"Ginawa mo na ang lahat ng sa tingin mo ay tama para mapansin ka niya, pero hindi lahat ay ayon sa kagustuhan natin, bessy. Ilang buwan pa lang naman kayong magkakilala, marami ka pang makikita na mas higit sa kanya. Yung taong pahahalagahan ka at tatanggapin kung ano ka. Don't settle for less, sabi doon sa movie na napanood natin, naalala mo pa?" nakangiting sabi ko para pagaanin ang atmosphere sa pagitan naming dalawa. "Okay na sana eh, emote na emote na ako, tapos biglang English na pilipit ang narinig ko kaya umurong ang luha ko," natawang sabi no Rosemarie na kanina lang ay umiiyak pero ngayon ay iglap lang nagbago ang mood niya. Kilala ko kasi ang kaibigan ko, alam ko kung paano siya pasayahin dahil mula noon hanggang ngayon, siya lang naman ang nag-iisang best friend ko. "Sige n

