Inabot ko ang baso ng wine na dala ko kanina at ipinatong sa gilid ng pool. Siguro dala na rin ng edad ko, kaya hindi pa talaga ako handa sa ganitong uri ng buhay dahil never kong pinangarap na magkaroon ng mayaman na asawa gaya niya tapos matanda pa. "Is there anything wrong, sweetie? May nasabi ba akong mali at ayaw mo?" May pag-aalala sa tinig na tanong ni Dexon. Hindi na kasi ako sumagot at nagsalita pa. Nanahimik ako at kumawala sa pagkakayakap niya dahil inabot ko ang baso na may lamang alak. Pakiramdam ko kasi ay kailangan ko ito at nakatulong sa akin para magkaroon ako ng sapat na lakas ng loob. "I'm sorry, Dexon. Hindi ko masasabi kung kaya kitang mahalin. Sa totoo lang, natatakot ako," panimula ko. Gusto ko kasing maunawaan niya kung bakit ko nasabi ito at maging ang totoon

