I carefully observing the whole house, maging ang kilos ng pamilya ni Senator Mayer. Walang pumapasok sa silid na gamit ko maliban sa asawa nito dahil ang mga anak ay never kong nakitang pumunta at kinausap siya sa hindi ko malamang dahilan dahil malayo ang loob niya sa ama. Katulong at ilang tauhan lamang ang pumapasok dito sa silid ni Senator Mayer hanggang sa pang-apat na araw ko na ay dumating ang taong hindi ko inaasahan. Si General Fernandez na isa sa may mataas na posisyon sa pulisya. I know him, malinis ang pangalan, hindi masuhulan at may magandang track record pero may ideya akong nabuo tungkol sa pagkatao nito nang pumasok siya sa silid na gamit ko at kinausap ang tauhan na nagbabantay sa labas ng silid na ito. "Akala ko ba gising na si Pablo?" May diin sa tinig na tanong ni

