagiging sampid ko. Wala din naman nakaalala sa akin. Ni isang beses, wala man lamang kumatok sa kwarto ko para itanong kung kumakain na ba ako. Hindi naman ako papansin at ayaw kong makaabala ng tao, pero umaasa parin ako na may makaalala sa akin. Siguro, busy lahat ng tao sa mansyon. Ngayon araw kasing ito ang alis ni Andrei patungo sa New York. Mananatili sya doon sa loob ng limang taon para mag- aral. Ihahanda sya doon para maging karapat- dapat na CEO ng Bridgestone, kapalit ni Lolo. Dapat maging masaya ako dahil limang taon na hindi ko makakasalamuha si Andrei. Pero, dapat ko pa bang ipagbunyi yon? Kung alam kong impyerno ang naghihintay sa akin sa pagbabalik ni Andrei. Ginambala ako ng tunog na mula sa aking cellphone. Kinuha ko ito. Magkahalong sakit at saya ang nadarama ko nang si Jasper ang nakita kong caller ko. "Jasper!" sagot ko. Mahina lang ang boses ko. "Margaux--" I heard him sighing. "T--Tumawag lang ako para m- magpaalaam." ramdam ko ang lungkot sa kanyang boses. Agad kong naramdaman ang pamamasa ng aking mga mata sa kanyang sinabi. Hindi ako nagsasalita. "M-Mahal na mahal kita Margaux. At hindi ko kaya na makita ka na may kasamang iba. G- Gustuhin ko man ipaglaban ka, p- pero hindi p-pwede. Binantaan ng Lolo mo si daddy, Margaux. Pag makipagkita pa ako sayo, maghihirap kami. K-Kaya aalis nalang ako. L-Lalayo na ako dahil hindi ko kaya. Mahal na mahal kita. Lagi mo 'yang tandaan." Alam kong umiiyak si Jasper habang sinasabi ito. Umiiyak na din ako. Sunod- sunod ang pagsinghot ko. Gusto kong magsalita pero walang lumalabas na kahit anong salita sa labi ko. Sobrang sikip ng dibdib ko. Halos hindi ako makahinga. Wala na kami ni Jasper. Nakapagpaalam na kami sa isa't- isa kahapon, pero masakit parin isipin na tuluyan na kaming magkalayo. Ang pag- ibig namin sa isa't- isa, ang mga pangako at pangarap namin, tuluyan nang inilipad ng hangin. "Paalam, Margaux!" Huling katagan na narinig ko mula sa kanya. Hindi na nya hinintay na magsalita ako, agad nyang tinapos ang tawag. Wala sa sarili na nakatitig parin ako sa screen ng cellphone ko. Hinayaan ko ang sunod- sunod na pagtulo ng luha ko. Kung panaginip lang lahat ng nangyari sa akin ngayon, sana magising na ako. Bago pa tuluyang maging bangungot ito. Inilagay ko ang aking cellphone sa gilid ko. Padapa akong nahiga sa aking kama, sinubsob ko ang aking mukha sa malambot na unan, at doon tahimik akong umiiyak. Hanggang sa hindi ko namalayan at nakatulugan ko na ang pag- iiyak ko. Isang malakas na katok sa pinto ang nagpagising sa akin. Napabalikwas ako ng bangon at napatingin ako sa wall clock. It's already 01: 34 pm, at wala parin akong kain mula kaninang umaga. Hindi man lamang ako nakaramdam ng gutom. Inaasahan ko na isa sa mga katulong ang kumatok ngayon sa akin na inutusan nina Lolo at lola para dalhan ako ng pagkain. Agad akong humakbang palapit sa pinto at binuksan ko ito. Ngunit iba ang sumalubong sa paningin ko. Akmang isasara ko ang pinto, pero napigilan nya ako. Nanginig ako sa takot na nakatingin kay Andrei. Natatakot ako na baka may gagawin na naman sya sa akin. "A- Anong kailangan mo sa akin?" lakas loob kong tanong sa kanya. Hindi sya sumagot. Pinasadahan nya ako ng tingin. Saka sya ngumisi. "B- Binabalaan kita Andrei, pag gagawin mo uli sa akin ang ginawa mo kagabi. H- Hindi ako magdadalawang isip na tuluyang kang isumbong." Nilabanan ko ang takot ko. Itinago ko ang kalahati ng katawan ko sa pinto. Napatawa sya sa sinabi ko. "At kanino ka magsusumbong Margaux? Hindi ko lang pagmamay- ari na ngayon ang buong mansyon, kundi boses ko na rin ang pinakinggan ng lahat ng tao dito. Kaya, sino ang tinatakot mo? Ako?" Halos mabingi ako sa sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Nerbiyos at takot ang nadarama ko ngayon. "U- Umalis kana, Andrei." tuluyan napatulo ang luha ko. Ayaw kong magpakita ng kahinaan pero hindi ko na napigilan ang aking nadarama. Ang lapad ng ngiti nya na nakatingin sa luha ko. Para bang kasiyahan nya na makita akong umiiyak. "Save your tears sa pagbabalik ko Margaux, dahil baka mauubusan ka." nakangisi nyang sabi. "Anyway, I'm just here to say goodbye for a while. I will be leaving for now. Wag mong kalimutan na babalik din ako. At sa pagbabalik ko, maglalaro tayong dalawa sa impyerno." Nanlilisik ang kanyang mga mata na nakatingin sa akin. Puno iyon ng pagkasuklam. (Please read the author's note)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD