Chapter 2

2124 Words
Five years ago…  "Lapitan mo na kasi. Alam naman naming crush na crush mo si Wael eh," bulong ni Norma sa kanya habang nasa bar sila at umiinom. Nakatingin sila sa grupo nila Wael na ngayon ay walang tigil sa pag-inom dahil nag-away daw ito at ang girlfriend. "Eh kung itaboy ako?" "Hindi ka itataboy niyan. Sasabihin ko kay Roldan at Kit na iwanan siya ha tapos puntahan mo kapag wala na siyang kasama dun." Gusto niyang matawa sa mga plano ni Norma. Alam kasi ng mga ito kung gaano niya kagusto ang binata na kaibigan din ng pamilya nila. At dahil hindi gusto ng mga barkada nila ang kasalukuyang girlfriend ni Wael ngayon, pinipilit nila siyang akitin ito ngayong gabi. Dapat daw ay mabaling nang tuluyan ang atensyon ni Wael ngayon sa kanya. Kapag nagawa siya nitong halikan, puwede na siyang mag-demand na siya na amg girlfriend at hindi ang Divina na 'yun na wala namang ginawa kung hindi ang paiyakin ang binata. "Ano ang gagawin ko?" Nanginginig ang mga kamay niya sa plano nila ng mga kaibigan. Paano nga ba kasi niya mapapapayag si Wael na halikan siya? "Hoy, Ivy, don't tell me na sa dami ng lalaking nagkakagusto sa 'yo, isang Wael lang bahag na 'yang buntot mo?" "Maraming nagkakagusto sa 'kin pero hindi ako ang nag-i-initiate ng kiss noh!" katwiran naman niya. Totoo namang naka dalawang boyfriend na siya, dalawampung dates na rin yata sa mga manliligaw niya noon, pero never naman niyang nasubukan na siya mismo ang hahalik sa lalaki para magustuhan siya. Kung bakit kasi sa paglabas-labas nila ng mga barkada nila kasama si Wael, nahulog ang loob niya sa binata. Ngayon tuloy ay sila ang gustong magkatuluyan dahil naiinis ang mga barkada nila sa babaeng nagugustuhan nito. Divina was a gold-digger. Hinuhuthutan lang nito si Wael na sobrang yaman dahil nagmamay-ari ang pamilya nito ng isang leasing and finance company. "Eh gusto mo bang mapikot 'yan ng ibang babae? Sige, ikaw rin..." Sumimangot siya saka muling tumingin sa kinaroroonan nila Wael. Nakasandal na lang ito sa sofa at nakapikit. Hindi niya alam kung bakit na naman ito inaway ng girlfriend. Baka may hiningi na naman ang babaeng 'yun na hindi ibinigay ng binata kaya nakikipaghiwalay. Ganoon naman lagi ang drama ng dalawa. "Uuwi na kami, ikaw na ang bahala sa kaibigan natin," muling wika ni Norma na ang ngiti ay may halong kapilyuhan. Tinawag na nito si Roldan at Kit para iwanan doon si Wael. "He can't drive anymore," wika naman ni Kit nang lumapit. "Si Ivy na ang bahala d'yan," sagot naman ni Norma. "Uy, dalhin niyo muna sa sasakyan noh! Hindi ko kayang akayin 'yan!" Malaki naman kasi talaga ang katawan ni Wael. At twenty-five years old, babad ito sa gym kaya't ang malapad na dibdib nito'y mamasel na. And he stands five eleven. Siya ay nasa five four lang. Ang ipagmamalaki lang niya ngayon, malaki ang hinaharap niya kahit medyo patpatin ang katawan niya. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit siya ligawin ng mga lalaki. She has boobs that men would die for. Except for Wael. "Sige, dadalhin namin sa sasakyan," suhestyon naman ni Roldan na binalikan ang kaibigan. Inakay nito si Wael habang nakasunod sila palabas sa parking lot. Iniabot sa kanya ang susi ng kotse ng binata pagkatapos. "Siguraduhin mong bukas ikaw na ang girlfriend niyan ha," muling bulong sa kanya ni Norma. "Let's see..." Kumindat siya sa kaibigan kahit ang totoo'y nanlalamig yata ang buo niyang katawan. Sumakay siya sa driver's seat habang sila Norma ay nag-alisan na rin doon. Tumitig siya kay Wael na ngayon ay nakapikit pa rin. Marami itong nainom. Baka pagdating sa condo nito ay tulog na rin naman ito. "Okay ka lang ba?" tanong niya kay Wael sa pag-asang gising ito. Tumango naman ang binata. Pinaandar niya ang kotse at nilisan ang parking lot ng Zenclub. Hinayaan niyang makatulog lang si Wael sa sasakyan. Tahimik lang siyang nagmamaneho habang iniisip kung paano niya maaakit ang lalaking nagugustuhan. Hindi niya alam kung tama ang gagawin niya. Pero kailangan niya itong iligtas mula kay Divina na ayon sa mga ito ay hindi naman talaga gusto ang binata dahil may boyfriend daw itong iba. Ang kaso, itong si Wael ay patay na patay naman sa babaeng iyon dahil conservative daw na iniingatan ang puri dahil para iyon sa lalaking pakakasalan nito. Kaya kahit anong paninira ang sinasabi ng mga kaibigan tungkol sa Divina na 'yun ay hindi pinaniniwalaan ng binata. Para dito, si Divina ang pinakamalinis na babae. Alam niya kung bakit ganoon na lang ang paghanga ni Wael sa mga babaeng konserbatibo. Kaibigan ng pamilya nila ang mga Burman dahil kasosyo sila sa negosyo ng mga ito. May kaunting shares ang Papa niya sa Burman Leasing and Finance Company kung saan siya nagtatrabaho ngayon bilang isang staff sa Finance Department. Wael Burman's mother left them for another man. Noong mga high school pa sila, alam niya nang hindi maayos ang pagsasama ng mga magulang nito. Malapit siya sa ama ni Wael na si Benjamin Burman dahil wala itong anak na babae. Lagi nitong sinasabi na sana ay magkatuluyan sila ni Wael para maituring na talaga niyang pangalawang ama si Benjamin. Doon nagsimula ang pagkagusto niya sa binata dahil walang patid ang panunukso ni Benjamin sa kanilang dalawa. Namatay na si Benjamin ilang taon na ang nakalilipas. Namatay na rin ang pag-asa niyang magiging sila ni Wael dahil hindi naman ito nagpakita kahit katiting na interes sa kanya. Umalis siya sa Pilipinas pagka-graduate niya at maging isang accountant. Sa Singapore niya pilit kinalimutan si Wael. Pero bumalik din siya sa bansa nang hilingin ng Papa niya na mamalagi na lang siya sa Pilipinas dahil matanda na ito. Nang kailanganin ng BLFC ng taong papalit kay Mrs. Mones sa Finance Department, inutusan siyang doon na lang magtrabaho dahil may shares din naman sila sa kumpanya. Doon sila muling naging malapit ni Wael. Pero hanggang kaibigan pa rin ang turingan nila dahil sa ngayon ay nahuhumaling ito kay Divina na nakilala lang nito sa isang restaurant. Waitress si Divina doon at nagkataong ito ang tumulong nang matapunan ng soda si Wael ng isang bata. Mula noon ay binabalikan ni Wael ang babae sa pinapasukang restaurant hanggang sa tuluyan itong ligawan. Sa pagkakaalam niya ay on and off ang dalawa. Nang sabihin ni Norma na nakita niyang may ibang lalaking kasama si Divina na nakahawak pa sa kamay nito, doon nagsimula ang panunukso ng mga barkada nila sa kanilang dalawa para mabaling ang atensyon ni Wael sa kanya. Bumubuo na rin ng plano ang mga kaibigan nila para tuluyan niya itong maakit. Dapat daw ay sila ang magkatuluyan dahil mahal naman talaga niya si Wael. Oportunista lang naman daw ang Divina na 'yun na ginagamit ang ganda para mapaikot ang lalaking mahal niya. Huminga siya nang malalim pagkatapos niyang i-park ang kotse sa parking lot ng condo na tinutuluyan nito. Never in her wild imagination that she would flirt with a man to like her. Naniniwala siyang dapat ay lalaki ang nanunuyo sa babae. Iyon nga lang, puputi na ang uwak pero hindi pa napapansin ni Wael ang pagsinta niya. Alam naman niyang alam nito na may gusto siya sa binata dahil walang katapusan ang panunukso ng mga kaibigan sa kanilang dalawa. "W-we're here..." Nautal pa siyang magsalita dahil kinakabahan siya. Pero kailangan niyang isagawa ang plano para matapos na ang kahibangan ni Wael kay Divina. Sinuklay naman ni Wael ang buhok saka inihilamos ang kamay sa mukha bago binuksan ang sasakyan at bumaba. "I-ihahatid kita sa taas. Hindi na pantay ang lakad mo," aniya na isinara ang pinto ng kotse saka ibinalik sa kamay ni Wael ang susi. Ibinulsa naman ito ni Wael at naglakad hanggang sa elevator. "Thank you," mahinang sambit nito. Isang pilit na ngiti ang pinakawalan niya. Tahimik lang silang umakyat sa condo nito sa twentieth floor. "Marami ka yatang nainom?" tanong niya nang buksan ni Wael ang pinto ng condo. Dim light lang ang sinindihan nitong ilaw saka pumasok sa loob at tinanggal ang coat at necktie na basta na lang itinapon kung saan. Nakasunod naman siya hanggang sa kusina. "Nagkasarapan lang kami sa pag-inom. Coffee?" alok nito nang magsalang ng brewed coffee. Tumango lang siya bilang sagot. "Hindi ka ba nagsisindi ng ilaw?" Madilim din kasi sa kusina na naaabot lang ng dim light na nanggagaling sa living room. Kabisado naman ni Wael ang kusina dahil maliit lang naman ito. Pero siya ay hindi kahit pa dalawang beses na siyang nakapunta dito. Nakatayo lang siya at nakasandal sa kitchen counter habang si Wael ang naghahanda ng brewed coffee para sa kanila. "Nakikita ko naman. Why? Are you afraid of the dark?" "Hindi naman. Pero mas okay yata na may ilaw kung nasa kusina ka at nagtitimpla ng kape." "No, this is fine. Here..." Iniabot sa kanya ni Wael ang tasa na inabot din naman niya. At dahil nga madilim, ang nahawakan niya ay ang mainit na parte ng tasa. Nagawa namang sagipin ni Wael ang kamay niya para hindi mahulog ang tasa sa sahig pero tumapon ang kape sa dibdib niya. Napapikit siya sa init niyon na pumaso sa balat niya. Mabuti na lang dahil hindi niya hinubad ang coat at doon tumapon ang kape hindi sa mismong balat niya. Pero ramdam pa rin niya ang init na ikinasigaw niyang talaga. "I'm sorry, I'm sorry..." paghingi ni Wael ng paumanhin. Inabot nito ang switch ng ilaw kung saan para lumiwanag ang paligid. Tinanggal niya ang coat na nakabalot sa katawan niya at tinanggal ang ilang butones ng polo niya. "I'm sorry... Does it hurt? May ointment ako sa medicine cabinet--" "Hindi na," pinigilan niya ang kamay nito. "Hindi naman tumama sa mismong balat ko, mabuti sa coat ko lang tumapon." "Halika, magbihis ka muna. Kasya naman siguro sa 'yo ang t-shirt ko." Hinawakan nito ang kamay niya at iginiya sa silid nito. Naghanap ito ng pinakamaliit na t-shirt at iniabot sa kanya. "Sigurado ka bang hindi 'yan masakit?" Hinaplos niya ang cleavage dahil doon namumula. Ang puting polo niyang suot ay basa rin ng kape. Hinawakan na rin ni Wael ang cleavage niya na pilit niyang tinatakpan dahil sa pamumula. "Akala ko ba hindi ka nabuhusan?" tanong nito na tinanggal pa ang ibabang butones ng polo niya. Napalunok siya nang maramdaman ang init ng kamay nito sa balat niya. "H-hindi nga..." Muling dinama ni Wael ang cleavage niya na namula. Sa ilang sandali ay tumigil ang pagtibok ng puso niya. Nagtama ang kanilang paningin at pareho silang napalunok. Naramdaman na lang niya na tuktok na ng dibdib niya na ang hinahaplos ni Wael na hindi niya pinigilan. "Wael..." "Y-you have a perfect breast..." mahina nitong wika na ang mata ay puno na ng pagnanasa. Tuluyan na palang natanggal ang lahat ng butones ng polo niya na hindi niya namalayan. Nakatambad na kay Wael ang halos hubad niyang katawan. "I-I don't know..." Ngumiti ito bagama't pigil nang kaunti. It made him more attractive. Nakaramdam din siya ng pagmamalaki dahil nagustuhan nito ang dibdib niya. "You do. Men, in general, like big boobs. I do. I always fantasize licking them." Nakulong sa lalamunan niya ang kung anuman ang gusto niyang sabihin. His honesty brought butterflies in her stomach. Alam niyang maraming nagnanasa sa dibdib niya pero si Wael lang ang malakas ang loob na nagsabing gusto nitong dilaan ang dibdib niya. He wasn't even her boyfriend, for God's sake! Umikot ang dalawang kamay ni Wael para tanggalin ang hook ng bra niya. Halos matunaw siya sa kahihiyan nang tuluyan siyang mahubdan at ang mga mata nito'y nasa magkabila niyang dibdib. "Did your boyfriend lick them before?" bulong nito sa kanya na mabilis siyang umiling. Nahalikan na siya, oo, pero hindi siya pumayag na lumagpas pa iyon sa leeg niya. And she only had two short-lived relationships in the past. Hindi mahigitan ng sinumang lalaki ang damdaming mayroon siya kay Wael. Lagi siyang nabibigo na hanapin ang katangian ni Wael sa mga manliligaw niya kaya't huminto na siyang magpaligaw. "You can say no if you don't want me to..." Hindi na siya nakasagot nang bumaba ang labi ni Wael sa dibdib niya. She can't believe that Wael would rathar claim her breast instead of kissing her on her lips. Malinaw na pagnanasa lang ang nararamdaman nito at hindi pagmamahal. Pero nagpaalipin na rin siya sa sarap na dulot ng mga labi nito sa dibdib niya. He licked every inch of it. Nipped it. And claimed them as if they were his. Ang isang kamay nito'y nasa isa rin niyang dibdib. Ang kasunod na naramdaman niya'y umangat ang mga paa niya dahil buhat na siya ni Wael. Inilapag siya nito sa kama saka siya siniil nang nagbabagang halik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD