TIR 10

1763 Words
(Third Person POV) "Good day Mr. Salvador.” Nakangiting bati sa kanya ng isang nakaputing kasuutan na babae. “Bumalik ka na pala galing sa New York.” “Kahapon lang.” matipid na sagot nya. “How is she?” “She’s fine, although, wala parin development.” Ani nito. Saka binuksan nito ang isang kwarto. At sumalubong sa paningin nya ang isang babae na nakaupo sa gilid ng kama. “Baby, tumahan kana. Nandito na si mommy! Tahan na!” parang isinasayaw- sayaw ng braso nito ang isang manika. Malungkot lang syang nakatingin sa hindi pa gaanong katandaan na babae. Ipaghihiganti kita, pangako! At malapit na malapit akong makaganti sa dahilan kung bakit ka nagkaganyan. Kukunin ko ang lahat at wala akong ititira. Wala din akong pakialam kahit sino pa ang masaktan ko. Sa isip nya. Sandaling napatingin sa kanya ang babae. Pero, binawi din nito ang paningin. Hindi kasi sya kilala nito. **** Ibinaba ni Andrei ang halik nya sa leeg ni Elsa. Ito ang doctor na kasama nya kanina. “Andrei stop!” pigil nito sa kanya. Tumigil naman sya. “Bakit? Hindi mo ba ako namimiss?” may pagtatampo ang boses nya. “We have to stop this, may asawa na ako at isang anak.” Itinulak sya ng babae. At kumawala ito mula sa kanya. “Nagpakasal kana? Bakit hindi mo sinabi sa akin?” kunot- noo na tanong nya dito. She's not his girlfriend but they always had s*x before for pleasure. Labing dalawang taon ang tanda nito sa kanya. Malaki ang utang na loob nya dito. Kaya tinugunan nya ang s****l desire nito. Medyo mahilig kasi ito sa s*x. At isa yon sa mga sakit nito, kaya madalas itong may iniinom na gamot. Isa kasi itong nymphomaniac, dahil sa nangyari dito noon. Ginahasa kasi ito. “Nagbago na ako Andrei. Gusto ko ng isang magandang buhay.” Mahinahon na pagkakasabi nito. Saka ito umupo sa swivel chair nito. “Hindi mo na ako kailangan bayaran gamit ang katawan mo, dahil binayaran mo na ako ngayon ng pera mo.” Napatitig sya dito. Mukhang nagbago na nga ito. “Ok. I’m sorry!” mahinahong din ang boses. “Akala ko kasi—“ “Nakilala ko si Rico, tinanggap nya ako ng buong puso pati na ang sakit ko, at alam nya kung paano ko ito nakuha. Binago ko ang sarili ko para sa kanya.” “Masaya ako para sayo, Elsa.” Totoong sabi nya dito. “So, ilang taon na ang anak mo?” pagpapalit nya sa topic. “2 years old.” Nakangiting sagot nito. “Ikaw, ano ang plano mo ngayon? Sana, nagbago na ang isip mo Andrei. Kung may pinaplano kang hindi maganda, sana walang inosente ang madamay pa.” “Pati pala ang gusto mo ay nagbago narin. Akala ko ba, gusto mo rin gumanti.” May isang tao din na may malaking kasalanan dito. Isang tao lang ang dahilan kung bakit sila maghirap na dalawa. Bumugtong- hininga ito. “Gusto kong gumanti pero ayaw kong may madamay sa paghihiganti ko. Pero, hindi ko na pagtuunan ng pokus ngayon ang paghihiganti ko. Gusto ko ng kalimutan ang lahat.” Sandaling napaawang ang labi nya sa sinabi nito. Kung ito, meron pang chance na mapatawad ang mga tao na may nagawang malaking kasalanan dito, ibahin sya. Gaganti sya at wala syang pakialam kahit sino pa ang maging casualty. Gaganti sya sa taong naging dahilan kung bakit nabaliw ang nanay nya, kung bakit nasira ang buhay nya. At gagamitin nya ang anak nito sa paghihiganti nya. “So, hindi mo na hahanapin ang anak mo?” hindi nya napigilan tanong. Ito naman ang napaawang sa labi. “Hindi ko din naman alam kung buhay pa sya.” Mahina lang ang boses nito. “Kung buhay man sya, ipinagdarasal ko nalang na sana makikita ko parin sya balang araw. Siguro, magka- edad lang sila ngayon ni Margaux." Magkahalong paghanga at pagkamuhi ang nadarama nya nang narinig ang pangalan ng babae. Wala naman itong kasalanan personal sa kanya, ang kasalanan lang nito ay isang makasalanan nilalang ang ina nito. At tulad ng napagplanuhan nila ni Elsa noon, gagamitin nila si Margaux para makaganti kay Helen. Sinong inang hindi masasaktan kung nasasaktan ang kanyang anak? Pero, mukha ngang sobra na ang pagbabago ni Elsa. Pati paniwala nito ay binago na. Napabugtong- hininga sya habang nakatingin dito. Kung nagbago na ang gusto nito, then wala syang magagawa kundi ang mag- isang ipagpatuloy ang mga plano nilang dalawa. Masaya naman sya para kay Elsa. Masaya sya dahil may lalaki nang tunay na nagmamahal dito. "Ipinapangako ko Elsa, hahanapin ko ang anak mo. Hahanapin ko ang kapatid ko." **** **** "Andrei apo, hindi naman sa nagmamadali ako pero papunta din naman tayo doon. Kailan mo ba planong pakasalan si Margaux?” Napatigil si Margaux sa pagsubo sa tanong na yon ng lolo nya. “Oo nga’t, para maging legal na Salvador na itong si Margaux.” Ani naman ng lola nya. Gusto nyang magprotesta sa gustong topic ng mga ito. Tumigil din sa pagsubo ang binata. Sa mga grandparents nila ito nakatingin. Hindi man lamang ito sumulyap sa kanya. “Anytime you want, grandpa.” Nakangiting sabi ni Andrei. “Handa naman ako kahit kailan.” “That’s good!” ani ng lola nila. “How about you, Margaux?” puna nito sa kanya. “H-Ha!” walang ibang salita ang lumalabas mula sa kanyang labi. “Hindi mo naman siguro nakalimutan na hinihingi na ni Andrei ang kamay mo bago paman sya pumunta sa New York.” Pagpapaalala ng lolo nya. “Ipagpasalamat mo 'yon sa kanya. Kapakanan mo lang ang iniisip nya.” Napatitig sya sa lolo nya. Really lolo? Bakit may palagay ako na may masamang plano sa akin si Andrei? Pero, wala na akong magagawa eh! Malaki ang utang na loob ko sa inyo. Kaya idepende ko nalang sa tulad ni Andrei ang maging kapalaran ko. Lihim syang napasulyap kay Andrei. At hindi nakatakas sa paningin nya ang nakakalukong ngiti nito sa labi. “H-Handa ako kahit kailan.” Mas pinili nyang sambitin. “That’s good.” Ani ng abuela nila. “Kailangan nang itakda sa madaling panahon ang engagement party nyong dalawa.” Pareho lang silang hindi sumagot ni Andrei. Wala naman din sa plano nya ang magsalita pa sa plano ng abuelo at abuela nila. **** **** "Ladies and gentlemen, the soon Mr. and Mrs. Andrei Salvador. “ani ng host ng engagement party nila ni Andrei. Sabay silang umakyat sa stage. Hindi man lamang hinawakan nito ang kamay nya. “Good evening everyone! Si Andrei. “All of you here knew that Margaux is just an adopted child of my father.” Nanlaki ang mga mata nya sa panimula nito sa speech. Kailangan ba talagang ulit- ulitin nito ang nasabi na ng grandparents nya sa lahat, 5 years ago. Yes, para nga naman syang adopted child, adopted grandchildren sa sitwasyon nya ngayon, at nasaktan naman sya sa isipin yon. “To make her a legal Salvador, I