Nickolas "Sigurado ka ba na kaya mong pigilan ang sarili mo? Pwede naman kayo sa rooftop para kung sakali na magbugbugan kayo ay walang makikialam sa inyo," sabi ni Michael at natawa siya. Tinawagan niya kahapon si Roy at ibinigay niya ang address ng Bar ni Michael para magkita sila nito. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung ano ba ang gagawin at sasabihin niya rito. Pagkatapos ng nangyari ay hindi siya makapag-isip ng maayos dahil gusto niya gumanti sa dalawa. Okay na si Elizabeth pero siya ay hindi pa. Sa tuwing tinitignan niya si Elizabeth ay hindi niya mapigilan ang magalit dahil hindi niya makalimutan ang mga mata nito noong gabi na iyon. "Come on Nick, ano ba talaga ang plano mo? Bakit mo pa siya pinapunta rito? Makipag kwentuhan ka sa kanya? Magbonding kayo?" tanong nito at um

