Chapter 6

2468 Words
AUBREY "Bakit kung makangiti ka eh, daig mo pa ang sinisilihan d'yan at hindi mapakali ha, Aubrey?" seryosong tanong ni mama sa akin nang mahuli niya akong nakangiti dahil may naiisip akong paraan para makaganti sa anak ni Mang Danish. "Anong kalokohan na naman ang naiisip mo, bata ka?" naghihinala na tanong ni mama. Kahit kailan talaga, malakas ang pang-amoy nang aking ina. Kung sabagay ay kilala ako ni mama kaya alam niya kung paano ako kumilos lalo na kapag ganitong may masamang balak na laman ang isip ko. Kinalabit ko siya at bumulong kay mama na baka p'wedeng malaki na ang baon ko bukas sa school tutal mayaman naman si Mang Danish. Actually palusot ko lang ito para hindi siya maghinala na may binabalak ako laban sa masungit na anak ng boyfriend niya. Akala siguro nang lalaking iyon ay gano'n-ganoon na lang ang lahat matapos niya akong halikan at lamasin ang dibdib ko. Aba, kahit naman bobita ako eh, batang kalye rin ako at may natutunan ako sa mga bulakbol na kaklase ko. After dinner, hinatak ako ni mama. Akala ko may sasabihin siya pero pingot lang pala ang matatanggap ko dahil humingi ako ng dagdag na baon. Ang kuripot talaga niya, hindi pa rin nagbabago kahit naman dito na kami nakatira sa malaking bahay at magiging mayaman na siya. "Teka, paano po ako papasok sa school mama kung hindi mo dadagdagan ang baon ko? Hindi naman p'wedeng maglakad ako bukas gaya doon sa dati nating bahay?" naka-ngiwi na tanong ko. "Diyan ka magaling na bata ka, puro baon ang nasa isip mo imbes na mag-aral kang mabuti! Naku, kapag bumagsak ka talaga ngayong taon, sinasabi ko sa iyo, Aubrey. Makakatikim ka sa akin, makikita mo!" Halos maalog ang kokote ko sa lakas ng boses ni mama. Kahit lumipat na kami dito sa malaking bahay, wala pa rin akong kawala sa kasungitan niya pagdating sa grades na hindi ko alam kung paano tataas dahil limited lang naman talaga ang naabot ng talino ko. "What's the problem, honey? Why do you keep bothering Aubrey?" tanong ni Mang Danish na sumunod pala kay mama dito at lumapit sa aming dalawa. "It's about her grades and school too," mabilis at bugnot na sagot ni mama kaya kulang na lang ay manalangin akong bumuka ang lupa at lamunin na lang ako. Ngayon kasi, hindi na lang kay Ninang Janina sinasabi ni mama na mahina ang ulo ko sa school dahil heto, na share na niya ang information sa bagong asawa niya at bagong kapamilya namin. Isa pang ikinakainis ko, nasa likuran rin pala ni Mang Danish ang tsismuso niyang anak na tinaasan ko ng kilay kasi ang talim ng mga mata niya na nakatitig na naman sa akin, pero para siyang walang pakiramdam na wala man lang akong nakitang pagbabago sa reaksyon niya kahit nahuli ko siyang halos gusto na yata akong lapain. "Aubrey, kalmahan mo lang. Makakaganti ka rin," bulong ko habang lakas ng loob na nakikipag-titigan sa anak ni Mang Danish. Mahanap ko lang talaga ang brief niya, lalagyan ko ng sili gaya sa narinig kong usapan ng mga baklang schoolmate ko para huwag na niyang ulitin ang ginawang kabastusan sa akin. Erase! Erase! Ang bad ng naisip ko. Mukhang hindi ko kayang gawin iyon lalo na at hindi ko naman alam kung saan makikita ang brief na isusuot ng lalaking ito. "Aubrey!" singhal ni mama kaya napapitlag ako sa harap nila. "Sabi ni Tito Danish mo, hindi ka na papasok sa dati mong school. Maghahanap tayo nang mas malapit dito na p'wede mong pasukan." Para akong tuod na nakikinig sa kanila. Sila na ang nagplano at nagpasya kung saang school ako papasok