Elizabeth Maaga sila na gumising ni Gem para pumunta ng palengke. Ngayon lang ulit kasi sila magkakaroon ng kasama na sasalubong sa bagong taon. Last year ay sa mga kaibigan ni Gem sila nag-celebrate sa isang party. Nasa ibang bansa ang Tita ni Nickolas kaya inimbita niya ito na sa kanila na lang para may kasama ito. May usapan naman si Gem at Michael na magkasama talaga ang dalawa sa pagsalubong. Kagabi ay nakapag-lista na sila ng mga ihahanda nila at mga bibilhin nila. "Sa sasakyan na lang tayo magkita," sabi niya rito at tumango lang ito. Pagdating sa palengke ay nagdesisyon sila na maghiwalay ng lakad para mas mabilis. Tutal naman ay mahilig ito gumawa ng dessert kaya ito na ang mamimili ng mga kailangan nito at mga prutas, siya naman ang sa iba. Kausap niya si Nickolas kahapon a

