"Saan mo nilagay ang hinubad na panty ko, ha?" nakairap at malakas na tanong ko dahil naisip kong baka may ginawa siyang kung ano sa gamit ko. "Ah, sweetie naman. Marami ka naman nang underwear, bakit hinahanap mo pa iyon?" balik tanong ni Dexon na kumamot sa batok. Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi porke't binilhan mo na ako ng mga bagong panty, nakakalimutan ko na 'yun. Regalo ni Ninang Janina sa akin yun noong seventeen birthday ko, tapos may iba't ibang kulay, kulang na iyon dahil nawawala ang isa." "I will check with my stuff, nasa bahay na natin," sagot ni Dexon. "Bakit hindi ko binigay agad?" nakasimangot na tanong ko. "Ah, na busy na kasi ako, kaya nawala sa isip ko. Besides, after the wedding, umalis ako then pagbalik ko, nagbakasyon naman tayo," sagot ni Dexon na mukhang va

