Chapter 4

1224 Words
"Ano na ba talaga kayo ni Wael?" tanong ni Norma habang nasa coffee shop sila. "Anong ano ba kami? E di magkaibigan." Idinaan niya sa paghigop ng kape ang pagtatago sa pagkadismaya. "Ano 'yan, friends with benefits?" Wala siyang itinago kay Norma mula nang may mangyari sa kanila ni Wael. Kaya nga inis na inis ang kaibigan niya ngayon dahil lumalabas na sinamantala lang ni Wael ang pagkahumaling niya sa binata. "Kumusta naman sila ng Divina na 'yun?" "E di ganun pa rin. Hinahatid sundo niya pa rin sa trabaho. Do you know that he was thinking of introducing that woman to his brothers?" "Ganun ka-seryoso si Wael sa babaeng 'yun?!" palatak ni Norma. "Ang ganda naman niy? E wala ka nga sa kalingkingan nun eh." "E pa'no kasi, na-inspire siya sa dalawa niyang kapatid na nakapag-asawa ng simpleng babae lang. Alam mo 'yun, yung galing sa mahirap na pamilya pero mapagmahal at maalaga sa pamilya." "Sobrang ganda naman ng napangasawa ng Kuya Samir niya no? Pati na 'yung Yana na 'yun. Ang layo naman niya sa mga 'yun." "Kung mang-lait ka naman sa Divina na 'yun ha? Naiintindihan ko naman sa 'kin ang loyalty mo," wika niya sa kaibigan. "E kasi manggagamit naman talaga ang babaeng 'yun. Sigurado akong siya 'yung nakita kong nakaangkas sa isang motor tapos bumaba sila sa isang grocery store. Magkahawak nga ng kamay. May hinala talaga akong boyfriend niya 'yun o asawa." "Hindi pa rin tayo nakakasiguro." "Kahit na. Sana sinabi mo kay Wael para nakagawa siya ng imbestigasyon doon sa babaeng 'yun. Tapos na bang ipakilala sa mga kapatid 'yung babaeng 'yun?" "Hindi pa..." mahina niyang sagot. "Nagmamaktol nga noong isang araw kasi ayaw sumama ng babae. Tapos nung nakaraan nakipag-break 'yung babae kasi hindi raw sila bagay, ayun nag-iiyak." "Wow ha! Ang haba ng hair ng Divina na 'yun. Aalamin ko nga kung sino 'yung lalaking kasama niya. 'Yan naman kasing prince charming mo, magtitino na lang sa pagka-playboy, hindi pa sa 'yo na artistahin. Gusto pa dun sa mukhang alalay niya kapag sinama niya sa date." "Sobra ka naman... Mai-in love ba 'yun doon kung hindi 'yun maganda?" "Oo naman! Mukha namang namatanda si Wael eh. O baka ginayuma nung babae. Aba'y sino ba namang lalaki ang ipagpapalit ang isang Ivy Argueles sa isang waiter sa restaurant?" "Ssshhh... Marinig ka ng mga tao, ano ba." Tinotoo ni Norma na aalamin niya kung ano ang totoong relasyon ni Divina sa lalaking palagi nitong kasama sa isang grocery store. Doon pala mismo nagtatrabaho ang lalaking 'yun na asawa na ni Divina. Nagulat siya at nakahinga nang maluwag. Ibig sabihin ay walang pag-asa na makakatuluyan ni Wael ang babaeng 'yun. Lalo tuloy siyang nagpursige na mahulog ang loob ni Wael sa kanya. Kinabukasan ay maaga siya sa opisina. Sa Burman Leasing and Financing Corporation siya nagtatrabaho bilang Assistant ng Finance Head na si Mrs. Mones. Pag-aari nila Wael ang kompanya, pero may shares of stocks din ang pamilya nila doon. Kapag nasa opisina sila ay propesyunal silang mag-usap. Walang nakakaalam kahit sa mga kapatid nito na may nangyayari sa kanila ni Wael. Hindi rin niya ugaling nagpupunta sa opisina nito para landiin. Pero ngayong araw ay nagdesisyon siyang puntahan ito. Umangat pa ang isa niyang kilay nang marinig na kausap nito ang Divina na 'yun sa telepono. "Hey, good morning," bati nito nang makita siya. Mainit ang ulo nito na alam niyang may kinalaman na naman sa babaeng 'yun. "Ang init ng ulo mo?" "Hindi naman." "Si Divina ba 'yun?" Marahan itong tumango. Hindi niya alam kung bakit ang lakas pa ng loob niyang isiksik ang sarili kay Wael gayung ibang babae ang gusto nitong pagtuunan ng pansin. She was just there to fill his bed. Ang alam niya'y hindi naman nagpupunta ang babaeng 'yun sa condo nito dahil hindi nga gustong magpagalaw kay Wael. That makes Wael believe that the woman was pure. Na labis nilang tinataasan ng kilay ni Norma. "Why are you here? May problema ba?" pag-iwas nitong tanong. "Alam mo bang may ibang lalaking kinakasama ang Divina na 'yun?" "What?!" "Sinundan siya ni Norma---" "Hindi ko alam na inaabala niyo ang sarili niyo para usisain ang buhay ng may buhay, Ivy. I'm sorry, but... you know I don't mix personal issues while I'm at work. May iba ka pa bang kailangan?" "Makinig ka muna kasi..." "Fine. I will ask her about it. May iba ka pa bang kailangan?" "Wala na." Kaagad siyang tumayo dahil sa inis niya. "Are you free tonight?" pahabol na tanong ni Wael. Natigil ang paglabas niya sa pinto. Would she allow herself to be used again? Pupunta sila sa bar, tapos mauuwi sila sa condo nito. Papayag siya sa isang kondisyon. Siya mismo ang kakausapp sa Divina na 'yun para layuan si Wael. Otherwise, she will expose her affair with Wael to her husband. Or in-laws. Kung alin doon ang mas gagana. "Sure." Isang matamis na ngiti ang pinakawalan niya. Sisiguraduhin niyang pagkatapos ng araw na 'to ay hindi na lalapitan pa ng Divina na 'yun ang lalaking mahal niya. Pagbalik niya sa opisina niya ay kaagad niyang tinawag si Norma. Ito ang nakakaalam kung saan matatagpuan ang lalaking kinakasama daw ni Divina. Isang regular employee lang ang lalaking iyon sa isang maliit na grocery store. May anak na daw ito at si Divina at dalawang taon nang nagsasama. "Wala ho akong magawa dahil nagbibigay ng kung ano-anong regalo 'yung Wael na 'yun sa asawa ko. Nasisilaw siya sa magandang buhay na makukuha niya kapag si Wael ang napangasawa niya," anang lalaki nang magpakilala siyang kasintahan niya si Wael. "Ibig mong sabihin hindi mo rin kayang pigilan ang asawa mo?" "Yung lalaking 'yun lang ho ang kausapin niyo. Naniniwala si Divina na nahuhumaling sa kanya ang Wael na 'yun. O kaya kayo ho mismo ang kumausap sa asawa ko. Kapag nalaman niyang may ibang babaeng kinalolokohan si Wael ay matatauhan din siya. Akala niya kasi walang ibang kasintahan ang lalaking 'yun." Wala silang nagawa ni Norma kung hindi ang umalis sa lugar na iyon. Ang susunod nilang kakausapin ay si Divina. "Hindi ba't magkasama naman kayo ni Wael mamaya?" tanong ni Norma. "Yup. Hindi ko alam kung gusto ko pang sumama sa condo niya, Norms. Hindi naman ako basta parausan niya lang." "Alam mo kung paano mo mapapasuko si Divina?" "No. Any suggestion?" "Dadalhin ko siya sa condo ni Wael mamaya," suhestyon ng kaibigan. "Ihanda mo na ang pang-malakasan mong pag-arte. Kailangang 'yung mag-aaway ang dalawang 'yun sa harap mo. Ipamukha mo sa babaeng 'yun na mas kinalolokohan ka ni Wael kaysa sa kanya." "Are you serious?!" "Dapat nang matapos ang paghihirap mong 'yan, Ivy. Ako na ang naaawa sa 'yo eh." Hindi siya sumagot sa madaming ideya na pumapasok sa isip niya. "At kailangang sa harap mismo ni Wael mo paaminin ang babaeng 'yun na may-asawa siyang tao. Matatauhan tiyak si Wael, sinisiguro ko sa 'yo." "Do you think that will work?" "Yes. Kasi kapag hindi pa, ikaw na ang tumigil d'yan sa kabaliwan mo sa Wael na 'yan." Nagkasundo sila ni Norma sa plano nila mamayang gabi. Kailangan niyang ihanda ang sarili niya dahil tiyak na sasama ang loob ni Wael kay Divina kapag harap-harapan na nitong inamin ang totoo. Wala namang problema sa kanya na damayan si Wael. Ang mahalaga ay matatapos na ang relasyon ng dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD