Naging mainit ang buong gabi namin ni Dexon sa hotel. Sinulit talaga naming dalawa kaya ang resulta, tanghali na kami parehong nagising. Dito na rin kami kumain at nag-almusal. Bumaba lang nang pauwi na sa bahay at pagkatapos ay nag-paalam ang asawa ko na papasok sa trabaho dahil may meeting umano siyang kailangang harapin. Ang boring ng maghapon ko, pakiramdam ko namimiss ko si Dexon. Nakakainis, ganito pala ang pakiramdam kapag hinahanap-hanap ko siya kaya hindi ako nakatiis at nagbihis ng napili kong pormal na damit kapares ng mataas na sapatos saka bumaba bitbit ang handbag na binili niya sa akin. "Ma'am aalis po kayo?" magalang na tanong ng isang lalaki na sumalubong sa akin. "Opo kuya, gusto ko pong puntahan sa opisina si Dexon," agad na sagot ko. Lihim na nanalangin akong huwag

