Hindi naman kasi kami mahilig sa mamahalin at material na bagay. Mas nag-enjoy kami sa mga games at pagkain. After naming bumili ng pangarap naming pabango, lumabas na kami sa store na iyon at naglakad-lakad na lang sa ground floor. Hindi na rin kami nanood ng movies dahil malimit ko namang mapanood ang mga new movies sa exclusive channel sa bahay kaya hindi ito attractive sa paningin ko at gano'n rin naman ang kaibigan ko. "Kuya Addie, hawakan mo muna siya please. Gagamit lang ako ng comfort room," sabi ko sa kasama ko na inabot sa kanya ang kulay sky blue na malaking teddy bear na yakap ko. Naiihi na kasi ako, inaya ko rin si Rosemarie na sumama rin sa akin at inabot sa isa sa mga bodyguard na kasama namin ang dala niyang teddy bear. Naiwan namin sila sa labas ng comfort room. Magkas

