Chapter 14

1644 Words
Kinuha nilang ninang ang mga ito maging ang kapatid na si Noel. Samantala tuwang tuwa si Dimples na mag alaga ng kanyang pinsan. Masaya ang buong paligid at kahit ang mga tauhan ng Hacienda at mga kapamilya nito ay imbitado. Inabot ng gabi ang pagtitipon dahil mistulang reunion ito ng mga kapamilya ng magkabilang kampo. Oo maging mga kamag-anak nila Itay Elias ay imbitado din. Nakatulog na si baby Danielle at binabantayan na ito ng kanyang yaya. Inaya niya ang nobyang bumaba sa mga bisita sapagkat buhay na buhay pa din ang buong mansyon sa ingay ng pagtitipon. Pumailanlang ang isang tugtugin na sweet kaya inaya siya ni Leon na magsayaw kasabay ng ilang mga bisitang sumasayaw din. Nakasuot siya ng pink floral dress at nakasneaker na lang siya tutal mahaba naman ang kanyang mga biyas at ang nobyo ay nakapants at polo shirt na lamang din. May sinenyasan si Leon at tumugtog ang awiting "Everything I do I'll do it for You". Nagsiupuan ang ibang nagsasayaw pero hindi silang dalawa ni Leon, hanggang sa lumuhod ang binata( uy mukhang ito na ang totoo) at may kinuha itong ring box sa bulsa at binuksan nito ito at tumambad sa kanya ang kumikinang na singsing na diamante na tila nakita na niya. Rein Angelie Montevista, can you be mine forever? Marry me, babe? Maluha luhang alok nito sa singsing. Lumuluha din siyang sumagot ng oo at iniabot ang kamay upang maisuot nito ang singsing dito. Nagsigawan ang mga bisita ng kiss at pinatunog ng mga ito ang mga baso gamit ang mga tinidor. Lumingon siya sa mga magulang at ngingiti ngiti ang mga ito at tila may alam ang mga ito sa mangyayari kasi kahapon pa tanong ng tanong ang mga kapatid kung excited na ba siya sa binyag ng anak na akala niya binyag lang talaga ni baby Danielle ang pinaghahandaan ng mga ito yun pala ay pati ang surpresa na ito na pagpopropose ng binata. Kinantahan siya ng dalaga ng awit na and I'll Always Love You at napakaganda pala ng boses ng fiance niya. Nagtitilian ang mga bisitang kababaihan sa kilig at siya naman nakatitig lamang at iyak ng iyak sa saya. Dumating ang araw ng kasal nila Rein at Leon, katulad ng engagement nila, imbitado ang buong bayan at mga kaibigan ng pamilya at maging mga tauhan ng Hacienda. Napakakisig ni Leon sa suot nitong Barong na gawa pa ng sikat na designer sa bansa at tila Princess inspired bridal gown ang isinuot ni Rein na regalo ng mommy at daddy ni Leon. Hubog na hubog ang ganda ng kanyang katawan sa gown. Naniningkad ang kagandahan ni Rein ng araw na iyon at kitang kita din ang kaligayahan sa kanyang mga mata. Titig na titig ang binata sa kanya habang papalapit siya sa altar at ganun din siya dito. Handa na itong abutin ang kanyang mga kamay ,nang biglang hinablot siya ng isang lalaking nakaupo sa mga bisita na nakabihis din ng pormal dahilan para di nila mapansin na si Ramon Alegre pala ito at tinutukan ng baril sa ulo habang hawak siya nito sa leeg. " Akala mo ba Leon nanalo ka na at sayong sayo na ang babaeng ito. Nagkakamali ka, masyado ka atang naging busy para malamang nagawa akong palabasin sa kulungan ng tiyuhin kong congressman. Saktong sakto magandang regalo sa kasal niyo ang paglaya ko at makakasama niyo ako sa honeymoon niyo, saka ito tumawa nang mapang-asar. Walang kikilos ng masama sa inyo kundi sabay sabay tayong sasabog sa simbahang ito, hayaan niyong makalabas kami na kasama ko ang dalawang ito.May nakatutok na din palang baril kay Leon na di niya napansin. Lumakad kayong dalawa nang di lumilingon kundi may masasaktan sa inyo at dahan dahan nilang iniikot ang mata. Madaming tauhan ito sa palibot ng simbahan kaya walang nakahuma kahit isa. Kitang kita niya ang pag-aalala sa mga mukha ng magulang at ng mga magulang ni Leon. Tinanguan niya ang mga ito , na sinasabing malalagpasan din nila ni Leon ang kasamaan nito. Isinakay sila ng mga ito sa van at piniringan silang dalawa nang makasakay sa sasakyan. Ilang oras ang byinahe nila bago ibinaba ng sasakyan at tanggalan ng piring. Hinanap ng mata ni Leon si Rein na ngayon ay nakatingin lamang din sa kanya nang may pag-aalala. Pinaglayo sila nito at itinali sa magkabilang poste. Kapapasok lang din ni Ramon na sa ibang sasakyan sumakay. Bantayan niyo ng maigi ang dalawang iyan at tatawagan ko lamang ang yateng pagsasakyan natin papunta sa Isla, anito sa .ga tauhan. Palinga linga siya sa pwesto ng dalaga sapagkat pinaghiwalay sila nito at nag aalala siya sa babaeng minamahal at ayaw niya itong mapahamak. Samantala, nang makasibad ang sasakyan ng mga kidnapper agad na tumawag sa pulis at swat ang daddy ni Leon at pinahanap ang location ng mga ito. At nakita nga na tinutungo ng grupo nito ang papuntang Bicol, kaya nagpakalat na ng mga swat at checkpoint sa mga daan maging sa mga coastal area. Ngunit magaling ang grupo ng mga ito at dumaan ito sa mga shortcuts na walang nakapwestong checkpoint kaya narating ng mga ito ang isang abandonadong lighthouse sa Bicol Region. Narinig nilang pinatatalian silang muli ni Ramon at sasakay sila ng yate para pumunt ng Isla. Naging sunud sunuran lamang sila dahil nakapiring sila. Nang makasakay sa yate, muling ibinaba ng mga ito ang nasa mata nila at itinali sila nang magkatalikuran sa pagkakataong ito. Nagkatitigan sila at nagsensyasan, habang abala ang nagbabantay sa kanila, lihim na kinakaskas ni Leon ang tali sa pinagtalian sa kanila. Maya maya nakalas ang tali at dahan dahan namang tinanggal ni Leon ang tali ng mapapangasawa. Parang nagkakagulo ang mga tauhan ni Ramon dahil may humahabol sa kanilang speed boat na mga sundalo, narinig nilang sabi ng isa sa bantay. Tahimik lang silang nagkatinginan at nakikiramdam lamang sa paligid para di mahalata ng mga ito na tanggal na ang mga tali nilang pareho. May nagpaputok na saka sumigaw nang malakas si Ramon. Siguraduhin ninyong hindi makakatakas ang mga bihag at kumalat kayo sa buong barko para maabutan man nila tayo mauubos muna natin silang lahat. Binulugan siya ni Leon, " Babe kapag may nakalapit dito alam mo na gagawin natin tatakas tayo at lulundag sa dagat papunta sa sasakyan ng mga humahabol sa kanila anito. Sige babe palihim niyang sagot dito. Maya maya may nagpaputok na at nakikipagbarilan na ang mga ito. Napayuko si Rein at natakot na baka tumama sa amin ang bala. Gusto ko siyang yakapin, ngunit nagpapanggap kaming nakatali pa. Inoobserbahan ko ang galaw ng mga tauhan ni Ramon sa yate lahat sila busy sa pakikipagbarilan , maliban sa isang bantay sarado kami. Kaya nang may magpaputok sa pwesto namin, sumigaw ako kuya sa likod mo at napaharap siya dito. Sinamantala ko ang pag-alis niya ng tingin sa amin at pinaikot ko ang ulo niya mula sa likod niya at tahimik ko siyang inilapag at kinuha ang hawak niyang baril. Siyempre naman nag-aral akong gumamit ng baril for self defense. Itinayo ko si Rein, tinanggal niya ng mabilis ang sapatos para makakilos nang maayos. Tumayo siya at akmang nagdadahan dahan na kami ng may nakapansin sa aming tauhan ni Ramon. Nahawakan niya sa braso ang mahal ko, pero nagulat din ako ng hatakin ni Rein ang braso ng lalaki at ibalya ito pabaliktad. Wooh, ang galing pala talaga ng magiging Misis ko, palaban nga black belter nga ito, naniniwala na ako. Pero siyempre hindi ko i pinahalata na napabilib niya ako kasi nasa gitna kami ng life and death eh. Napansin na kami ng ilan sa mga tauhan at ito na ang simula ng maaksyon na mga oras. Leon sa likod mo sigaw ni Rein at umilag ako kaya napangudngod ang lalaki sabay tadyak ni Rein sa mukha nito at bulagta ito. May isa pa at may isa pa, nag tig isa kami ng kalaban. Magkatalikuran kami at pinagitnaan nila kami. So nang makakuha ako ng pagkakataon sinipa ko ng malakas ang katapat ko at timumba ito pero nakatayo pa din, kaya isa pang high kick ang pinakawalan ko at nahulog ito sa dagat. Samantala, ang kalaban naman ni Rein ay sinipa niya sa puwit at nauntog ito sa isang poste ng yate. Mula sa itaas may bumaril at nakita namin pareho ang galit na galit na si Ramon. Nagpaputok ito ng baril at mabuti na lamang nakailag kami ni Rein.(bigla kaming naging si Cardo Dalisay at Mara) Habulin sila anito sa mga tauhan kaya mabilis kaming tumakbo ni Rein paikot sa likod ng yateng sinasakyan. Nang maabot namin ang dulo at akmang babarilin kami sinenyasan ko na siya na lulundag kami, tutal may natanaw na akong bangka sa di kalayuan. Nasa kabilang side ata ang kasagupaan ng grupo ni Ramon na siya sana naming pupuntahan pagbagsak sa dagat. Hindi ko binitawan ang kamay ng mapapangasawa ko pagbagsak namin sa tubig kahit napalubog kami. Sumisid muna kami at di naglitaw ng ulo at baka barilin kami pag nakita pa ng mga ito. Nang marinig ko, kakainin na ng pating iyan dyan sa dagat unti unti kaming umangat ni Rein nang magkahawak kamay pa din..Naging mahirap ang pag-angat namin dahil sa bigat ng gown niyang suot. Pero nagawa din naman namin at nilangoy namin ang bangkang nakita sa di kalayuan at Thanks God sila Noel at Arthur ang nakasakay dito at ilang mga pulis. Inabot nila kami ng makitang papalapit. Medyo kinakapos na din ng hininga si Rein kaya iniangat ko muna siya habang inaabot ng dalawa. Nang maiakyat siya inabot naman ako ng mga pulis at salamat ligtas na kami.Habang dinig pa namin ang palitan ng putukan ng baril. Tiningnan ko ang mahal ko at mukhang kailangan niya ng CPR kaya binigyan ko siya ng CPR at mga ilang saglit pa at nailabas niya ang mga nainom na tubig at niyakap niya ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD