"Kuya Zei.."paglapit ni Camille sa kanya. Abala siya sa pagpapakain sa mga kambing na nasa loob ng kulungan. Nginitian niya ang dalaga. Mukha ito atubili sa nais nito sabihin sa kanya. "May gusto ka bang sabihin?" untag niya rito. Nakakatuwa pala magpakain ng mga kambing. Eh kung mag-alaga din kaya siya ng kambing? Not bad. Nakakatuwa sila. Kaso ilang araw na nga lang pala babalik na siya sa mundong-Colai. Sa kanya mundo. "Ahm,Kuya...Totoo bang aalis ka na?" Saglit na binitawan niya ang hawak na damo at humarap sa dalaga. Nagpagpag siya ng mga palad bago niya sinagot ito. "Nabanggit na pala sayo ni Adeline.." "Hindi ka na po ba babalik dito?" may bahid na lungkot nito saad. Masuyo niya ito nginitian at tulad na nakasanayan niya tinapik-tapik niya ang ibabaw ng ulo nito. "Pwede b

