Maingat na inihiga niya ang dalaga sa higaan niya na gawa sa katre. Kinumutan niya ito na may design na Sponge Bob. NakatuLog ito kanina pagkatapos umiyak at marahil sa sobrang pagod at pinagsama-sama takot at pag-aalala ay bumigay na ito. Nagtungo siya sa tirahan ng mag-Lolo para sana bumisita lamang at si Lolo Anding lang ang nadatnan niya nag-aalala ito para sa apo dahiL ito ang nagpunta sa taniman maghahapon na daw at nagsisimula ng mag-aalala ang matandang pobre. May kalayuan ang kaingin at hindi daw nito hinahayaan ang dalaga na magtungo doon pero dahiL sa sobra sama ng pakiramdam ng matanda wala ito magawa kaya ang apo na tumingin sa pananim nito. Agad na sinabi niya na susunduin niya ang dalaga. Itinuro nito ang daan at malayo pa lang sya sa kaingin narinig na niya ang paghangos n

