Inabot ko na lang ang gamot na binigay niya para matapos na. Naguguluhan pa rin kasi ako hanggang ngayon at naiinis kay Dexon na inuwi na pala ako dito sa bahay niya ng walang malay. Kahit kailan talaga, siya ang nasusunod. Gusto ko pa naman sanang manatili sandali doon sa isla, dahil bukod sa magandang buhangin at dagat ay nagustuhan ko ang fresh water at malaking ilog na tinawid ko. Kung hindi lang talaga nagkataon na natuklasan ko ang panloloko ni Dexon, baka hanggang ngayon ay naroon pa ako dahil naisip ko nang maligo doon at maglakad-lakad sa buhanginan noong araw na ikinasal kami kasi napakaganda ng buong lugar tapos pribado pa. Walang-hiyang lalaki talaga iyon, makikita niya kapag nakita ko siya. Gigil talaga ako sa kanya dahil sa pagiging manipulator niya. Siguradong kaya aga

