Agad na sumilay ang ngisi sa mga labi ni Zei nang makita ang istranghera na paakyat ng bundok. Tatlo araw mula ng magkita sila nito ay inasam niya muli na magkita sila muli nito. Bumaba siya sa kabayo at itinali si Oste sa isang puno. "Dito ka muna,Bud...susundan ko lamang siya.." kausap niya sa kabayo. Mabilis na tinungo niya ang isang bahagi ng gubat. Madali na sa kanya na masundan ang babae dahil sa talas ng pakiramdam niya. Sa mga sanga ng puno siya dumaan at maingat na hindi makuha ang atensyon ng babae sa lihim niya pagsunod dito. Natutuwa siya na sundan ng sundan ang babae . Huminto ang dalaga sa isang bahagi ng bundok at umupo ito at may hinuhukay ito roon. Pinagkrus niya ang mga braso sa harapan niya habang nakasandal sa katawan ng puno mula sa itaas ng puno. Pinanunuod n

