Chapter 5 - The preparation

2062 Words
Elizabeth "Sorry Cristy, I'm late," hingal niyang paumanhin kay Cristy saka ito hinalikan sa pisngi at umupo na sa tabi nito. "Thank you." Sabi niya pag-abot sa bottled water na binigay nito. Kausap niya ito kagabi at napagkasunduan nila na magkita ngayon para ma-discuss ang iba pang mga details ng kasal nito. Noong una ay hesitant talaga siya na tanggapin ang project na ito pero aaminin niya na kahit paano ay excited siya dahil kapatid na ang turing niya rito kaya hindi na iba ang relasyon nila sa isa't isa. Alam din naman niya na maasahan niya sina Macon, Mila at Gem para mas mapadali ang pag-aasikaso ng kasal nito. Tuwang-tuwa si Han ng ibinalita niya rito ang tungkol sa kasal ni Cristy at kahit ito ay excited. Wala man ito during the preparation pero sigurado ito na makakabalik na ang mga ito in time for the wedding. "Grabe talaga kahit saan ka ata pumunta ay sobrang traffic. Wala na atang pag-asa na maging maayos pa ang sistema sa kalsada," umiiling na sabi niya. Huminga muna siya ng malamin saka kinuha ang planner at tablet sa bag niya saka ito hinarap. Nagtaka siya nang mapansin niya na nakasimangot ito na parang batang pinagdamutan ng candy. "May problema ba, Cristy? May nangyari ba? Masama ba ang pakiramdam mo? Pwede naman nating I-resched ito kung hindi ka okay." nag-aalala na tanong niya rito Tumingin ito sa kanya at malungkot na umiling lang. Ilang taon na sila sa ganitong industry at hindi na bago sa kanya ang pabago-bagong mood ng mga bride-to-be. Normal naman sa mga ikakasal ang ganitong mood 'yong minsan ay masaya, excited bago biglang malulungkot at may iba pa nga na nag-hysterical. Base sa mga kaibigan niya na ikinasal na ay kakaiba talaga ang pakiramdam kapag nasa proseso ka na ng preparation. Mas nagiging emotional naman kapag malapit na araw ng kasal. "Tell me Cristy anong problema?" tanong niya rito at hinawakan niya ito sa balikat. "My brother can't make it until the wedding day. He promised to help me on preparing this wedding because this is the only time na makakasama ko siya na single pa ako. Nag-away kami through phone kanina kasi na galit talaga ako sa kanya dahil hindi niya tinupad ang pangako niya sa akin. Pero after namin na mag usap ay doon ko narealize kung gaano ka immature ang ginawa ko at napaka-selfish. Alam ko naman kasi na marami siyang inaasikaso at hindi ko siya dapat pilitin. I just want to spend more time with him while I can," malungkot na kwento nito. "Brother? You never mention na may kapatid ka pala dahil ang alam namin ay only child ka lang," gulat na sabi niya rito at tumungo ito. "Medyo complicated kasi ang story ng family namin. Back then I thought only child lang talaga ako pero years ago ay nakilala ko siya. Hindi ako makapaniwala nang malaman ko kung sino ba talaga siya. Nakakatawa dahil kko pa talaga ang unang nagalit sa kanya samantalang siya pala ang dapat na magalit sa akin. I found out na anak siya ni Dad sa unang asawa nito and he left them para sa amin ni Mommy. Nakakalungkot isipin na kami ang rason kung bakit naging magulo ang pamilya nila. Sobrang na depressed ako sa mga nalaman ko pero instead na magalit siya sa akin he became a real brother to me. At first, patago kaming nagkikita dahil galit siya kay Dad at Mommy. Iilan lang din ang nakakaalam na magkapatid kami. As much as possible ay ayaw niyang ipaalam sa ibang tao dahil ayaw niya na pag-usapan kaming dalawa. He been always there for me. Mas lamang pa nga ang presensya niya sa buhay ko kaysa sa mga magulang ko. He been always there for me especially those moments that I need someone," malungkot na kwento nito at hinimas niya ang likod nito. Ngayon lang niya nalaman ang mga bagay na iyon dahil before kapag nagtatanong siya tungkol sa family nito ay agad itong umiiwas sa usapan. Ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit ayaw nito pag-usapan ang bagay na iyon. Hindi na lang niya ito kinulit noon dahil ayaw naman niya itong mapilitan na mag-open sa kanya. "Don't feel bad Cristy maiintindihan naman niya kung bakit ka nagalit ka sa kanya dahil iyon naman talaga ang nararamdaman mo pero at least ay narealize mo na may mali ka rin. Tawagan mo na lang siya mamaya to say sorry to him at saka nandito naman ako ang Ate mo, I'll help you in every step okay," pag-assure niya rito at ngumiti na ito saka siya niyakap na tinugon naman niya. Sinenyasan nito ang waiter para mag-order na sila ng pagkain habang naguusap. Pagkatapos nila umorder ay inabot niya rito ang mga listahan na pwede niyang pagpipilian mula sa catering service, bridal shop, cake, band, flowers at marami pang iba na kailangan sa kasal nito. May mga case naman na may preferred na ang bride kaya nakipag-coordinate na lang sila. "So let's start, when and where mo gusto gawin ang kasal ninyo. May idea ka na ba kung anong gusto mong theme ng dream wedding mo?" tanong niya rito habang tinitingnan nito ang listahan. "I'm thinking na mas magiging romantic kung doon gaganapin ang kasal namin sa simbahan kung saan kami unang nagsimba. Then ang date naman ay napag-usapan na namin and we want it on our 2nd Anniversary which is six months from now. I always dream of a garden wedding but knowing the climate by that time I know it's impossible. But my vision for the reception is like a fairy tale style or magical," sabi nito habang sinusulat niya ang mga ideya nito. "If you really want a garden wedding may mga location naman na available. We can also do a church wedding then sa open area na may garden gagawin ang reception. You can check our website para may idea ka," sabi niya at tumango-tango ito. "I will give you a list of what you want in your wedding like flowers, cake flavor and so on. After you and Vincent answer all the information in the list give it to me para alam na namin kung ano ang mga kakailanganin mo sa wedding. Also I need the list of your maid of honor, bestman, bridesmaids, groomsmen, sponsor and guests para naman sa invitation," sabi niya rito bago siya uminom ng juice. "We need you and Vincent full cooperation kasi we only have limited time for the preparation. Anything that you want to add or idea you want to put in your wedding just let me know ahead," sabi niya rito habang tinitingnan pa ang iba pang slide sa tablet niya. "I don't know what I'll do without you, Ate Ellie. You're the best talaga Ate, lagi kang nandiyan kapag kailangan ko ng tulong. Ever since naman hindi mo ako pinabayaan kaya sobrang thankful talaga ako," madramang sabi nito at napangiti siya. "Maliit na bagay Cristy. I'm always here for you anytime at saka you're always welcome," nakangiti na tugon niya dito at tinapik ang kamay nito. "How I wish katulad mo ang maging sister-in-law ko or much better ikaw na lang sana ang maging sister-in-law ko," nakangiting sabi nito pagkalipas ng ilang minutong katahimikan. Sa sinabi nito ay bigla siyang nabilaukan at hindi niya alam kung bakit. Nakita niyang natataranta itong inabot ang baso ng tubig sa kanya saka hinaplos ang likod niya. Tumigil lang ito ng sinenyasan niya ito na okay na siya. "You mean single pa ang Kuya mo? Ilang taon na ba siya?" nakakunot ang noo na tanong niya rito ng mahimasmasan na siya. "I think it's more like as "complicated" nagka-trauma ata siya dahil sa nangyari sa family namin lalo na sa magulang niya. Tanggap naman niya ako bilang kapatid at ramdam ko naman na mahal niya ako pero mayroon pa rin siyang reservation. Nararamdaman ko na may galit pa rin sa puso niya at lungkot. Namatay ang mother niya at lahat ng iyon ay sinisisi niya kay Dad. Sa tingin niya hindi para sa kanya ang long term relationship kaya kuntento na siya sa flings. Sa pagkakatanda ko ay wala pa siya naging seryoso at matagal na relationship. Naiintindihan ko naman 'yong nararamdaman niya but I want him to be happy. I think his thirty-two now, napaka-workaholic niya kaya hindi na ako magugulat kung hindi na siya mag-isip na mag-asawa pa kaya i'm so worried about him. Lahat ng oras niya ay nakalaan sa business niya," sagot nito at nakataas ang isang kilay na niya. Base sa description nito ay malabo talaga na mag-asawa pa ang Kuya nito. Hindi lang dahil sa workaholic ito pero dahil na rin sa hindi ito naniniwala sa commitment. Ito ang tipo ng lalaki na ang tingin sa mga babae ay parang nagpapalit lang ng damit. "Okay I understand now. Don't feel sad at least pamilya ang turing niya sa 'yo hindi ba. Sa mga lalaki kasi hindi issue kung kailan sila mag-aasawa unlike sa katulad natin na babae na kung ituring ay akala mo may expiration. Don't worry darating din ang tao na para sa kanya kaya huwag mo na siya alalahanin," sabi niya rito at ngumiti ito. "Ate, nagkita nga pala kami ni Kuya Roy at Ate Ericka sa Singapore before ako umuwi ng Pinas. They were asking me kung may contact pa ba tayo dahil gusto nilang hingin ang number mo para kamustahin ka raw nila," alangan na sabi nito pagkalipas ng ilang minutong katahimikan at natigilan siya. "Don't worry Ate, kahit pitpitin nila ang mga daliri ko never kong ibibigay ang number mo sa kanila. Sorry Ate, dapat ay umiwas na lang ako sa kanila in the first place para hindi na kami nagkausap," sabi nito at huminga siya ng malalim. Saglit siya tumigil sa pag-inom ng juice at tiningnan niya ito. Alam niyang nag-aalangan itong sabihin 'yon sa kanya pero sinabi pa rin nito. Hindi naman dapat ito naapektuhan sa personal niyang issue kaya hindi ito dapat humingi ng dispensa sa kanya. Matagal na siyang naka-move on, tanggap na niya ang nangyari noon at wala na siyang magagawa pa para ibalik ang nakaraan. Kahit paano ay masaya siyang malaman na hanggang ngayon ay magkasama pa rin ang dalawa, meaning ay tama ang decision niya na lumayo sa mga ito at silang dalawa talaga ang para sa isa't isa. "Hindi mo naman kailangan mag-sorry sa nangyari at saka hindi mo sila dapat iwasan kasi kahit paano naman ay naging parte rin sila ng buhay mo lalo na si Ate Ericka mo. It's all in the past now at saka okay na ako Cristy nakamove on na ako." nakangiti niyang sabi rito at ngumiti rin ito. "Huwag kang magagalit Ate, pero bakit single ka pa rin hanggang ngayon? Na trauma ka ba sa nangyari? Mahal mo pa rin ba si Kuya Roy?" curios na tanong nito. "Ay! Gusto mo bang masaktan ha? Sabi ko naka move on na ako hindi ba, hindi ba malinaw iyong sinabi ko. Ano bang kailangan kong gawin para ma-convince ko kayo na okay lang ako. Porke't single ako meaning mahal ko pa rin siya? Kaloka talaga kayo magugunaw na ba ang mundo at pinagtutulakan ninyo akong mag-boyfriend. Pwede bang tigilan ninyo na ako at saka masaya naman ako ngayon," nagpupuyos sa galit na sabi niya rito. "Relax Ate, chill ka lang napaka-defensive mo naman. Nagtatanong lang naman 'yong tao eh." natatawa na sabi nito at huminga siya ng malalim. "Feeling ko kasi lahat kayo ginagawa ninyong issue ang pagiging single ako." gigil niyang sabi. "Hindi naman sa ganoon Ate, it's just that we all want you to be happy. Your a amazing person and you deserve to be happy and be loved." sabi nito at napangiti siya. "Can't you all see I'm very happy now. Can we also stop talking about this and talk about your charming prince." pagbabago niya sa usapan. Gusto niyang matawa ng biglang nag ningning ang mga mata nito. Para itong isang teenager na nakita ang crush na dumaan. Hindi maikakaila na in-love nga talaga ang taong ito at hindi niya maiwasang mapa-isip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD