"Bahala ka, pero gusto ko dito," tanging naisagot ko dahil unang tingin ko pa lang ay nagustuhan ko na ang lugar na ito. Siguro mahilig lang talaga ako sa ganitong lugar kaya nagustuhan ko rin gaya sa isla. Very refreshing sa mata at pakiramdam malayo sa buhay sa Maynila na sobrang traffic. "No problem, sweetie. This resort in now yours," sagot nito na hinapit ako sa kinabig ako nang makapasok kami sa isang malaking silid. "Wow, ang ganda!" Malakas na bulalas ko at nakalimutang yakap na naman pala ako ni Dexon. Puti ang kobre kama at maging ang mga malaki at makapal na mahabang kurtina. Masyadong maaliwalas ang buong lugar tapos may mahabang puting sofa rin at may carpet na kulay green na parang green grass na malimit kong makita sa mga shopping malls kapag may special events. Excite

