C-1

437 Words
"Siya ay para sa sangkalobohan, Siya ay ang pag-ibig ng lahat, Siya ang buhay, ang hininga at ang lakas ng lahat. Kailanman ay hindi nagnanais ng higit pa sa kaya niya gawin. Isusuko niya ang pagiging makapangyarihan para sa isang pag-ibig at ang pag-ibig din ang siya magpapatuloy sa kanya sinukuan. Ilang beses binasa nang paulit-ulit ng mga Anda. Ang bago nakasaad sa Propesiya. "Tama kaya na hindi natin sinabi sa mga Prinsipe ang totoo talaga nakasaad sa Propesiya.." may pag-aatubili saad ng dilaw na Anda. Nang matapos nila ianunsyo ang tungkol sa bagong propesiya sa mga Prinsipe hindi nila sinabi ang totoo. "Iniisip lamang natin ang magiging kahihinatnan nito kung sasabihin natin sa kanila ang totoo malaki ang epekto niyun  sa kanila pamilya.." anang ng puting lobo. "Hindi naman nakakatiyak na ang mga Prinsipe ang tinutukoy ng bagong Propesiya.. Hindi ba nauna na ang Panginoon ng mga lobo ang ating hinuha?" anang ng itim na lobo. Natahimik ang lahat ng mga Anda. Lahat sila ay sang-ayon na patungkol iyun sa panginoon nila. Pero nagulo yun dahiL sa huLing talata. "Hindi maaari magmahal ang isang panginoon at nakasaad sa propesiya ang tungkol sa pag-ibig..ang pagsuko.."untag ng pulang Anda. Lahat wala maisip na tamang sagot. Labis niyun ginulo ang kanila mga isip. Nakakabuo sila ng iba't-ibang haka-haka. " Sa palagay ko,ang tangi magagawa lamang natin ay hintayin ang senyales mula sa mga Prinsipe..sa pagbabago ng takbo ng kanila buhay.."saad ng abong Anda. "Bakit hindi tayo umasa na baka may kasunod pa ang propesiya?" anang ng asul na Anda. "Umasa tayo na sana ay walang nakakabahala na mangyari sa ating mga mahal na Prinsipe..." pagkibo ng brown na Anda. Humarap ang mga Anda sa kinaroroonan ng mga Prinsipe at Prinsesa. Masaya ang mga ito na nag-uusap-usap. "Sana nga magkatotoo ang pagdating ng ating Panginoon.." usal ng puting lobo habang pinapanuod ang kinaroroonan ng mga ito. "Ayoko mangamba..pero mas makakabuti kung malalaman ng mga Prinsipe ang tungkol dito. " anang ng Kahel na Anda. "Mas mapaghahandaan nila ang kanila mga pamilya bago iyun mangyari.." sang-ayon ng Violet na Anda. "Sang-ayon ako.." anang ng abong Anda. Mahirap man magdesisyon pero kailangan nila magkaisa. "Tama kayo...ito lamang ang magagawa natin kundi ang alalayan sila.." anang ng puting Anda. Nagsitanguan ang lahat sa nabuo nila pasya. Isang Propesiya na bigla babago muli sa buhay ng mga prinsipe. "Sana tayo na lamang ang tinutukoy ng propesiya.." usal ng puting Anda na sinag-ayunan din ng lahat. Masakit man pero bilang mga Anda ay hindi itinakda para mag kapamilya. Sana may pag-asa pang mabago ang Propesiya. Ang hiLing ng bawat Anda para sa kanila mga Prinsipe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD