TIR 26

1590 Words
(What happened in the yacth will be reveal in Book 2.) (Margaux) Namulatan ko na puting dingding ang nakapaligid sa akin. Naka- dextrose din ang kaliwa kong kamay. Kunot- noo ako. Pilit kong inalala ang mga nangyari pero blurred ang mga ito sa aking gunita. Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito at mula doon, iniluwa ang isang guapo at makising na lalaki. "Thanks God, you already awake. Halos tatlong araw kang tulog." Ani ni Jasper, sa pagkaalala na tinig. "A-Anong nangyari?" kunot- noo ako. "Mabuti nalang at sinundan ko kayong dalawa ng asawa mo Margaux. Naghihinala ako Margaux, nakita ko kasi ang asawa mo na may kausap na apat na kahina- hinalang lalaki bago pa lumayag ang yateng sinasakyan nyo. Together with my army friend, sinusundan namin kayo Margaux. And----" tila nahihirapan syang sambitin ang nais nyang sabihin. "Thanks God at nailigtas kita Margaux. Hindi ko alam kung ano ang magagawa ko pag nahuli ako." Sa sinabi ni Jasper, agad na luminaw sa aking isip ang mga nangyari. Dinala ako ni Andrei sa yate na yon, naalala ko, ang pagsasayaw naming dalawa na parang magkayakap na, ang paghingi nya ng tawad at isa pang pagkakataon, hanggang nauwi sa isang mainit na pagtatalik pero ang lahat ay bahagi lang pala sa isang pagkukunwari. Andrei betrayed me. Yes, he always betrayed me. Pero, hindi ko lubos akalain na magagawa nya sa akin ang ginawa nya ngayon. I was betrayed by my husband in the most demonic painful way. Agad na nangilid ang aking mga luha. Napakasakit isipin na magawa akong patayin ng lalaking pinag- alayan ko ng lahat sa akin. Umupo si Jasper sa upuan na nasa gilid. Hinawakan nya ang aking kamay. Hindi sya nagsasalita pero puno ng simpatiya ang kanyang titig sa akin. Hinayaan ko ang tuluyan pagragasa ng aking luha sa aking mukha. Para akong tinu- torture sa sakit na aking nadarama ngayon. Sobrang paninikip ng aking dibdib. Bakit ba nagawa ni Andrei ang lahat ng bagay na to sa akin? Hanggang sukdulan ba talaga ang galit nya kay mommy Helen na nagawa nyang akong ipapatay? "I'm sorry Margaux, hindi ako dapat nagpadalos- dalos at ikinukwento sayo ang nangyari. Nadala lang ako sa aking emosyon. Nakalimutan ko na kagigising mo lang pala at kailangan mo pa pala ang pahinga." pinunasan nya ang aking luha gamit ang kanyang hintuturo. "Magpahinga ka muna Margaux, wag mo munang isipin ang mga nangyari sayo." Hindi ako nagsasalita. Nanatili lang nakatulo ang aking luha habang nakatingin ako sa kawalan. Bakit ba humantong sa ganito ang aking buhay? Simple lang naman ang pangarap ko noon, pero mula nang nakilala ko si Andrei, hindi na naging normal ang takbo ng aking buhay. Halos dalawang linggo na ang nakakalipas mula nang nagising ako. Unting- unti narin bumalik aking lakas. Nasa pangangalaga parin ako ni Jasper. Kasalukuyan kong hinahanap si Jasper, pero kahit saan sulok ng bahay ay hindi ko sya makita. Sa totoo lang, medyo nababagot na ako sa loob ng bahay na pinagdalhan ni Jasper sa akin. Medyo malayo kasi ito sa kabihasnan, at wala din TV o wifi man lamang. Sa mga nakakalipas na araw, pinagbawalan narin ako ni Jasper na nagbasa ng newspaper na syang sinadya pang ihatid dito ng isang binata. Hindi ko alam ang dahilan nya, sa tingin ko may itinatago sa akin si Jasper na ayaw nyang mabasa ko. Naabutan ko ang pinag- inuman ni Jasper ng kape sa garden set na nandito sa patio, may nakita akong nakatupi na newspaper. Dala ng kuryusidad ko kung may tinatago ba sa akin si Jasper ay agad kong kinuha ang newspaper at binubuklat- buklat ko ito. Hanggang sa----- nanginig ako sa aking nabasa ngayon. Para akong tinatakasan ng aking kaluluwa. Nanghina ako at parang tuluyan na akong matumba. "M- Margaux---" narinig kong sambit ni Jasper. Puno ng luha ang aking mga mata habang nakatingin ako ngayon sa kanya. Paano? Paano nila nagawa sa akin 'to? Sa isipin ito, mas lalong tumindi ang panghihina na aking nadarama. Mabilis ang hakbang ni Jasper habang palapit sya sa akin, kaya nang tuluyan na akong bumigay, naalala ko pa ang pagsalo nya sa aking katawan, bago ako tuluyan nawalan ng malay. Iyak na iyak na naman ako. Walang katapusan luha. Isang linggo na yata akong ganito. Masakit ang pagtaksilan at linglangin ng aking asawa pero mas masakit pala na malaman ko na pati ang mga taong kinalakihan ko ay nilinglang din ako, na pinagtaksilan din ako. Ano nga ba ang nabasa ko sa newspaper na nakita ko. Pinaratangan akong nabaliw. Pinaratangan akong pinatay ko ang aking ipinagbubuntis dahil nabaliw ako. Pinaratangan ako na kusang nagpakamatay, hindi na raw ako napigilan ng asawa kong si Andrei sa pagtalon ko sa dagat. Sa katunayan, nasa hospital pa ngayon si Andrei dahil sa mga sugat na tinamo daw mula sa akin nang sinubukan nya akong pigilan. Masakit isipin na ang lahat ng iyon ay galing kina Lolo at Lola. Na habang ini- interview sila, yon ang mga pinagsasabi nila. Silang lahat ay magkasabwat. Silang lahat ay pinagtutulungan ako. Pinaplano nilang lahat ang pagkawala ko. Pero, bakit? Bakit kailangan nilang gawin sa akin to? Hindi naman ako maghahabol sa kayamanan nila? Aalis naman ako ng matiwasay at hindi na magpapakita sa kanila. Pero, bakit kailangan nila akong siraan at patayin? "I'm sorry Margaux." Ani ni Jasper sa akin. "This is the reason why I brought you here. Kasalukuyan ka kasi nilang hinahanap. Ayaw kong may mangyaring masama sayo Margaux. Ito din ang dahilan kung bakit ayaw kong magbasa ka ng newspaper, ayaw kong masaktan ka sa malaman mo. Hindi pa ngayon ang tamang panahon Margaux dahil mahina kapa. Hindi mo pa tuluyan nabawi ang lakas mo." ani ni Jasper. "Please Margaux, magpakatatag ka." Hindi ko na napigilan ang aking sarili, napayakap ako kay Jasper habang walang parin akong tigil sa kaiiyak. Napakasakit! Ang sakit dito sa puso ko. Para akong sinasaksak ng paulit- ulit. Hindi man ako tuluyan namatay pero parang pinatay narin nila ako. "Jasper, tulungan mo ako. Tulungan mo akong makausap ang ninong Froid ko. Baka may alam sya kung bakit nila ginawa 'to sa akin. Bakit kailangan nila akong patayin?" maluha- luha kong sambit. Nagsusumamo ang mga titig ko sa kanya. "Sinong ninong Froid? Mapagkakatiwalaan ba natin ang sinasabi mong ninong Froid, Margaux? Baka kasabwat din sya." "Please Jasper, tulungan mo akong makausap ang Tito Froid ko." Tumitig sya sa akin, pati ang aking mga mata ay nakikiusap sa kanya. Narinig ko ang kanyang pagbugtong- hininga, walang salita na nanulas sa kanyang labi kundi napatango lamang sya. ----- Kaharap ko na ngayon si Ninong Froid. Nagkausap na kami at nasabi ko narin sa kanya ang tunay na nangyari. Basang- basa ko ang simpatiya sa kanyang mukha. May ibinigay sya na isang envelop sa akin. "Ano to?" kunot- noo kong tanong. "Open it Margaux." aniya sa akin. Ginawa ko ang sinabi nya. At nanlaki ang aking mga mata sa aking nakita. "Ano ito Ninong Froid?" "Lumayo ako Margaux dahil nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawan ng daddy mo. Hindi na ako nakipag- ugnayan sa kanya. Pero, mula nang nagkita tayong dalawa, para narin akong lumabas sa aking lungga, dito na ako natunton muli ni Atty. Dickson." si Atty. Dickson ay ang abogado ni daddy Lemuel. "May iniwan si Lemuel sa akin at isang sulat." Iniabot nya sa akin ang isang papel. Sulat kamay nga ito ni daddy Lemuel at may perma din ni daddy Lemuel. Binasa ko ang nakasulat at napatulo ang luha ko sa nabasa. Inihabilin ako ng daddy Lemuel ko kay Ninong Froid, at--- tunay nya akong anak dahil sa isang sekretong DNA testing sa aming dalawa na ginawa nya. "Yan papeles na hawak mo Margaux ay ang kopya bilang patunay na lahat ng ari- arian ng mga Salvador ay nasa pangalan mo lahat bilang nag- iisang tagapagmana ni Lemuel Salvador." Ani nya na pilit kong ipinasok sa aking isip. "Alam ito ng grandparents mo Margaux. Kaya ka nila ipinakasal sa inakala nilang tunay nilang apo dahil sa mana mo. Walang makukuha ni isang singkong duling si Andrei mula sa kayamanan ng mga Salvador. Pero, kung asawa mo si Andrei, he has all the right of Salvador's Property." Pati yata dila ko ay nanginig sa aking narinig. "Ito ba? Ito ba ang dahilan kaya nila ako gustong patayin? Dahil sa pera? Dahil sa kayamanan? Bakit hindi nalang nila hiningi sa akin? Ibabalik ko naman sa kanila ang lahat. Wala akong kukunin ni piso." Tumitig si Ninong Froid sa akin, saka nya hinawakan ang aking kamay na nakapatung sa mesa. Nanginginig parin ito. "Huminahon ka Margaux." Ani ni ninong Froid. "Hindi ko alam Margaux. Hindi ko masabi. Hindi din natin masabi kung pakana nila ang nangyari sayo kasi yon asawa mong si Andrei nasa hospital at----" "They planned it."madiin na sambit ko. Biglang nabuhay ang isang damdamin na hindi ko alam na nasa puso ko pala. At ito ay ang matinding galit. "Kaya pala ako sinusuyo- suyo ni Andrei dahil sa kayamanan ng mga Salvador, at dahil disidido na ako na hiwalayan sya kaya nagbalak sila na patayin ako, dahil lahat ng maiiwan ko ay maiwan sa pangalan ni Andrei dahil asawa ko sya." Nanatiling nakakatitig sa akin si Ninong Froid. "Margaux, kailangan natin ng----" "Magpapakasaya sila ngayon dahil balang araw babalik ako. At babawiin ko ang lahat na akin. Pagbabayaran nila ang ginawa nilang pagpatay sa akin, dahil sa pagbabalik ko, lahat sila ay luluhod sa aking harapan. Ibabalik ko lahat ng sakit na nilikha nila sa aking puso. Humanda sila sa aking pagbabalik." - Epilogue next.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD