TIR 19 ANDREI's Painful Past

1280 Words
“Hoy bata, anong ginagawa mo dyan?”tanong ng isang magandang at sopistikadang babae sa limang na taon gulang na si Andrei. Kababa lang nito mula sa kotse. Nasa labas sya ng gate ng mga Salvador. “Kailangan ko lang makausap ang daddy ko. Kailangan ko lang humingi ng tulong sa kanya.” Tulong luha na sabi nya dito. “Daddy? At sino ang daddy mo dito?” galit na tanong nito. “Si Lemuel Salvador po.” Napatawa ito sa sinabi nya. Saka galit na galit itong tumingin sa kanya. “Paano mo naman nasabi na daddy mo ang asawa ko?” “Yan po ang sabi ng nanay ko. Si Ursula Sylvia Montemayor po ang nanay ko.” Puno parin ng luha ang kanyang mga mata. Buntis ang nanay nya at may sakit ito. Ginahasa ang nanay nya sa isang hindi kilalang lalaki, kaya ito nabuntis. Kailangan nyang humingi ng tulong sa mayaman nyang daddy. “Walang hiya na Ursula na yon! Talagang hindi sya titigil hangga’t hindi kami nagkasiraan ni Lemuel. “ Sobrang galit ang nababasa nya sa mga mata ng babae. Maya’t- maya lang, may palapit na isang kotse sa gate, mukhang papalabas ito. “Halika!” hinila sya ng babae, at pinilit sya na ipasok sa loob ng kotse. “Wag kang magpakita na bata ka, kung hindi, papatayin ko ang nanay mo.” Pananakot nito na ikinatakot naman nya. “Wag po! Wag po!” pagmamakaawa nya dito. Padabog na isinara nito ang pinto ng kotse. Lumapit ito sa kotse na kalalabas lang ng malaking gate. Ibinaba ng nagmamaneho ng kotse ang binatana sa bungad nito, at mula doon, nakita nya ang isang lalaki. Hindi nya ito kilala, pero hawig ito sa larawan ng daddy nya. Lalabas sana sya mula sa kotse, pero pinangunahan sya ng takot. Baka tutuhanin ng babae ang sinabi nito. ------------ “Wag ka nang pumunta sa mansion, ako na ang tutulong sa inyo ng nanay mo.” Ani ng babae na sumita sa kanya kanina. “Nagsisinunggaling ang nanay mo, hindi ka anak ni Lemuel Salvador, isa lang ang anak ng asawa ko. At wala pang isang taon ang anak naming dalawa na babae." Napatingin lang sya dito. Hindi nya alam kung kailangan ba syang maniwala dito. “Heto, ang kunting pera, ito din ang gamot ng nanay mo. Kung may kailangan ka, sabihin mo lang sa akin.” Sabay abot nito sa kanya ng ilang pera na nakapaloob sa isang sobre, at supot ng gamot na binili nito para sa nanay nya. “Salamat po!” mangiyak- ngiyak na sabi nya dito. “Basta, sumunod ka sa akin at walang problema.” Ani nito. “Shoo! Shoo!” pagtataboy nito sa kanya mula sa kotse nito. Agad naman syang lumabas mula sa kotse nito. -------- “Nay, ano pong nangyari sayo? Bakit po kayo nagdudugo?” maluhang- luhang tanong nya sa ina. Hindi ito sumagot, patuloy lang sa pag-agos ang dugo nito. “Nay, sumagot kayo!” Nakita nya na napapikit ito, saka ito bumagsak sa sahig. “Nay! Nay!” mangiyak- ngiyak sya. “Tulong! Tulungan nyo kami! Ang nanay ko po!” -------- “Pasensya kana! Hindi ka pwedeng pumasok sa loob. Bawal ang bata sa loob.” Ani ng babaeng nakasuot ng puti sa kanya. Inihatid sila ng isang tricycle driver na si Mang Renee sa hospital. Ito at ang pamilya nito ang madalas nilang mahingan ng tulong ng ina. “Pero, ang nanay ko po!” mangiyak- ngiyak sya. “Ang nanay ko po!” “Kami na ang bahala sa kanya. Bawal ka talaga dito.” Saka ipinasok na ang nanay nya sa loob. Hindi nya alam kung ano ang pinasukan ng nanay nya, pero narinig nya na doon ang pasukan basta emergency. Hilang- hila ang hinigaan ng nanay nya ng isang nakablue na mga lalaki. Nasundan nya ng tingin ang mga ito. “Wag kang mag-alala Drei, papupuntahin