Dalawang hakbang lang, nasa loob na ako ng dating silid na ginagamit ko. Hindi ko inaasahan ang bagay na natuklasan ko pero nakaramdam ako ng kakaiba dahil hindi ko akalain na may direktang pintuan pala na connected sa silid namin ni Dexon. "Anong ibig sabihin nito? Alam kaya ni Dexon ang tungkol dito?" naguguluhan na tanong ko sa sarili ko. Luminga-linga ako hanggang sa naisip kong kailangan ko pala ng sanitary napkin kaya mabilis na binuksan ko ang drawer sa banyo kung saan ay alam kong may stock akong pads kasama ng mga hygiene stuff na gamit ko. Successful naman at natagpuan ko ang kailangan ko pero hindi nawala sa isip ko ang bagay na natagpuan ko. Nagsimulang gumala ang mga mata ko at nagkaroon ng isa pang hinala sa isipan ko. Hinalughog ko ang buong silid. Wala akong pinalampa