decided to marry her. Don’t judge the decision I made, marriage for convenience is a fun act of marriage. Kung sino pa 'yon ikinasal without the presence of love, sila pa 'yong tumatagal. Well, hindi ko naman sinabi na habang buhay ko ngang maging asawa si Margaux, baka naman kasi maghanap din sya ng iba.” Sa totoo lang, napahiya sya sa speech nito. Kailangan ba talagang ipaalam nito sa lahat na hindi sya mahal nito? Na hindi pag-ibig ang dahilan kaya pakakasalan sya nito. Pangiti- ngiti sya sa mga bisita para hindi mahalata na naiinsulto sya sa sinabi ni Andrei. Hindi pa nga nagsisimula ang buhay asawa nila ni Andrei pero nagsimula na itong gawing impyerno ang buhay nya. **** **** “Wow, talaga bang magpapakasal kana Bro?” tanong ni Sean sa kanya. “Oo nga! Kauuwi mo lang.” ani naman ni Drake. “Hindi ko naman lubos akalain na ikaw ang unang ikakasal sa ating lima.” Ani naman ni Gregory. Tumunga sya ng alak, saka sya napatawa. “Greg, nakalimutan mo na ba? Ikaw ang unang ikinasal sa atin. Annul na nga lang ang kasal mo.” Ikinasal na nga ang kaibigan, 3 years ago at kababalik lang ng ex- wife nito sa lamay mismo ng lolo nito. Tumunga din ng alak si Greg, saka pinilit din nitong ngumiti. May problema kasi itong dinadala ngayon. “Mukhang susunod ako sayo Drei, plano ko parin pakasalan si Maxine pag uuwi na sya dito.” Ani ni Travis. “Speaking of Maxine, nagkita kami doon sa New York. And she’s prettier than before. Parang nagningning ang mga mata ni Travis sa narinig. “Really?” tanong ni Travis. “Yes Bro.” ngumiti sya. “And do you want to know what he said to me? Between us 5, ako daw ang pinakaguapo.” Napasimangot ang mukha ni Travis. Napatawa naman ang iba nyang kaibigan. “Balik sayo—“ ani ni Sean. “ Talaga bang pakasalan mo si Margaux kahit hindi mo ito mahal?” May kuryusidad ang boses nito. “May nabitawan na akong salita noon, at ayaw kong pag-isipan pa ng marami na wala akong isang salita.”tumunga sya ng alak, saka lihim syang napasulyap kay Margaux. And she's my ticket to have my revenge. Gaganti ako, at walang makapagpigil sa akin. **** **** Nakaupo lang si Margaux sa isang gilid. Ayaw nyang makipag- usap sa kahit sinong mga bisita. Alam naman nya kasi na lihim syang pinagtatawanan ng mga ito. Kanina pa kasi pabalik- balik sa pagsasayaw si Andrei, at sa kung sino- sinong mga babae ito nakipagsayaw. Hindi man lamang sya niyaya nito o nilapitan man lamang. Napahiya sya sa ginawa nito. This is their engagement party. Dapat inggit na inggit na nakatingin sa kanila ang nakakarami ngayon pero binabaliwala sya ng mapapangasawa nya. Kahit ang sumulyap sa kanya ay hindi man lamang naisipan gawin nito. Gusto na yata nyang maglaho na parang bula nang may nilapitan na naman ito na isang babae, at hawak kamay ang mga ito na pumagitna sa dance floor. At kilala nya ang babaeng ito. 5 years ago, nakita din nya ito na kasama ni Andrei, habang papasok ang mga ito sa kwarto ng binata. Sweet na sweet ang mga ito na nagsasayaw. Tila ang isa’t- isa lang ang nakikita ng mga ito at ang mga ito ang ikakasal. Hindi naman nya masisisi kung maraming babae ang gustong kumapit kay Andrei. Sa taglay na karisma nito. Talagang mahirap itong tanggihan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD