Nag-iisip ako ng ibang paraan para makalabas dito pero isa lang ang p'wedeng may makagawa noon at si Dexon lang. Napalingon ako ng marinig ko ang mga yabag na papalapit sa akin at papunta dito sa direksyon ko. Nakita ko si Dexon na tumigil at nakatayo sa likuran ko ng lingunin ko kaya napalunok ako dahil heto na naman ang pakiramdam na biglang bumilis ang tìbok ng puso ko. Nakapamulsa siya at walang na ang baril na hawak niya kanina, pero hindi nawawala ang seryosong ekspresyon na nababasa ko sa mukha niya at maging ang matalim na mga matang nakatingin sa akin, kaya agad na nagbaba ako ng tingin at ibinaling sa tubig ang paningin ko. "Let's go upstairs, Aubrey. Malamig dito, baka magkasakit ka," mahinahon nang sabi ni Dexon na mukhang nag-bago na ang mood niya. Kahit paano ay lumuwag

