Mabagal at nanlalamig ang mga paa na humakbang akong nakapaa palabas ng wardrobe. Sinadya kong huwag maglakad ng mabilis gaya doon sa bidang babae sa movie na napanood ko kasi sa tingin ko ay mas effective ito. Napalunok ako ng ilang hakbang lang ay nag-angat ng mukha si Dexon at awang ang labi na tumingin sa akin at sinuyod ng mga mata ang kabuuan ko. Akala ko, kaya kung gawin pero nangatog ang mga binti ko sa paraan kung paano niya ako tingnan kaya napatayo tuloy ako ng tuwid at hindi nagawang ihakbang ang mga paa papunta sa kama gaya nang na unang plano ko na mahihiga sa ibabaw nito, habang nakalilis ang manipis na damit pantulog na ngayon ay suot ko para ma-expose ang magandang hubog ng katawan ko. Malinaw na nakita ko kung paano ilang ulit na lumunok si Dexon at pinasadahan ng dil

