Nickolas "Babe, you need something?" tanong niya kay Elizabeth habang naghihiwa ito ng carrots. "You need me to do something?" tanong pa niya rito at umiling ito. "Okay lang ako Babe, kaya ko na ito," sagot nito at nilapitan niya ito. May dinner silang mamaya kasama ang mga kaibigan ni Elizabeth sa place niya. Halos kabibili pa lang niya itong unit niya dahil uumpisahan pa lang gawin ang bahay na matagal na niyang plano. Mula nang nag-decide siya na mag-stay dito for good ay naisipan niya na magpatayo ng sarili niyang bahay. Hindi sumang-ayon si Auntie Ellena dahil gusto nito na tumira siya sa bahay ng magulang niya kung saan ito nakatira. Hindi pa niya nababanggit kay Elizabeth ang tungkol sa bahay na ipapagawa niya. Kasama niya si Elizabeth na bumili ng ilang mga gamit sa loob ng

