Sakay ng itim na Mercedes Benz, pinaharurot ko ang sasakyang minamaneho ko habang nakakabit ang Bluetooth sa tenga ko. I contacted the base at sinabi kong malapit na ako sa target position. Mag-isa lang akong papasok sa isang casino para sa subject ko na i-terminate ang anay sa organization. Maraming may kakayahan at p'wedeng gumawa nito pero iba kapag ako mismo ang gumawa ng trabahong ito dahil walang kahit na sino ang maghihinala sa involvement ko sa gagawin ko. Pormal ang ekspresyon ng mukha at sinuyod ng paningin ko ang bawat bahagi ng casino na nadaanan ko. Nagkalat ang mayayamang guest na handang magwaldas ng pera at walang pakialam kahit kapalit nito ay buhay dahil lulong na sa sugal. Magkakaroon dito mamaya ng auction at mamahaling mga alahas na attractive sa mga mata ng nagka

