Ericka "What was that!" galit na tanong niya pagpasok ni Roy sa sasakyan. Pagkagaling sa loob ng opisina ni Elizabeth ay dumiretso agad siya sa sasakyan. Buong akala niya ay masisira niya ang araw ni Elizabeth pero hindi niya inaasahan na mag-back fire sa kanya ang plano niya. Hindi niya na control ang sarili niya nang mapansin niya ang pagtingin ni Roy kay Elizabeth. Aaminin niya malaki ang pagbabago nito kumpara noon. Wala na ang salamin nito, may make-up na rin ito at iba na ang pananamit nito. Iyon siguro ang dahilan kung bakit nagkaganoon si Roy. Kailangan gumawa siya ng paraan para mailayo si Roy kay Elizabeth bago pa mahuli ang lahat. "Hindi ba dapat ako ang magtanong sa iyo niyan?" seryoso na tanong nito at saglit siya natigilan. Ang alam ni Roy kaya siya pupunta kay Elizabe

