Mahusay talaga ang magkakaibigang ito, nagtuturuan pa sila eh, pare-pareho lang naman silang mga tsismoso at babaero. Natigil lang ang usapan nila ng tumunog ang cellphone ni Kuya Jared at mabilis na nagpaalam dahil tinawagan pala ni Ate Camilla at nagkukumahog na umalis para umuwi sa kanila. "Under talaga si Laxamana ni Camilla. Isang tawag lang, ang bilis ng loko, hayan umuwi na," naiiling na sabi ni Kuya Declan. "Wala kayong pinagkaiba, pareho lang naman kayong dalawa na under de saya na uuwi kapag tinawagan ng asawa," naka-ngisi na sabat ni Kuya Alexander na himalang ngayon ay maingay na dahil malimit ay tahimik lang kanina. "Hindi kami under ng asawa namin. Mahal na mahal ko lang talaga si Liegh at ayaw kong nagagalit siya sa akin, dahil gusto kong laging maganda at nakangiti ang

