Sabay rin kaming nag-almusal. Sabado ngayon at sa tingin ko ay hindi aalis si Dexon para sa ibang commitment niya kaya posibleng kasama ko siya mamayang hapon sa cemetery gaya ng napag-usapan namin. Ewan pero awkward talaga ng pakiramdam ko na narito siya. Although, nag-uusap naman kami at malambing pa rin siya sa akin na parang walang nangyari kaya lang ako na mismo ang umiiwas sa kanya. Nakabihis na ako at bumaba sa sala pero hindi ko siya nakita at nang tanungin ko ang isa sa mga kasambahay namin dito sa bahay ay itinuro ni Dora ang balcony. "Of course, Declan. Ako nang bahala," narinig kong sabi ni Dexon sa kausap na kaibigan. "Siya ang lead natin kay General Fernandez kaya tama lang na manmanan siya ng mga tauhan mo." Mukhang may importante silang pinag-uusapan kaya hindi ako

