"It's okay, loosen up. Let's celebrate rose birthday," nakangiting sabi ng asawa ko na mukhang may ideya na sa nangyayari dahil posibleng narinig niya ang sinabi ni Rosemarie. Walang kibo na naupo si Kuya Addie at sinunod ang sinabi ng asawa ko na umupo katabi ko. Wala siyang choice kung hindi tumabi kay Rosemarie na mukhang wala nang balak magsalita dahil nakasimangot lamang ito at hindi na kumikibo pa. "Teka, ikaw ba eh, may asawa o girlfriend na?" parang nanay ni Rosemarie na biglang tanong ni Ninang Janina kay Kuya Addie. "Wala," tipid at maikling sagot ni Kuya Addie sabay abot sa baso ng alak na binigay ni Ninang Janina sa kanya at uminom na. Ilang minuto rin na walang umimik kahit isa sa amin. Pormal pa rin ang ekspresyon ng mukha ni Kuya Addie na malinaw na napatunayan ko na t