ko dito si Martha para may titingin sa nanay mo sa loob.” Mahinahon pagkakasabi ni Mang Renee sa kanya. “Gusto mo bang sumama sa akin pauwi?” tanong nito. “Dito lang po ako Mang Renee, babantayin ko po si nanay.” Napaupo sya isang gilid. Tumango lang ang matandang lalaki. Gabing- gabi na kaya nakaramdam na sya ng antok. Nakaupo lang sya sa gilid, itinago nya ang mukha sa tuhuran nya, hindi nya mapigilan ang sarili at naipikit nya ang mga mata. “Sino kayo?” tanong nya sa dalawang malaking tao na namulatan nya. Natakot sya sa mukha ng mga ito. Mukhang masasamang tao ang mga ito. “Tama nga si Helen, may hitsura ang batang ito. Pwede natin itong ibenta sa mga maniac na mayaman babae.” Ani ng isa. Bahagya syang natakot sa sinabi ng isa. “Pero, ang bata pa nito, kailangan muna natin itong palakihin.” “Walang hiya naman ‘to, tuturuan nalang natin ito kung paano maging magnanakaw at manggaganso." “Saan ang nanay ko? Anong gagawin nyo sa akin?” tulong luha sya. Takot na takot sya sa mga ito. “Don’t worry bata, buhay na buhay ang nanay mo. Sumunod ka nalang sa amin para hindi namin papatayin ang nanay mo.” Mas tumindi ang takot na nadarama nya sa sinabi nito. “Wag nyong patayin ang nanay ko. Susunod ako sa inyo.” Mangiyak- ngiyak na sabi nya sa mga ito. - Naihinto ni Andrei ang kotse nang naalala ang ilang bahagi na yon sa kanyang nakaraan. Lumaki sya kasama ang dalawang masasamang lalaki, kasama ang ibang mga bata na kinidnap ng mga ito. Tinuruan sila nito kung paano maging magnanakaw. Sa batang edad nya, naging snatcher sya. 14 years old sya nang ebenta sya ng mga ito kay Elsa, at mula nung naging s*x partner na sya ng babae. Dahil sa magandang buhay na ibinigay ni Elsa sa kanya, kaya nasasabi din nya na minahal nya ito. Tinulungan sya ni Elsa para hanapin ang nanay nya at napag-alaman nya na isa pala sa pasyente na inaalagaan nito ang kanyang nanay. Napag-alaman nya mula kay Elsa, na gamot pala para malaglag ang bata na ipinagbubuntis ng kanyang nanay ang ibinigay ni Helen sa kanya. At ang isa ay para maging baliw ang nanay nya. Naging baliw nga ang nanay nya dahil sa dalawang kadahilanan, dahil sa gamot at dahil sa pagkawala ng ipinagbubuntis nito, at dahil narin sa pagkawala nya. Maraming beses na naririnig nya ang nanay nya na tinatawag nito ang pangalan nya, pero sa tuwing lalapitan nya ito. Magwawala lang ito, hindi na kasi sya nakilala nito. Mula nung, binuo na nila ni Elsa ang magiging plano nila. May malaking kasalanan din kasi si Helen dito. Si Helen kasi ang dahilan kaya naging nymphomaniac ito, dahil ginahasa ito ng mga taong binayaran ni Helen. Sa batang edad kasi, minahal ni Lemuel Salvador si Elsa, at nabuntis nito ang babae. Pinakidnap ni Helen si Elsa at pinagahasa, ipinanganak ni Elsa ang anak nila ni Lemuel na nasa coma sya. Nang nagising ito, wala na anak nito. At ayon sa kuya nito, may nagnakaw daw sa anak nito. Isang babae daw ang anak ni Elsa, na kaedad lang ni Margaux. Mas lalong tumindi ang plano nila na paghigantihan si Helen nang napag-alaman ni Elsa na totoong anak nga sya ni Lemuel Salvador. Swerte naman at tinulungan sila ng langit at hindi tunay na Salvador si Margaux. Si Margaux ang plano nilang saktan, para saktan din si Helen. Sinong ina ang hindi masasaktan pag nakitang nahihirapan ang kanyang anak? Hindi sya titigil hangga't hindi lumuhod si Helen sa kanyang harapan at hindi nya makita ang kapatid nya na anak ni Elsa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD