Chapter 4

2222 Words
AUBREY Dahil sa nangyari kanina ay nagutom tuloy ako matapos makaharap ko ang estranghero na lalaking iyon. Nagtiis akong mauhaw at hindi kumain sa takot na baka magkrus ulit ang landas naming dalawa. Panay ang lunok na nakasalampak nang upo sa sahig at paanan ng kama dito sa loob ng silid na tinutuluyan ko. Kagigising ko lang at nagugutom na talaga ako. Hindi rin nakatulong na naghilamos at nag-toothbrush ako kanina dahil sobrang nauuhaw ako pero nagtatalo ang kalooban ko kung lalabas ba ako. What if nasa baba ang lalaking iyon o kaya naman ay biglang magkita kami? Anong mukha ang ihaharap ko sa kan'ya? Kung bakit ba naman kasi hindi ako nag-isip na basta na lang lumabas kanina na hindi man lang nagbihis ng maayos. Palibhasa ay matagal na ako dito sa silid kanina kaya naisip kong para komportable ay nagpalit na rin ako ng damit pambahay. Nasanay kasi ako ng gano'n sa dati naming bahay kaya ngayong biglang lumipat kami dito ay nawala talaga sa isip ko. Hay luwa tuloy ang dibdib ko tapos manipis pa ang tela ng damit na suot ko, kaya siguro gano'n niya ako tingnan na para bang hinuhubaran ako. Hawak ko ang de-keypad na cellphone ko. Gusto kong tawagan o i-text si mama para bilhan ako ng kahit anong makakain o kaya naman ay bumalik na siya dito dahil hindi na talaga ako makatiis, lalo na at malapit ng mag-alas-singko ng hapon pero hindi pa ako kumakain ng tanghalian. Mabuti na lang at kanin ang kinain ko nang mag-almusal kami sa bahay. Kahit paano at na kaya kong labanan ang gutom pero ang hirap magtiis ng uhaw kahit natulog ako kanina pero nagising na kumakalam ang sikmura. Dahan-dahan na bumangon ako at marahang binuksan ang pintuan saka sumilip sa labas pero wala akong ibang nakita kung hindi ang malawak na hallway. Minabuti ko ang lumabas at binagtas ang daan papunta sa hagdan sa pinaka-sulok at dulo ng pasilyo. Sinabi ko sa sarili ko na never na talaga akong gagamit o lalapit man lang sa elevator kaya kahit malayo ay hinanap ko daan pababa. Malakas ang kaba sa dibdib na panay ang marahang hakbang ko sa makipot na hagdan. Hindi ko alam kung dahil ba sa gutom kaya nangangatog ang tuhod ko habang panay ang lunok. Pinagpapawisan na rin ng malapot ang noo habang panay ang lakad ko pero mukhang minamalas pa yata ako dahil imbes na kusina ang napuntahan ko ay hindi ko alam kung saang lugar na ako dinala ng mga paa ko. Ewan bakit walang katao-tao sa loob ng bahay na ito. Kaunti na lang talaga ay gusto ko ng sumigaw ng malakas para malaman kung may kasama pa ba ako. Tuloy-tuloy na binagtas ko ang maliit na hallway na hindi ko alam kung saan patungo. Nakarinig kasi ako ng mahinang ingay na sinundan ko dahil sigurado akong may tao doon na p'wede kong hingian ng tulong. Kung kanina ay kinakabahan, mas grabe ngayon lalo na at makipot na ang daan at malamlam ang ilaw. Mas malakas ang kalansing ng tila kadena na naririnig ko at ungol na tila ba nahihirapan ito kaya natigilan ako. Bigla ay may hindi magandang hinala ako nangyayari sa bahay na ito. Ewan ko pero kinakabahan talaga ako. Pakiramdam ko ay may mali kaya hindi ko na itinuloy ang paglalakad at sumandal sa dingding habang sapo ang masakit na sintido. Pakiramdam ko ay nahihilo ako, bukod sa kulang ako sa tulog magdamag kagabi ay wala akong kain maghapon maliban sa almusal ay hindi rin uminom ng tubig. Kailangan kong maka-inom ng tubig dahil unti-unting nanlalabo ang mga mata ko. Hindi ako sanay na hindi kumakain at nagtitiis ng gutom maghapon. First time na nangyari ito sa akin, dahil kahit mahirap kami ay sinisiguro ni mama na may laman ang hapag hindi gaya ngayon na mukhang nakalimutan na niya ako dahil sa iba na nakatuon ang atensyon nito. Pakiramdam ko ay babagsak ako sa sahig kaya bigla ay binuksan ko ang pintuan kung saan may naririnig akong ingay sa loob para sana humingi ng tulong, pero nag-panic ako ng makita ko kung sino ang narito at kung ano ang ginagawa nito. May hawak siyang mahabang latigo na sa tingin ko ay pamalo na ginagamit nito sa dalawang lalaking nakatali pareho at duguan ang hubad na katawan. Napunok ako sabay hakbang paatras kaya nauntog ako sa gilid ng pintuan. Nanginginig ang buong katawan na hindi ako makagalaw lalo na ng unti-unting humakbang ito palapit sa akin habang hindi inaalis ang mga mata sa akin ng lalaking madilim ang mukha at alam kong galit dahil hindi nito nagustuhan ang makita akong narito sa loob ng silid na ito. "What are you doing here?" malakas at alam kong galit na tanong nito. Hindi ko nagawang sumagot habang ilang ulit na kukurap-kurap sabay lunok. Umusbong ang matinding takot sa akin lalo na ng makita ko ang ilang armadong kalalakihan na nasa gilid ng pintuang binuksan ko na tila ba nagbabantay at hindi gagawa ng mabuti dahil mukha silang mga goons. "Why are you here, hindi mo ba alam na bawal ka dito at restricted ang lugar na ito?" mariing tanong ng lalaking iniiwasan kong makita pero dahil malas yata ako sa araw na ito dahil heto siya, hinawakan ako sa braso. Napapikit ako ng mariin. Pakiramdam ko lalong umiikot ang paningin ko. Magkahalong takot, kaba at gutom na rin kaya wala akong lakas sa mga oras na ito. "Get out!" malakas na singhal ng lalaking mahigpit na hawak ako sa braso. Sapilitan at mabilis na kinaladkad ako nito palabas. Dala ng gulat at takot, hindi ko nagawa ng magpumiglas, para akong lantang gulay na sunod-sunuran sa kan'ya hanggang sa tumigil siya sa dulo ng pasilyo at tinitigan ako ng masama. Saka ko lang napansin ang dugo sa braso ng lalaking hatak ako. Madilim ang awra niya at alam kong kapag hindi nito nagustuhan ang kilos ko ay baka may gawin itong hindi maganda sa akin dito mismo. "Now speak!" malakas na utos nito ng bitawan ako. Nasa hallway na ulit kami. Maliwanag at maluwag, hindi gaya doon sa pinuntahan ko na kasya lang yatang dumaan ang dalawang tao. "H-hinahanap ko po ang kitchen," naiiyak at nauutal na sagot ko. Natatakot kasi ako sa kan'ya lalo na at ganito siya kalapit sa akin. Pakiramdam ko ay hindi ako ligtas kasama siya dahil sa hindi maganda ang nakita ko kanina. "Do you think my basement looks like a kitchen to you?" tila nagtitimpi na tanong nito. Napaiyak tuloy ako, nahihiya ako dahil nagmukha akong tanga. Isa pa, natatakot ako sa kan'ya kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko na yumuko sabay tulo ng luha habang nakatutok ng mga mata sa nanlalamig na pares ng mga paa. "Who are you and what are you doing in my house? Are you spying on me?" matigas at nag-aakusa na tanong ng lalaking kaharap ko Hindi ako sumagot at hindi rin ako kumibo lalo na ng marinig kong nagsalita ang lalaking kaharap nito na mukhang may tinawagan na kung sino at tinanong kung may bago ba raw silang katulong. Akala ko hanggang doon lang iyon, pero nagulat ako ng hatakin niya ang braso ko at isandal sa dingding kaya nanlalaki ang mga mata na biglang nag-angat ako ng mukha at napatingin sa kan'ya. Hindi pa ako nakasagot ng bigla na lang siya akong sunggaban at hinalikan sa labi kaya pakiramdam ko ay nanigas ang buong katawan ko at balewala na nauntog ang masakit na ulo kaya lalo lamang nagdilim ang paningin ko. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa. Hindi ko rin siya maitulak dahil bukod sa wala akong lakas ay hawak niya ang mga kamay ko kaya wala akong nagawa kung hindi magpumiglas pero dahil kulang na lang ay bumaon ako sa dingding ay para tuloy naparalisa ang katawan ko. Gusto kong magmakaawa sa kan'ya na tigilan at pakawalan ako. Pakiramdam ko mauubusan na ako ng hininga at nangangapal na rin ang labi ko dahil panay ang sipsip tapos hindi ko maipaliwanag kung paano niya nagawang galugarin ang buong bibig ko at pati dila ko ay nahuli nito kaya impit na napaungol ako. Hindi pa siya na kuntento doon dahil naramdaman kong dumapo sa isa sa mga dibdib ko ang isang kamay niya at biglang pinisil nito kaya dala ng labis na gulat ay mariing nakagat ko ang labi niya bagay na lihim na ipinagpapasalamat ko dahil bahagyang tumigil ito. Para akong tuod na umiiyak, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Magkahalong galit at takot dahil baka hindi lang unang halik ko ang kunin niya kapag may ginawang akong hindi niya nagustuhan. "Ang sama mo, manyakis ka," humahagulgol na sabi ko sapo ang mukha dahil ayaw ko siyang makita. Ewan ko kung saan ako kumuha ng lakas ng loob na sugurin ang lalaking nanghalik sa akin. Patingkayad at mabilis na inabot ko ang maikling buhok nito kahit matangkad ito kaya nasabunutan ko. Galit na galit ako ng biglang kong naalala kung paano niya nilamas ang dibdib ko. Para akong makainom ng pampalakas at bitamina na sinunggaban siya at kinagat sa tenga habang sinasabunutan gaya ng mga nakikita ko sa mga ka-klase kong bading kapag nakikipag-away ang mga ito sa labas ng school. "Walang-hiyang ka! Bastos! Manyakìs!" galit na galit na hiyaw ko habang sinasabunutan siya at panay ang mura nito. Hawak ko ng mahigpit ang buhok niya habang ang isa ay sa dakot na damit nito. Hindi ito nakaiwas ng mariing kagatin ko ang dibdib at maging ang balikat. Naramdaman kong pumulupot sa bewang ko ang braso nito at yakap na niya ako dahil sa sakit. Pilit na pinatitigil sa atake ko sa kan'ya pero dahil galit na galit talaga ako ay hindi ko siya binitawan may kasama pang sipa, tadyak at inuntog ko na rin ang ulo ko sa noo niya. "Fvck, from which jungle you came from?!" malakas at panay ang malulutong na mura na tanong nito pero hindi ko sinagot. Lintik siya, batang Tondo ako. Sanay makakita ng away sa kanto pero dahil mabait ako at umiiwas sa gulo, siya lang ang bubugbugin ko ng ganito. Narinig ko na may umawat sa amin pero hindi ako bumitiw. Nagdilim ang paningin ko sa galit at wala akong ibang gusto ngayon kung hindi makaganti sa lalaking bastos na ito na bigla na lang akong hinalikan tapos nilamas pa ang dibdib ko. "Ouch! Stop!" Hiyaw nito ng kagatin ko sa balikat. Sa kahahatak ko sa kan'ya at pagpapambuno naming dalawa na ngayon ay sabay pa kaming bumagsak sa sahig. Nasa ibabaw ako nito at nasira ko na ang damit niya kaya malas ng lalaking ito na kulang na lang ay mabaklas ang balat sa leeg dahil sa diin ng kagat ko. "What's happening here?" Dumadagundong ang tinig at malakas na tanong ni Mang Danish na nasa tabi si mama habang nanlalaki ang mga mata dahil sa nakita niya. Bakit nga naman hindi? Alam kong hindi maayos ang itsura namin ng lalaking nasa ilalim ko. Magulo ang sumabog na buhok ko tapos ang ingay pa namin ng abutan ng mga ito. Nabitawan ko ang napunit na polo shirt ng lalaking nadadaganan at nauupuan ko sa tiyan habang nakahiga ito sa makinis at marmol na sahig. Napatingin ako sa mga taong nasa paligid namin at hindi malaman kung anong gagawin ko dahil sa kahihiyan na nakita ng mga ito. "Aubrey, tumayo ka d'yan!" malakas na sigaw at utos ni mama sa akin. Napalunok ako habang dahan-dahan na kumilos. Napa-ngiwi pa ako ng tapunan ko ng tingin ang lalaking mabilis rin na tumayo. Gaya niya, sira at punit rin pala ang damit ko, nangangapal ang labi pero napa-irap ako ng makitang pumutok at dumudugo ang kilay at ilong ng manyakis na humalik sa akin. "Why are you two fighting?" tanong ni Mang Danish sa amin. Akmang ibubuka ko ang labi ko para isumbong ang lalaking kaharap ko na nag-punas ng dugo sa labi ng napaigtad ako. "Aray!" Hiyaw ko ng mabilis na lumapit si mama sa akin at kinurot ang tagiliran ko. "Hindi kita dinala dito para makipag-away ng gan'yan. Hindi ka na bata, Aubrey!" malakas na sabi ni mama. Sermon ang inabot namin pareho, mabuti na lang at mabilis pa sa alas-kwatro na nawala ang mga taong nakapalibot sa amin dahil kung hindi ay sobrang kahihiyan pa lalo ang inabot ko. "You, with your age, why didn't you hold your temper, and you fought with your sister?!" malakas na singhal at tanong ni Mang Danish sa lalaking kaaway ko. "She's not my sister and can't ever be," mariin na sagot ng lalaking kaharap ko na kulang na lang sapakin ko uulit dahil hindi pa humuhupa ang galit ko. "Shut up, Dexon! We already talked about this," mataas ang boses na sabi pa ng boyfriend ni mama. "Tomorrow, me and Athena are going to get married, and I expect that you two will accept this marriage and treat each other as a part of this family." Natigilan ako at napatingin kay mama na nakatayo kaharap ko na niyakap ni Mang Danish at hinapit palapit sa kan'ya kaya nag-iwas ako ng tingin, pero malaking pagkakamali ko dahil nagtama ang mga mata namin ng lalaking kinaiinisan ko, lalo na nang dilaan nito ang pang-ibabang labi na tila ba ipinapa-alala sa akin kung paano niya sinamantala ang kahinaan ko kanina ng halikan ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD