Liblib ang lugar kung nasaan ako. Ilang provincial buses rin ang nakita kong dumaan pero bihira lang at sigurado akong hindi titigil kahit parahin ko kaya tanging ang liwanag lamang mula sa cellphone na walang signal at hawak ko na malapit ng maubusan ng battery ang meron ako sa mga oras na ito. For my safety, nagtitiis muna akong papakin ng lamok. May lintik na langgam pa nga ang kumagat sa braso ko na gigil na pinatay ko kasi masakit pa sa kurot ng asawa ko. Mabuti na lang after few hours na paglalakad sa gubat, nagkaroon ng signal ang cellphone ko matapos umakyat sa itaas ng malaking bato. Matinding survival skill ang pinagdaanan ko maabot ko lang ang lugar na ito pero hindi bali positive naman akong makakauwi ako ng buhay. "Where are you, Miller?" agad na tanong ni Declan ng sagut