hanggang sa kung sino ang maghahatid sa akin araw-araw. "Ma, wala na po bang iba?" hindi nakatiis na tanong ko dahil ayaw ko talagang kasama ang anak ng bagong asawa ni mama. Mayaman naman sila, pero bakit gusto nilang kasabay ko pa ang anak ni Mang Danish dahil malapit lang daw sa opisina nito ang school na papasukan ko at si Dexon rin daw ang sasama sa akin bukas para mag-ayos documents na kailangan ko. "Mas mabuti kung ang kuya mo ang gagawa n'yan anak kasi familiar siya sa school na papasukan mo at malapit lang sa kumpanya nila. Alam mo naman na mahina rin ako sa English at elite school daw iyon tapos pang mayaman," paliwanag ni mama kaya lalo lamang akong namomroblema. Umalis na rin si Dexon na bigla na lang naglakad nang walang paalam. Si Mang Danish naman ay may tumawag dito para daw sa gaganaping kasal sa hapon kaya wala na akong nagawa para magprotesta sa kanila. Mukhang wala na nga akong kawala sa sanib pwersa ng mga pamilya namin dahil tuloy na ang kasal ni Mang Danish at nang aking ina kaya ngayon, kailangan ko ng tanggapin na may ibang tao na rin ang sangkot sa buhay ko sa ayaw at sa gusto ko. Sa tingin ko ay hindi rin sila magpapapigil kaya no choice ako kung hindi ang magkaroon ng kapatid na akala mo ay matandang binatang nalipasan na nang panahon sa kasungitan. Feeling ko disaster ang bagong buhay ko sa bahay na ito. Ang lakas kasi talaga ng tìbok ng puso ko lalo na kapag nakikita ko si Dexon na parang tuod pero alam kong hindi mapagkakatiwalaan dahil nasa loob ang kulo ng lalaking iyon. Mabigat ang hakbang na umakyat ako sa silid na tinutuluyan ko. Dala siguro ng pagod at gutom ay agad akong nakatulog pero nagising ako nang madaling araw at hindi na nakatulog pa. Pakiramdam ko kasi ay may iba akong kasama dito sa silid kaya umusbong ang matinding takot sa dibdib ko. Ang laki ba naman kasi ng room na ito tapos malalaki rin ang agwat sa iba kaya hindi imposible na pamahayan na ng maligno. Nanlaki ang mga mata ko ng may nakita akong parang anino sa malaking kurtina. Napasigaw talaga ako sabay talukbong ng makapal na kumot habang mariin na nakapikit at paulit-ulit na nagdadasal na sana umaga na para lumiwanag na ang paligid. Kinaumagahan tuloy, daig ko pa ang zombie na maitim ang gilid ng mga mata at mukhang multo na bumaba para mag-almusal. Daig pa ako ni mama na fresh at blooming ang awra kesa sa akin, palibhasa alaga sa dilig ni Mang Danish. Ay! Ang bad talaga ng isip ko, kasalanan ito ng madahera at tsismusong mga baklang kaklase ko na nakaupo sa likuran ko at kung ano-ano ang pinag-uusapan na hindi ko naman maiwasang marinig kaya may ideya ako. "Maligo ka na agad after breakfast, anak. Bilisan mo at nakakahiya kung maghihintay ang Kuya Dexon mo," sabi ni mama habang kasabay kong kumakain. Akala ko ay hindi na matutuloy ang pagsama ng lalaking iyon sa akin sa bagong school na pupuntahan ko dahil hindi ko na nakita ngayong umaga ang anak ni Mang Danish. "Bilisan mo na d'yan para makapag-handa ka na, Aubrey. Kanina ka pa, ang bagal mo talaga, tanghali na," utos na naman ni mama kaya muntik pa akong mabulunan sa sinubo kong tocino na ilang nguya ko lang ay nilunok ko. Ang hirap pala kapag ganitong may schedule at oras na sinusunod. Parang gusto ko tuloy pagsisisihan na sumama ako kay mama dito sa malaking bahay. Kung alam ko lang na ganito kalaki ang magiging pagbabago sa buhay ko ay hindi na sana ako sumama at pinili ko na lang na maiwan sa apartment o kaya naman ay nakitira sa na muna ako kay Ninang Janina. "Dapat masanay ka nang huwag kukupad-kupad anak. Ang layo ng silid mo para magbihis. Anong oras ka na n'yan makakaalis? Baka ma-late ka pa. Alalahanin mo, first time mo doon ngayong araw. Dapat maganda ang ipakita mong impression sa kanila para matuwa sila sa iyo," sabi na naman ni mama kaya binilisan ko pa lalo ang pagkain ko dahil siguradong mas hahaba pa ang sermon niya kapag nagtagal ako dito. Pakiramdam ko ay hinihingal ako at kahit sa pagkain ay napagod ako lalo na at tinakbo ko ang hagdan dahil bago mag-alas-otso ay dapat makaalis na kami dahil papasok sa opisina niya si Kuya Dexon. Yeah, kuya. Kailangan ko na raw sanayin ang sarili kong tawagin siyang gano'n, sabi ni mama. Ang gusto ko lang naman ay tawagin siyang gano'n para asarin siya kasi mamayang hapon, ikakasal na ang aking ina kay Mang Danish kaya magiging isang pamilya na kami. Dahil nagmamadali, tanging ang na unang nakita ko sa damitan ko na ripped jeans ang suot ko at kulay pink na off shoulder na blouse plus rubber shoes. Komportable ako sa ganito dahil bukod sa favorite na get up ko ay ang regalo ni Ninang Janina na Jansport na backpack ang dala ko. Hinihingal na lumabas ako sa elevator pero wala naman akong nakitang tao sa sala maliban sa katulong na sumalubong sa akin. "Miss, kanina pa po kayo hinihintay ni Sir Dexon," sabi nang kaharap ko kaya tipid na ngumiti ako. "Nasaan po siya, ate?" nahihiya na tanong ko dahil wala naman kasi kaming usapan kung saan magkikita lalo na at hindi naman niya ako kinakausap na. "Nasa labas po, sa driveway," sagot ng kaharap ko kaya mabilis na tumakbo ako palabas ng malaking pintuan. Mahirap na at baka tupakin ang lalaking iyon at iwan ako. Hindi ko pa naman alam kung saan ang address ng school na pupuntahan namin kaya nagmamadali talaga ako. Awkward na kumatok ako sa salaming bintana ng mamahalin na sasakyan ni Dexon. Nagtataka nga ako kung bakit isa lang ang pintuan, pero hindi ko naman magawang tanungin dahil nakatayo ako sa tabi ng binata at hindi malaman ang gagawin lalo na at sarado ito at tented ang salamin kaya hindi ko makita kung may tao ba sa loob. Inis na kumatok ulit ako. Wala kasi akong mapagtanungan kung may tao ba sa loob dahil hindi naman ako sinamahan nang kasambahay na iniwan ko sa loob dahil ang bilis ko tumakbo palabas at hindi niya nahabol. Kakatok sana ulit ako pero bumaba ang bintanang salamin ng sasakyang kaharap ko. Yumuko ako at tanging ang seryosong mukha ni masungit ang nakita ko sa loob. "Sasakay ka ba o bubuhatin pa kita?" tila iritableng tanong ni masungit sa akin. Siguro bad mood si masungit kasi naghintay nga naman siya sa akin, tapos halos gibain ko na ang salamin ng sasakyan niya sa lakas ng mga katok ko para pag-buksan niya. "Sasakay na po, kuya!" agad na sagot ko at mabilis na binuksan ang pintuan. "Seatbelt!" utos ni kuyang masungit na hindi man lang ako tinapunan nang tingin. Nanginig ang kamay na hinatak ko ang seatbelt sa may balikat ko pero dahil first time kong sumakay sa mamahaling sasakyang ito at kinakabahan pa ako sa lalaking kasama ko ay nahihirapan akong hatakin. Napalunok ako ng mabilis na dumukwang at lumapit sa akin si masungit na Dexon. Nanlalaki talaga ang mga mata ko na napakurap dahil akala ko ay hahalikan niya ulit ako. Mabilis na napalunok ako sabay pikit ng mga mata dahil hindi magkamayaw ang malakas na kaba sa dibdib ko at pakiramdam ko ay may bumara sa lalamunan ko lalo na ng manoot sa ilong ko ang pabangong gamit ni Kuya Dexon. Ramdam ko na dumampi sa balat ko ang mainit na hininga niya. Ang lapit lang ni Dexon sa akin at posibleng gahibla lang ang pagitan namin sa isa't isa kaya nagtiis akong nakapikit. Hindi ako maaaring magkamali dahil alam kong malapit masyado ang mga mukha namin na hinala ko ay sinadya niya kaya hindi ko magawang magmulat ng mga mata sa takot na baka maulit na naman ang ginawa niyang pang-hahalik kahapon at baka kung ano pa ang gawin niya sa akin ngayon. "Naligo ka ba?" Narinig kong tanong ni Dexon matapos ikabit ang seatbelt ko kaya nagmulat ako ng mga mata. "Oo naman," agad na sagot ko sabay irap dito. "Amoy pawis ka," sabi nito bago pinaandar ang sasakyan. Nalukot ang mukha ko pero pa simple na inamoy ko ang damit na suot ko sabay taas ng braso ko at inamoy ang kilikili ko. Inirapan ko si Dexon ng makita kong ngumisi siya sa salamin dahil mukhang inaasar niya ako ngayong umaga lalo na at nakita niya ang ginawa ko. "Kahit mahirap lang ako, marunong akong maligo ng maayos," mataray na singhal ko dahil hindi ko gusto ang ngisi sa mukha niya. "You smells good last night," sagot nito kaya talagang nalukot lalo ang mukha ko at kumulo ang dugo ko. Last night daw? Baka kahapon, kasi hindi pa naman madilim nang halikan niya ako. Kagigil talaga ang lalaking ito. Parang walang pakialam at pakiramdam na tila ba normal lang sa kanya na sabihin iyon, samantalang sobrang nag-init ang magkabilang pisngi ko sa narinig ko. "Hindi ako sumakay dito sa sasakyan mo para amuyin mo, Kuya Dexon!" malakas at pikon na sagot ko na pinag-diinan ang salitang 'kuya' sa kanya. "I'm not your kuya, remember that!" matigas na sagot nito na balak talaga yatang makipag-away sa akin ngayon sa tigas ng pagtanggi nito. Alam ko naman kasing mahirap lang kami ni mommy at hindi nga naman tulad niyang ubod ng yaman kaya wala akong karapatan na tawagan siyang kuya kahit ikasal pa si mama sa daddy niya mamayang hapon. Hindi ko siya sinagot pero nag-init na naman ang ulo ko sa sumunod na narinig kong sinabi nito. "Favorite ko talaga ang kulay red," palatak na sabi na naman ni Dexon kaya nakasimangot at naniningkit ang mga mata na bumaling ako sa kanya. I wonder kung bakit na naman niya nasabi iyon. Wala kasi akong tiwala sa kanya dahil bawat buka ng bibig niya ay parang buhawing nananalanta at ako lagi ang naapektuhan at tinatamaan. "Hindi ka rin yata nagpalit ng bra. Iyan din ang nakita kong suot mo kahapon," sabi nito kaya lumaki talaga ang butas ng ilong ko. "Akala ko mayabang ka lang, manyakìs ka pala talaga!" galit na sigaw ko at tuluyang naputol ang maikling pasensya ko.. Ang walang-hiyang ito, akala ko pa naman ay concerned kanina kaya tinulungan akong magkabit ng seatbelt. Hindi talaga siya mapagka-katiwalalan dahil sinilipan lang pala ako, kaya malinaw na nakita niya ang mga dibdib ko maging ang pulang bra na suot ko dahil maluwag ang off shoulder na blouse na suot ko at nasabi na favorite niya ang red. Sa inis, mabilis na nahagip ko ang buhok ni Dexon at sinabunutan ko. Hindi na ako nakapag-isip ng tama at malaking pagkakamali ko dahil nagmamaneho nga pala ang walang-hiyang lalaking kasama ko. Kaya ang resulta, malakas na mura nito ang natanggap ko, kasabay ng mabilis na kabig sa ulo ko na tila ba pinoprotektahan niya akong huwag masaktan. Bigla akong napasigaw ako nang naramdaman ko ang malakas na impact sa unahan ng sasakyan na alam kong bumangga ang mamahaling kotse na minamaneho ni Dexon sa kung saan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD